Chapter 13

26 0 0
                                    

Chapter 13

Jhenny Pov.

Tinulungan ako ng mga tao para dalhin si Xtian sa Ospital. Tinawagan ko rin sina Johnny at Marky tungkol sa nangyari at agad din naman silang pumunta dito kasama sina Venus at Mae. Nasa loob ngayon si Xtian sa ER habang hinihintay namin ang magiging resulta. Nakayakap ako kay Venus habang wala akong tigil sa pag-iyak. Kinwento ko din sa kanila yung mga nangyari at kitang kita ko din sa kanila ang pagkalungkot at pagkatakot. Apat na oras kaming naghintay sa labas at sa wakas lumabas na rin ang doctor.

"Doc. kamusta yung kaibigan namin?", tanong namin dun sa doctor.

Huminga ng malalim yung doctor bago siya nagsalita, "I'm sorry to say, he is in Comatose at critical ngayon ang kondisyon niya. Halos buong katawan niya ang napuruhan at marami na ring dugo ang nawala sa kanya. Ipagdasal na lang natin na sana may himalang mangyayari, excuse me", at umalis na siya sa harapan namin.

Pagkasabi yun ng doctor, pakiramdam ko nawala na 'ko sa sarili. Parang baliw na ko na hindi ko matanggap yung sinabi niya, isang pakiramdam na hindi mo maintindihan kung ano ang ipapakita kong emosyon. Pumasok kami sa loob para tingnan siya pero hindi pa naman kami nakakalapit, agad na kaagad lumabas si Johnny at hinabol naman siya ni Venus. Si Mae naman umiyak sa dibdib ni Marky dahil sa nakita niya.

Tiningnan ko si Xtian mula ulo hanggang paa at hindi ko na natiis ang mapaluha at humagulgol sa sitwasyon niya. Halos hindi ko na siya makilala dahil nasira ng lubusan ang mukha niya at nagkukulay ube yung braso at pisngi niya sa pamamaga. Gusto ko sana siyang mayakap pero hindi ko magawa dahil baka mas lalo pang lumala ang kondisyon niya. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mawalan ako ng boses. Hindi ko talaga makakaya pag-iniwan niya ko.

Dumating si Jesselle kasama si Timothy pero nang makita ni Jesselle si Xtian sa kanyang kalagayan, napatakip na lang ito at yumakap sakin. Humagulgol din siya sa pag-iyak habang binabanggit niya yung pangalan ni Xtian. Si Timothy naman, halos nagpipigil ng galit dahil sa sinapit ng matalik niyang kaibigan. Hindi talaga naming matanggap ang nangyari sa kanya.

Buong gabi ko siya binantayan hanggang sa nagsidatingan na rin ang pamilya niya. Halos umiyak din ang Nanay niya dahil sa nangyari sa anak niya. Kahit pagod na pagod na ko sa pag-iyak, hindi pa rin nauubos ang luha ko dahil sa mabigat ng nararamdaman ko. Yumakap ako sa Nanay niya dahil pareho lang kaming nararamdan. Awa, takot at lungkot.

Johnny Pov.

"Arrrgh!!!", sigaw ko sabay suntok at sipa sa pader. "Hindi ko talaga sila mapapatawad sa ginawa nila sa kaibigan ko! Wala akong pakialam kung sino man sila basta magbabayad sila!".

"Tama na Johnny, tama na!", pagpipigil sakin ni Venus habang nakayakap sakin. Nasa labas kami ng Ospital at walang masyadong tao dahil gabi na. Lumabas ako para maglabas ng galit at poot na nararamdaman ko ngayon.

Halos hindi ko nakayanan ang sinapit ng kanang kamay ko at wala man lang akong nagawa para tulungan siya. Pakiramdam ko wala akong kwenta dahil hindi ko siya natulungan o naipagtanggol. "Arrrgh!", sigaw ko ulit.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon