"Ilang taon ka na nga, Sunny? 30 ka na diba? Wala ka na bang planong mag-asawa? Paano 'yan? Mas gugustuhin mo na lang tumandang dalaga? Huwag ka kasing masyadong mapili!"
This wasn't the first time I received an unsolicited opinion from a relative. Kaya nga ayaw na ayaw kong dumadalo sa ganitong reunion ng pamilya dahil walang ibang nakikita ang mga kamag-anak ko kung hindi ako.
Kung hindi nga dahil sa pinsan kong si Naffie ay hindi ako dadalo rito. Ayoko namang tanggihan iyong pinsan ko dahil sa dinami-rami ng kamag-anak ko sa both sides ng parents ko ay siya lang talaga ang kasundo ko.
Paano ba naman kasi? Wala ng ibang nakita ang mga kamag-anak ko kung hindi ang pagbabanda ko imbes daw na magtrabaho ako sa kung saan aligned ang natapos ko.
I graduated BSBA and I passed the board exam. But I never practiced my course because in the first place, I didn't really want to study that. I wanted to pursue music pero si daddy hindi niya magawang suportahan ako sa gusto ko.
If only mommy was still alive, she would allow me to choose and pursue my heart's desire. Kaso she died when I was in 3rd year high school. And by then, daddy dictated me things that I needed to do.
One was to pursue the course I finished. I did what he wanted but I asked for my freedom in exchange. I did well in school. Sinantabi ko muna ang passion ko pero nang nakapagtapos ako ay hindi siya tumupad sa usapan. Gusto niyang magtrabaho ako sa firm niya at tuluyan ng talikuran ang musika.
No fucking way!
Kaya umalis ako. Besides he remarried after a year my mom died. Ang bilis niyang nakahanap ng ipapalit sa mommy ko. May dalawang anak na mas matanda sa akin ng isa at dalawang taon iyong napangasawa niya. So automatically, may step-siblings ako.
Pero nakakatangina lang na sila naman iyong sampid lang but they made me feel otherwise. So anong gagawin ko? Nagtiis na ako ng apat na taon sa bahay na kasama sila at hindi ko na magagawa pang magtiis pa ulit na kasama sila kaya bumukod ako.
Dad was so furious about my plans of moving out and pursuing my passion because he was deeply against it. Pero hindi kasi siya tumupad sa usapan. Gusto niya gawin ko pa rin ang gusto niya. Hindi ako pumayag. Kaya naman umalis ako sa poder niya ng walang kahit anong tulong mula sa kanya.
Not that I fucking need it. I could support myself. And thanks to my trust fund my mom prepared for me. I was still using it until now. But I am not relying to it that much that's why I am working my ass out.
Rumaraket ako sa araw. Kumakanta ako sa resto-grill ni Naffie sa gabi.
"Kaya nga, Sunny! Hindi ka man lang ba nahihiya sa mga pinsan mo? Lahat sila ay may mga narating na at successful na sa buhay. Si Drey na bulakbol noon ay may sariling negosyo na ngayon. Tas si Hailey, may sarili na ring restaurant ngayon sa metro. E ikaw? Anong maipagmamalaki mo? Ang pagra-raket mo sa events? Ang pagkanta mo? At least si Naffie pagmamay-ari niya iyong resto-grill. E ikaw? Singer ka lang doon. Naku! Kung buhay siguro si Sancha, malulungkot iyon ng sobra sa kinahinatnan ng nag-iisang anak niya," diretsong pangagatong pa ng tita ko. Puring-puri niya iyong mga anak niyang... ewan!
She's my mommy's younger sister and they're total opposite. Kung anong kina-anghel ng mommy ko, iyon namang kinademonyita nitong si tita Helen. Manang-mana sa kanya iyong bitch niyang anak na si Hailey. Idagdag mo pa iyang asawa niyang feeling perfect e babaero rin naman!
Tangina! Ano naman ngayon kung may sariling resto yung anak niya? As if namang kanya 'yon 'no! If I know pagmamay-ari iyon ng matandang uugod-ugod na nilalandi niya at nagawan niya ng paraan para maipangalan sa kanya.
Pakshet! Alam ko mga sekreto nila kaya huwag ako!
Inisang lagok ko ang wine na nakuha ko mula sa waiter kanina. Kung titignan mo ang reunion na ito'y parang sobrang prim and proper ng mga magkakapamilyang narito. Na para bang ang sole purpose kung bakit may ganito ay para magkaroon ng catch ups and the like.
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...