Chapter 24

21 2 0
                                    

"Will you be okay here?" tanong ni Lia pagkatapos niya akong ihatid sa isa sa mga guest room ng bahay nila.

If I were not in this state, I would definitely appreciate the grandeur house her husband gifted her after they got married here in the Philippines, but I couldn't do that now. Not now.

"Thank you, Lia," sabi ko sa kanya. Nilapag niya ang ilang damit sa malaking kama at niyakap ako.

"Whatever you are going through right now, please know that that will soon pass. Just remain stronger and I am always here."

I hugged her back. It's good to have a home friend. Iyong tipong hindi naman kayo madalas magkita at mag-usap pero kapag nagkita kayo, walang nagbago. Magkaibigan pa rin kayo.

"Salamat, Lia." Iyon lang ang tanging nasabi ko.

She moved back to see my face. "Are you sure you are not hungry?"

I gave her a small smile. "Nakakain na ako kanina. Salamat." Busog pa ako sa dinner namin ni Zach kanina.

I sighed heavily upon the thought of him. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin sa kanya ngayon. I felt quite betrayed. Bakit hindi niya sinabi sa aking anak siya mga Moralde? Na kapatid siya ng ex ko?

Oo, hindi ako nagtanong. Pero normal lang naman na sabihin niya sa akin ang tungkol doon diba?

Lia gently squeezed my shoulders. May pag-aalala sa uri ng titig niya sa'kin. "Ayos ka lang ba talaga, Sunny? You know you can open things up to me."

I gave her a tight smile. "Hindi ako okay, iyon ang totoo. But I don't think I can open up now."

Tumango siya. "I understand. Just speak to me about it whenever you're ready or kung gusto mo talaga."

"Okay. Salamat talaga, Lia."

"Don't mention it."

May kumatok sa pinto. "Baby?" Si Marcus iyon, ang asawa ni Lia.

Lia smiled at me before she opened the door. "Yes, baby?"

Tinanguan ako ni Marcus bago binigay ang buong atensyon sa asawa niya. He automatically snaked his arm around his wife's waist. It reminds me of Zach. He always does that whenever I am near him.

"The squad are still awake. They want you on their bed. Not me, baby." Parang batang nagsusumbong si Marcus sa asawa niya.

Lia caressed her husband's face. "Sorry, baby. The squad just missed you a couple of days, pero isang tulog lang gusto ka na ulit katabi ng mga 'yon."

Marcus pressed his lips on Lia's forehead. "I hope so, baby."

Happiness radiates from this couple. At sobrang deserve nila ang kung anong meron silang dalawa ngayon.

Hindi rin madali ang pinagdaanan nila, but their love brought the power they both needed to stay strong together against the trials they had been through. And if I were to compare what Lia had been through to mine, walang-wala itong pinagdaraanan ko. Grabe na ang sakit na pinagdaanan niya bago pa man sila magkakilala ni Marcus.

Pero hindi porke't mas mabigat ang pinagdaanan niya ay hindi na valid ang bigat ng pinagdaraanan ko. At ang punto roon ay kung nakaya ni Lia ang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan niya noon, makakaya ko rin ang pinagdaraanan ko ngayon.

"Sunny, puntahan ko na muna ang mga chikiting ko ha," paalam ni Lia.

I gave her an assuring smile. "Sige lang, Lia. Salamat sa pagkupkop sa akin ngayong gabi."

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Anytime, Sunny. Pwede ka rito hangga't kailan mo gusto."

"Thank you, Lia. Thank you rin, Marcus."

Until the Sun Falls  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon