Chapter 18
Last Day Before The Battle...
Johnny Pov.
"Nakahanda na ba kayong lahat?!" sigaw ko sa mga ka-grupo ko.
"Handa na Boss!!!".
Andito kami ngayon sa hideout ko kung saan tinipon ko lahat ng member ng East Berlin Gang, siguro ganun din ang ginagawa ng South at ng North ngayon, bukas na ang bakbakan kaya sinisiguro ko ang bawat grupo ko kung nasa maayos silang kondisyon.
"Boss Johnny, nasa'n na po si Xtian, hindi ba siya kasali sa laban?", tanong ng isa kong myembro.
"Sa ngayon hindi muna siya makakasali dahil hindi ako sigurado kung nakafully recover na ba siya sa kondisyon niya pero sa ngayon huwag muna natin siyang isipin dahil mas importante ngayon ang laban natin bukas".
"Boss, yakang-yaka natin ang laban na'to, tingnan niyo naman mga kasama, tatlong Gang ang magsama-sama laban sa iisang Gang lang, siguradong madali natin silang tatapusin, di ba mga kasama?", sabi ng isa ko pang myembro.
"Oo! Wala silang binatbat sa'tin, tatapusin natin silang lahat na walang kahirap-hirap", sabi nilang lahat.
"Tahimik!", at nagsipagtahimik naman silang lahat, "Huwag niyong mamalitiin ang kalaban natin ngayon, kung alam naming tatlo bilang leader na madali namin silang mapapatumba, edi sana hindi na kami nagsama-sama pero malalakas ngayon ang makakalaban natin kaya gusto ko sanang ibuhos niyo ang buong lakas niyo sa laban na 'to at kapag matalo tayo sa laban, mawawala na ang East Berlin Gang na pinaghirapan natin para buo-in. Maliwanag ba ang sinabi ko? Kahit kailan at kahit anong mangayari, lumaban at lalaban tayo hanggang sa huli! Nagkaka intindihan ba tayong lahat?!"
"YES!!! BOSS!!!"
Dito na ko sa hideout nagpalipas ng gabi kasama ang iba ko pang myembro. Hanggang ngayon hindi pa nagpapakita sa'kin si Xtian, hindi ko rin makontak at ayaw namang sabihin sa'kin ni Jhenny kung saan siya ngayon. Maya-maya ay naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko at nakita kong tumatawag si Venus sa'kin, "Hello Johnny, busy ka ba ngayon?".
"Hindi naman, Oh ba't napatawag ka? May kailangan ka bang sabihin o itanong sa'kin?".
"Oo sana eh, tungkol kay Kuya. Hindi siya umuwi ngayon, at parang kinakabahan ako na parang may panganib na magaganap. Ito pa lang ang unang beses na hindi siya umuwi ng bahay, Johnny natatakot ako para sa kanya", mahinang pagkakasabi niya sa'kin.
"Sinubukan mo na ba siyang tawagan? Sinabi niya ba sa'yo kung bakit hindi siya makaka-uwi ngayon?".
"Oo pero nakapatay yung cellphone niya, sabi niya daw kay Mama doon muna siya sa kaibigan niya matutulog. Pero sabi naman sa'kin ni Mae, maaga siyang umuwi galing School dahil may importante daw siyang aasikasuhin sa bahay, di ba nakakapagtaka naman yun?".
Hindi mo lang alam Venus, naghahanda na rin siya sa darating na Gang War pero pinapangako ko sa'yo, walang may masamang mangyayari sa kuya mo, malakas siya at walang inuurungan, ang kinakabahan ko lang ay si Mae dahil kailangan niyang tiisin ang lahat ng sakit na mararamdaman ko. Kapag nakaramdam na si Mae ng sakit, doon na sasabihin ni Jhenny ang lahat ng sekreto na tinatago namin.
"Huwag kang mag-alala sa kanya, kayang-kaya na yan ng kuya mo yung sarili niya. Malakas yun at matapang kaya huwag ka nang kabahan, okay?", pagpapakalma ko sa kanya.
"Salamat Johnny ha, ikaw rin palagi kang mag-iingat at kahit anong mangyari ipagdadasal palagi kita na sana walang mangyayari sa'yo na masama".
"Salamat, Oh sige na, matulog ka na malalim na yung gabi, Good Night na".