Chapter 7

12 0 0
                                    

Chapter 7

Johnny Pov.

"Ako ang kanang kamay ng Leader ng North Berlin Gang, Timothy ang pangalan ko", sabi niya habang nakangiti sa'min.

"Eh ano ngayon? Baka nakakalimutan mo, kaharap mo ngayon ang dalawang leader, gusto mo bang magkasubukan ang Gang niyo at ang Gang naming dalawa?", sabi ni Marky sa kanya.

Ngumiti lang ang lalaki sa'min na parang mataas yung kompyansa niya sa sarili, "Ako sa inyo, hindi ko gagawin yun lalong lalo na't may mga taong madadamay dito, akala niyo siguro ako lang mag isa dito no? Pwes! Nagkakamali kayo".

Pagkatingin namin sa paligid, halos lahat ng tao nakatingin sa'min lalaki man o babae, nakita ko din na may katabi sina Venus at Mae na tatlong lalaki na hindi nila napapansin, napatingin naman ako kina Xtian at Jesselle na nasa loob ng Videokehan pero hindi nila alam, maraming naka abang sa kanila sa labas, at si Leo naman at Jhenny, pinalilibutan na rin sila pero wala silang kamalay-malay.

"Ibig ba sabihin nito...", hindi pa ako tapos magsalita ay nagsalita siya ulit.

"Bingo! Nahulog kayo sa bitag namin."

Halos pinagpapawisan na ko pati na rin si Marky, hindi namin alam kung ano ang gagawin lalong lalo na't madadamay sina Venus, Mae at Jhenny na walang kaalam-alam.

"Pero huwag kayong mag-alala, gaya nga ng sinabi ko walang mangyayari sa kanila kung hahayaan mo lang akong bantayan ang dalawang kasamahan mo, nagkaka-intindihan ba tayo?".

"Kapag may ginawa kang masama sa mga kaibigan namin, hinding hindi namin kayo mapapatawad", sabi ko sa kanya.

"Huwag kang mag alala, tumutupad ako sa mga sinabi ko, at kapag lumabag ako, mananagot din ako sa lider namin", nung sinabi niya yun, medyo nakahinga din ako ng maluwag. Tuluyan na kaming umalis sa harap niya at pinuntahan sina Venus at Mae na parang walang nangyari.

"Oh ba't ang tagal niyo?", pagtatakang tanong sakin ni Venus.

"Mahaba kasi ang pila eh, tara alis na tayo", sabi ko.

"Ha? Saan naman tayo pupunta?".

"Uuwi na".

"What? Uuwi na tayo kuya? Pero hindi pa tapos yung bonding natin ha?".

"Tama ang kuya mo Mae, umuwi na tayo. Total mag gagabi na", pagsang-ayon naman sakin ni Marky.

Wala silang nagawa kundi ang sumunod na lang, timawag na din namin sina Xtian at Leo pati yung mga kasama nila. Maski nga sila nagtaka din pero wala din sila magagawa. Isa-isa na kaming nagsi-uwian. Kasama ko yung kapatid ko na si Mae, at kasama din ni Marky yung kapatid niya na si Venus. At yung iba naman, sila na lang ang naghatid sa mga kasama nila, si Xtian kay Jesselle at si Leo naman kay Jhenny.

Xtian Pov.

"Ano bang pumasok kay Boss at bakit niya kami pina-uwi ng maaga?", sabi ko sa sarili. Ang usapan kasi namin, alas 9 pm kami uuwi pero alas 6 pm pina-uwi na kami.

The Bad OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon