Chapter 10

11 0 0
                                    

Chapter 10

Johnny Pov.

"Ano Boss?! Aalis ka?! Bakit naman nagkakaganun?!", gulat na pagkakasabi sakin ni Xtian sa Phone.

"Huwag ka ngang sumigaw, sumasakit yung tenga ko. Oo aalis ako, gusto ko sana sa pag-alis ko, dapat hindi ito malaman ni Venus."

"Bakit naman Boss? Alam mo bang masasaktan yun?".

"Yun na nga eh, gusto ko sana na kapag naka-alis na ko, tsaka niya na lang malalaman. Kasi kapag pinigilan niya ko, si Mommy yung makakalaban niya, alam mo naman siguro kung gaano kapanganib si Mommy di ba? Gusto mo bang mapahamak siya?", sabi ko.

"Sige Boss, naiintindihan kita".

"Oh sige na, ibababa ko na yung phone, marami pa kong gagawin", at binaba ko na yung phone. Nasa office ako ngayon ng Condo ni Mommy, inasikaso ko na ang lahat para sa pag-alis ko, wala na 'kong po-problemahin pa.

Kahit gaano kong pinapa-busy yung sarili ko, hindi ko pa rin mapigilang mag-isip kay Venus, alam kong masasaktan ko siya sa gagawin ko pero ang makakalaban ko si Mommy, hindi siya yung tipong madadaan mo sa pisikal. Kahit sinong tao, kinatatakutan siya dahil magagawa niya ang lahat kahit illegal pa, ganyan ang magagawa ng isang tao pagmaraming pera.

Napatingin ako sa bintana, "Tatlong araw na lang at aalis na kami ni Mommy", sabi ko sa sarili habang nagmumukmok ako sa opisina. Wala na ba akong magagawa para pigilan yung mga binabalak niya?

Pagkatapos ng tatlong araw, gumising na'ko at naghanda sa sarili ko para umalis. Nakahanda na ang lahat pati na rin yung mga bagahe ko. Habang nagbibihis ako, narinig ko na lang na may kumatok sa pintuan kaya agad ko namang binuksan at nakita ko sina Daddy at Mae.

"K-Kuya? *huk*T-Talagang a-alis ka na ba?*huk*", tanong ni Mae sakin habang humihikbi.

"Wala na tayong magagawa Mae, alam mo naman kung gaano ka delikado si Mommy di ba?", sabi ko sa kanya habang nakatingin sa sahig.

"P-Pero ang ibig sabihin ba nito *huk*, hindi na tayo pwedeng magkita ulit? *huk*", hindi ako makapagsalita dahil sobrang nalulungkot din ako, nararamdaman ko yung nararamdaman ni Mae kaya hindi ko na rin napigilang umiyak, "Kuya, huwag ka na lang umalis *huk*, ayokong umalis ka, *huk* ayokong magkakahiwalay tayo ulit kuya, *huk* ayoko ko, huhuhu ayoko kuya ayoko", iyak niya at niyakap ako para hindi maka-alis.

Nakita ko si Daddy mula sa likod, at kitang kita ko sa kanya yung lungkot. Medyo namumula yung mata niya na halata namang pinipigilan lang niya.

"Awww.. that's so sweet", bunyag kaagad ni Mommy pagdating niya sa Room ko. "Maghanda ka na at aalis na tayo, magpaalam ka na sa kapatid  at Daddy mo dahil ito na yung huli niyong pagkikita", sabi niya habang nakatalikod siya sakin.

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay Mae at kukunin ko na sana yung bagahe ko pero bago ko pa mahawakan, lumapit muna ako kay Mommy at lumuhod, "Bakit po kayo ganyan sakin? Ano bang ginawa kong kasalanan sa inyo? Bakit niyo ba ako pinaparusahan ng ganito? Anong kasalanan ko sa inyo? Dahil ba sa nagawang kasalanan ni Daddy kaya sakin niyo pinapadama yung galit mo? Bakit, ginusto ko bang mangyari ang lahat nang 'to? Mom, kahit kailan hindi ko nadama yung pagmamahal mo sakin, kahit kailan hindi ko nadama yung pagiging Ina mo sakin. Ginawa ko ang lahat ng gusto na baka sakali sa ganung paraan ituring mo rin ako bilang anak mo rin lang pero kahit anong gawin ko, pakiramdam ko parang lang akong utusan na walang silbi kundi sumunod lang. Alam mo Mom, naiinggit ako sa mga kaklase ko dahil meron silang magulang na nagmamahal sa kanila samantalang ako, nakatingin lang sa kanila habang nangangarap na sana ganyan din yung kinikilala kong magulang sakin kaso hindi eh, hindi sila ganun dahil mas binibigyan pa nila ng halaga yung negosyo nila kaysa sa sarili nilang anak. Hindi ko nga matandaan kung niyakap niyo ba ako o sinabihan man lang na I Love You. Alam niyo Mom, mahal na mahal na mahal ko po kayo, pero mahal niyo rin ba ako? Tanggap niyo ba ako bilang anak ninyo? Na kahit ampon niyo lang ako, maipapadama niyo ba sakin ang pagiging ina ninyo? Sana man lang maipadama niyo po ang pagiging magulang niyo sakin, samin ni Mae dahil nahihirapan na po ako,  at dahil kailangan ko po kayo, gusto ko palagi kang nasa tabi ko, kailangan ko po ang pag-aalaga niyo. Ayoko ko pong bumalik sa korea dahil dito ako masaya, dito may mga kaibigan ako, dito may Daddy at kapatid ako, ikaw na lang po Ma ang kulang, kahit hindi man kayo magkabalikan ni Daddy, okay lang, ang importante kasama kita bilang Ina ko at bilang Anak mo kaya sana Mom, huwag na po tayong umalis, nagmamaka-awa na po ako", at hindi ko na talaang napigilan amg umiitak sa harapan niya habang nakahawak ako sa kamay niya. Hindi ko alam kung ano ang kahinatnan ng ginawa ko pero kung ano man yun, tatanggapin ko ang importante nasabi ko sa kanya kung ano yung gusto kong sabihin.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon