Hindi siya nagsalita. I didn't hear any piece of advice from him. Not that I need it though. Gusto ko lang na maiiyak lahat ng sakit na kinikimkim ko noon pa.
Patuloy lang siya sa paghagod sa likod ko. Nagpatuloy din ako sa pag-iyak. At pagkatapos ng ilang minuto ay inalis ko ang mga braso ko mula sa pagkakayakap sa kanya at tumalikod.
"Sunny," I heard him call me pero diretso lamang ako sa paglalakad patungong parking lot.
Alam kong medyo kabastusan iyong bigla kong pag-alis pagkatapos kong mabasa ang shirt niya dahil sa pag-iyak ko pero gusto ko na lang talagang umalis dahil baka magtanong siya at mapakwento ako. Ayokong magkwento but I know that if he'd ask, I would definitely tell him. Ganoon ako ka-vulnerable ngayon.
Diretso lang talaga ako sa lakad kahit pa tinatawag niya 'ko. Ni hindi man lang ako nagpasalamat sa kanya bago ko siya iwan.
"Sunny," tawag niyang muli pagkatapos ay mariing hinawakan ang braso ko.
Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
"Pasensya na sa pagbasa ko sa damit mo," sabi ko at tinuro iyong parte ng dress shirt niyang basa. Pero hindi man lang siya bumaling doon. Nanatili siyang nakatitig sa akin ng mariin.
"Aalis na 'ko," patuloy ko nang wala man lang akong narinig na kahit ano sa kanya. Inaalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero hindi niya ako hinayaang alisin yun.
"Ano ba?" singhal ko na sa kanya. Para na kasi siyang tangang nakatitig lang sa'kin.
"Where are you going?" sa wakas ay tanong niya.
"Sa resto. May duty ako." Pero hindi ako sigurado kung makakakanta ako ng maayos ngayong gabi. Sumama ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. Ang sakit-sakit pa rin ng dibdib ko dahil sa mga narinig ko mula sa tatay ko.
Tatay kong nagsisisi kung bakit naging anak pa niya 'ko.
"Can you really work now?" Puno ng pag-aalala ang tono ng boses niya. Ganoon din ang expression ng mukha niya actually. But I didn't need that. I know I can manage myself. Sanay na akong walang nag-aalala sa'kin.
"Oo naman," kibit-balikat ko.
"Ask Naffie for your off now."
Umiling ako. "Hindi pwede."
Nagamit ko na 'yong off ko noong nagkasakit ako. Tyaka kahit pinsan ko 'yon, hindi naman pwedeng ipinagsasawalang-bahala ko lang ang trabaho ko. Na papasok lang ako o a-absent kung kailan ko lang gusto.
"Why not? She can understand."
"Okay lang ako. Sige na," sabi ko at pilit na inalis ang kamay niya.
Pero nakita o narinig kaya niya iyong naging encounter ko sa daddy ko? O nag-conclude na lang siyang hindi ako okay dahil sa pag-iyak ko? Bahala na. Wala akong oras sa kanya. Kailangan kong pumasok sa trabaho. Isang paraan yun para makalimutan ko sandali iyong sakit na nararamdaman ko.
"But you're not okay, Sunny."
"Okay nga lang kasi ako." Bakit ba ang kulit ng isang 'to?
"No you're not."
"I am fine."
"No—"
"Bakit ba ang kulit mo?" pasigaw ko ng tanong. Nakakabanas na siya. Gwapo nga siyang nilalang pero nakakabwisit ang kakulitan niya.
"Because I know that you are not really okay."
Hinarap ko na siya ng tuluyan. I stood up in front of him in a defensive stance. Kulang na nga lang hamunin ko na siya ng suntukan sa matapang kong pagkakatayo.
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...