Chapter 5
Johnny Pov.
Nagkaharap na ang dalawang grupo at handang handa na rin sila sa pakikipagbakbakan. Nasa harapan si Marky kasama yung mga grupo niya at nasa kaliwa niya naman yung kasama niyang pumunta dun sa teretoryo namin, Leo yata ang pangalan sa pagkakatanda ko.
"Andito na rin pala kayo, akala ko paghihintayin niyo pa kami eh", sabi ni Leo.
"Whahaha! Bakit natatakot ka ba na baka matalo namin kayo?", sabi ni Xtian sa kanya.
"Hoy! Sinong matatalo? Baka kayo! Ikaw ha! Ba't ba palagi kang kumukontra! Naku, senior paubaya mo na sa'kin 'tong unggoy na 'to!".
"Aba! Boss, ako nang bahala sa mayabang na'to! Gagawin ko talaga siyang barbeque!", inis na sabi sakin ni Xtian.
Hindi pa nga nagsisimula ang laban, nag iinit na ang dalawang 'to. "Hoy! Kayong mga taga East Berlin, handa na ba kayong matalo?!", sigaw samin ni Marky.
"Handa na!", sigaw naman ng mga kasamahan ko, "Mga g@go! Bakit naman kayo nakisang-ayon sa kanya?!", galit na sigaw ko.
"Hehe Sorry Boss, joke lang namin yun", sabi naman nila, tsk!
Hay naku, ewan ko ba sa mga ka-grupo ko, seryoso nga ba talaga sila? Well no choice ako, nasa leader nakasalalay ang kinabukasan ng isang Gang. "Hoy! South Berlin! Hinding hindi magpapatalo ang East Berlin sa inyo!".
"Edi umpisahan na natin, South Berlin, sugod!!!", sigaw ni Marky at sabay sabay silang sumugod.
"East Berlin maghanda kayo, tatalunin natin sila, sugod!!!".
At nagsimula na ang madugong labanan, "East vs. South", sino kaya ang mananalo?
Venus Pov.
"Johnny Mae Palmarez?! Ikaw si Johnny Mae Palmarez?!".
"Uhhhmm.. bakit ka sumisigaw? Bingi ka ba?", pagtatakang tanong niya.
"Hindi! May itatanong ako sayo, may kilala ka bang Johnny Hidalgo?", baka sakaling kilala niya.
Hindi na siya nagsalita pa muli, "Hoy! Nandiyan ka pa ba?! Hindi mo ba ko naririnig?!", sigaw ko ulit.
"Oo! Huwag kang sumigaw hindi ako bingi!", ay sorry.
"Oh ano na? Kilala mo ba siya?".
"Hindi eh, pero pamilyar lang sakin yung pangalan niya, bakit?", hindi niya pala kilala yung kakambal niya.
"Okay, ganito na lang pero huwag kang mabibigla ha? May kakambal ka bang lalaki?", ewan ko lang kung magugulat siya o hindi.
Hindi ko siya narinig na nagsalita pa ulit, siguro speechless siya sa sinabi ko sa kanya,
"Ano? Ano nga yun ulit? Pakiulit nga, hindi kita narinig", tae.
"Ang sabi ko may kakambal ka bang lalaki?! Bingi!", sigaw ko.
"Whaaaat?! You know my twin brother?! Anong pangalan niya?", kasasabi ko lang eh, bingi nga siguro toh.
"Kilala ko siya pero....", hindi pa ko tapos magsalit ay bigla na lang siya nagsalita ulit.
"Magkita tayo sa Mall malapit sa Park, naiintindihan mo? Go!", tapos binaba niya na yung cellphone.
Wow ha! At sino siya para utusan niya ko, magpunta siya dun mag-isa, akala niya kung sino siya para utusan ako, nek-nek niya! Ang lakas pa kaya ng ulan.