"I have photography stint this afternoon, baby," sabi ni Zach habang mariing nakatitig sa akin. The way he looked at me felt like he has done something bad.
We were having our breakfast together and we were having a lazy morning since originally, wala siyang trabaho ngayong araw.
Pero mukhang may urgent ulit siyang trabaho. Nakita ko kasi siyang may kausap sa phone kanina. Inasahan ko na 'to. Hindi nga ako nagkamali.
"Okay," sagot pagkatapos sumimsim sa mainit na kapeng pinagsasaluhan namin.
Since we started living together, parang nag-morph na rin kami sa iisang tao. Kumakain kami sa iisang plato. Nagkakape kami sa iisang mug. Kahit ang baso namin ng tubig ay iisa na rin. Iniisip ko nga minsan na iisa na lang din ang gagamitin naming toothbrush para tipid tutal nakikigamit naman ako sa sabon at shampoo niya. Kaya literally, amoy Zach na rin ako, but I am loving it.
It is actually practical. At least walang masyadong gastos sa gamit at kaunbti lang ang hugasin.
"Okay?" tanong niya. Maingat siya sa tanong niya, halatang naninimbang. Akala niya siguro magtatampo ako o ano.
Duh! Hindi naman makitid ang utak ko 'no kaya okay lang sa akin 'yang mga last minute na trabaho niya. Dahil tulad ng paulit-ulit kong sinasambit, trabaho niya 'yan. Nariyan na 'yan bago pa ako dumating sa buhay niya. Kaya bakit ako kokontra?
Tumango ako. "Hmm-mm. Okay."
Huminga siya ng malalim. "Please tell me what you are thinking, baby."
Kumunot ang noo ko. "Wala naman akong iniisip. Bakit? Meron ba dapat?"
"Aren't you mad? Or pissed?"
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"
"Because I will be going to leave you again for work?"
"Zachary," pagtawag ko sa kanya. "Hindi ako galit at wala akong dapat na ikagalit. Trabaho mo 'yan e."
"But I promised I would be staying at home the whole day with you. And I would be there at your gig tonight to watch you perform."
"Zach, I fully understand the nature of your work. Simula no'ng mahalin kita, minamahal ko na rin ang lahat sa'yo ng buong-buo. Kahit iyang trabaho mo. So, if you expect that I am mad only because you are leaving for work again this afternoon, then you expect it wrong, baby. I am totally fine with it."
Iyong noo naman niya ang kumunot. "But why?"
"Anong why?"
"You should get mad, Sunny."
Nalaglag ang panga ko sa narinig ko mula sa kanya. "Gusto mo akong magalit?"
"Yes?"
"Bakit kailangan kong magalit?"
"Kasi aalis ako mamayang hapon and I would get to leave you alone?"
Napahalakhak ako. "Anong tingin mo sa'kin? Petty?"
"No, baby."
"E ano?"
Bumuntong-hininga siya at saka nagkamot sa batok. "In our half a year relationship, we never fought."
Mas lalong nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "What the fuck, Zachary? So, gusto mong mag-away tayo?"
"Well, fighting sometimes makes relationships healthy, right?" I glared at him. Ano bang pinagsasabi niya? Nagmukha siyang tensed bigla sa expression ng mukha ko. "Naffie asked me one time if we ever have fought before. When I told her never, sabi niya hindi raw maganda 'yon. She said that fighting is sometimes good for couples."
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...