Chapter 8

19 2 0
                                    

"Ate! Ate! Magkano ba ang pamasahe papunta sa tamang tao?"

Tiningnan ako nung babaeng tinanong ko na para bang may sira ako sa ulo. Pagkatapos ay inilingan ako at tinalikuran. Paano ba naman kasi e kalalabas lang niya ng convenient store tas sinalubong ko siya ng malupit kong tanong.

Pero siguro nga, nababaliw na ako. Alam ko na ngang pinagpalit at iniwan lang ako, nagkakaganito pa rin ako. Kaso ang sakit talaga e. Kahit gaano ka pala ginago ng isang tao, hindi ka automatic na makakalimot. Walang nakakapagmove on ng overnight lang.

"Here, drink this," si Zach sabay abot sa akin ng isang bote ng mineral water. Wala ng takip iyon pero hindi ko kinuha. Nakatitig lang ako roon bago tumingin sa kanya. Nakaupo na siya sa harap ko.

"Alam mo ba kung magkano ang pamasahe papunta sa tamang tao?" tanong ko sa kanya.

Naguluhan siya nung una pero ngumiti rin kalaunan. Iyong ngiti niyang makalihis panty! Shit!

"It's free, Sunny," sagot niya.

"Wala ng libre ngayon."

"Nandito ako. Tyaka hindi mo na kailangan ng pamasahe dahil ako ang pupunta sa'yo."

Napairap na lang ako sa sinabi niya pero may kaunting dug-dug akong naramdaman sa puso ko. Ano ba naman 'yon! Alam ko kung ano 'yon e pero iisipin ko na lang na epekto 'yon ng alak na nainom ko kanina.

"Inumin mo na 'to para mahimasmasan ka kahit paano. You drank a lot," sabi niya. Pinainom niya sa akin 'yong tubig na hawak niya.

Nakaupo ako ngayon sa gutter ng isang convenient store dito sa metro. Inaya ko kasi siyang mag-inuman kami sa may isang maliit na bar sa nadaanan namin papunta rito.

Sabi ko sa kanya kanina na dalhin niya ako sa lugar kung saan makakalimutan ko ang lupit ng mundo. Mabilis pa sa alas-kwatro niya akong inakay papasok ng sasakyan niya at pinaharurot ito paalis. Hindi ko na nakausap pa ang pinsan kong naroon. Hindi na rin nagtanong pa si Naffie dahil alam niya naman kung anong mga pinagdaraanan ko ngayon.

Desidido naman itong si Zach na dalhin ako kung saan kaso iyon nga, nadaanan namin 'yong maliit na bar. Feel ko kasi biglang maglasing kaso wala akong budget kaya tamang sa tabi-tabi na lang muna. Nakakalasing din naman ang mga alak na benta nila.

Natawa pa ako kanina sa loob-loob ko nang pumasok kami ni Zach sa bar na 'yon. He didn't fit in. Mukha siyang nawawalang diyos nang naroon siya kanina. Paano ba naman, puro mga thunders ang naroon. Tas iyong mga taga-bigay aliw naman laglag panga siyang tinignan.

Mayroon pang nag-alok sa kanya ng katawan at sinabi pa nung babae na libre na raw basta siya. Nang tignan ko naman ang mukha ni Zach ay kulang na lang masuka siya roon sa babae. Ang letche ng reaksyon pero sobrang nakakatawa.

Ewan ko ba! Hindi pa man kami nakakaalis sa malupit na mundong 'to pero naaliw na niya agad ako.

Inalalayan niya ako sa pag-inom ng tubig na para bang isa akong bata na hindi pa developed ang motor skills. Pero mabuti na rin 'yon kasi nanghihina rin talaga mga braso ko.

Paano ba naman kasi, ang tagal kong naka-hands up in the air kanina na para bang nasa concert ako e dinadama ko lang naman 'yong pang-broken hearted na kanta na kinanta nung isang lasing na thunder.

"How are you feeling?" tanong niya. Pinunasan pa niya ang gilid ng labi ko dahil may kaunting tumulong tubig doon.

Bigla naman akong nag-init sa ginawa niya. Bakit ba pa-fall 'tong lalaking 'to? Hindi na ako natutuwa sa gestures niya. Kahit kasi ang simple pero ang lakas makaapekto.

"Malungkot pero ayos lang, maganda naman ako," sagot ko.

Natawa siya sa naging sagot ko at nailing na lang. Tsk! Hindi rin nakakatulong ang tawa niya. Nakakapang-init talaga ng katawan lahat ng ginagawa niya.

Until the Sun Falls  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon