"Tell me, what did the models tell you?" Zach asked.
Katatapos lang naming mag-early dinner sa isang restaurant malapit sa condo niya. Hindi niya ako tinanong patungkol sa bagay na 'to kanina. We purely talked about us and his upcoming exhibit kaya hindi ko inasahan ang tanong niyang 'to.
Magkakaroon pala si Zach ng exhibit ng masterpieces niya sa susunod na buwan. Gaganapin iyon sa Stadia. Pinaghahandaan niya talaga iyon dahil iyon so far ang pinakamalaking exhibit niya rito sa bansa. He said that he will be visited by his mentors and colleagues in Dubai and other international experts in the field.
Kaya naman hinahanda ko rin ang sarili ko para masuportahan siya. I asked him what I could do pero ang sabi niya ay sapat ng mahal ko siya para maging successful iyong exhibit niya.
"Wala naman," sagot ko at nag-iwas ng tingin.
Oo, nasaktan ako sa narinig ko kanina, but there is no point in dwelling on it. Ako lang ang mas-stress. And if I know, naiinggit lang ang dalawang 'yon sa'kin dahil akin iyong lalaking pinagpapantasyahan nila.
Zach held my hand and squeezed it gently. Bumaling ako sa kanya. Papalit-palit naman ang tingin niya sa'kin at sa daan dahil nagmamaneho siya.
"Whatever those ladies tell you, don't let it go to your head, okay?"
I gave him an assuring smile and then I nodded. "Noted, baby."
Dinala niya ang kamay ko sa mga labi niya at hinalikan iyon. "I love you so much, my Sunny."
"I love you so much, too Zachy ko."
We both chuckled at our endearment to each other.
We decided to stay in his condo for tonight. Pagod siya at halatang inaantok na kaya naman ako na ang nagsuggest na doon na lang kami since ayaw niyang ako ang magmaneho.
Medyo may trust issues na ata siya sa paraan ko ng pamamaneho e. There was this one time when he let me drive his car. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa seatbelt niya dahil sa bilis ng patakbo ko.
At nang may nag-overtake sa aking SUV ay binabaan ko talaga ng bintana at sinigawan. Nabwisit ako no'n dahil akala mo naman kung single na motor 'yong van kung makasingit. Ang gago lang.
Zach didn't expect that of me. Sabi niya na ang liit ko raw pero masyado akong matapang sa daan. He told me to be careful while I am driving in all possible ways dahil baka raw makahanap ako ng katapat ko sa daan.
Well, wala naman akong pakialam. Hindi ako natatakot 'no! Oo, maliit ako pero hindi ako basta-basta nagpapatalo lalo na kung alam kong nasa tama ako.
Pero dahil masunurin naman akong jowa, sumunod ako sa payo ni Zach. Pero tuwing magkasama kami, he never allowed me to drive. Natakot ko na ata talaga siya.
"Matulog ka na after mong magshower. Manonood na lang ako ng series sa Netflix hanggang antukin ako."
Magkahawak-kamay kaming naglalakad patungo roon sa elevator. Nagawi ang tingin ko sa isang pamilyar na sasakyan na dumaan sa gilid ko. Hindi ko nakita iyong plate number kaya siguro ay namalik-mata lang ako. Marami namang pare-pareho ang sasakyan.
"Come again, baby? Gusto mo matulog na ako agad after shower?" tanong ni Zach. Hindi makapaniwala ang tono niya.
Bumaling naman ako sa kanya at nagkibit-balikat. "Pagod ka sa ilang oras na shoot. Kailangan mong matulog ng maaga para makapagpahinga ng maayos." Baka bukas may urgent shoot na naman siya. We can't tell.
"I am not yet sleepy," defensive na aniya. Tumigil kami sa harap ng elevator. Hinihintay ang pagbaba ng lift.
"Hindi pa inaantok ang mga 'yan sa lagay na 'yan?" sarkastikong tanong ko sabay turo sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...