Chapter 16

17 2 0
                                    

"I never thought I would still see you. At dito pa talaga sa hospital."

Halos abot anit ang taas ng kilay ng demonyitang Moralde nang magkaharap kami. Nasa loob na si Ginnie, ang asawa ni Roco, para sa checkup niya pero itong demonyita ay lumabas pa para makita ako.

Namiss ata ako nito e.

"Kahit ayaw ko na rin kayong makita, never ko pa ring naisip na hindi ko na talaga kayo makikita," kibit-balikat ko. "Maliit lang ang probinsyang kinabibilangan natin doktora." Unless kung aalis ka rito at magpunta ka na lang sa Mars. O sa impyerno na lang siguro tutal naroon naman iyong kambal mong si Satanas.

Ugh! Gustong-gusto kong ituloy iyon pero nanaig pa rin ang respeto ko sa kanya kahit papaano. I just have to endure this moment. Pagkatapos nito, hindi ko na siya ulit makikita. At sana lang talaga'y hindi ko na siya makikita kahit kailan.

Ngumisi siya. Iyong nakakabwisit na uri ng ngiti. "You are right. Masyadong maliit ang probinsyang 'to, most especially ang syudad kung nasaan tayo ngayon. So, why don't you do me a favor?"

We are staring right into each other's eyes. Parang may imaginary na kuryenteng nagtutunggali sa mga titig namin.

I didn't ask nor say anything. I just waited for her to continue.

"Why don't you just stay in your city and never set a foot here?"

I smirked. Tangina! Mababaliw ako sa bruhang 'to talaga.

"Kailan niyo pa nabili ang metro, doktora?" Unti-unting nawala ang nakakaasar na ngiti niya. Mas naging mariin ang titig niya sa'kin. Nagpatuloy naman ako, hindi nagpatalo. "May patunay ba kayong pagmamay-ari niyo na 'tong syudad ng Dagupan? Kasi kung may maipapakita kayo sa'kin ngayon, aalis ako rito ora mismo. At hinding-hindi na ako tatapak dito." Tunog nanghahamon talaga ako.

She shifted her weight on her other foot. Hindi siya umimik. She is just looking at me menacingly until somebody called her. Assistant niya ata.

"Doktora, handa na po ang pasyente."

I smirked. I raised my brow at her. Hindi ko nga lang magawang paabutin sa anit ko iyong kilay ko tulad no'ng kanya. Fine! Credit na niya iyon sa kanya. At least may talent siya sa ganoon. Ha! Nakakaamaze! Grabe!

Halata ang iritasyon sa kanya nang talikuran ako. She even rolled her eyes at me. I smirked. At least nasa akin ang huling salita ngayon. Gayunpaman, sobra-sobra pa rin ang iritasyon na nararamdaman ko sa kanya. Inasahan ko na rin namang makakaharap ko sita rito pero nakaka-drain lang talaga siya ng energy.

Mabuti na lang din talagang hindi ko nakatuluyan iyong anak niya dahil paniguradong magpapatayan kami kung sakaling naging mother in-law ko siya.

Damn! Iyong isipin ko pa lang iyong magiging koneksyon ko sa kanya kung nagkatuluyan nga kami ni Derrick ay kinikilabutan na ako. Salamat talaga sa Diyos dahil niligtas Niya ako sa kapahamakan!

I decided to go to the cafeteria. Kailangan ko ng tubig dahil napagod ako sa encounter ko roon sa demonyita. Pero bago pa man ako tuluyang makababa sa ground floor ay iyong isa pang demonyita ang nakasalubong ko.

Seriously? Isa-isa ba talagang magpapakita sa akin ang mga Moralde ngayong araw na 'to? Okay lang sana kung iyong tatay na Moralde ang makakasalubong ko e magiging masaya pa ako. Ang kaso puro kampon ng dyablo ang nakakasalubong ko!

I feel really tired, and I don't think I still have the energy to face the other bitch. Nakikita ko pa lang iyong ngisi niya at iyong uri ng titig niya ay naiimbyerna na ako.

"Look who's—"

I instantly raised my hand and that made her statement cut off.

"Tarayan mo 'ko kapag hindi ka na ngarag," pangbabara ko sa kanya at dire-diretsong sumakay ng lift pababa ng ground floor. Hindi ko na tinignan kung anong expression ng mukha niya sa sinabi ko dahil wala na akong pakialam.

Until the Sun Falls  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon