Chapter 7

19 2 0
                                    

Lunch time na ako nagpunta sa Urban District para i-claim yung pa-reservation ni Zach. Ang taray nga naman ng lalaking 'yon dahil walang particular na amount ang pwede kong i-order para kainin. Kaya kung gustuhin kong i-order ang lahat ng nasa menu ay pwedeng-pwede!

Pero dahil hindi naman ako balahura at oportunista, nag-order lang ako ng sapat para sa tiyan ko.

"Pork Tonkatsu and Red Velvet Cream Cheese Milktea, please," sabi ko sa waiter. Natuwa pa ako kanina nang pagpasok ko sa restaurant na ito dahil agad akong inasikaso ng isa sa mga staff at giniya sa isang table na parang inihanda talaga para sa'kin. Feeling ko tuloy napaka-VIP ko.

Tinanong ko pa sila kung paano nila agad nalamang ako iyong may reservation under Mr. Tristan Zachary Moralde kahit pa wala pa akong sinasabi pero ang sabi lang nila ay kilala raw nila ako. E di wow!

Pero akalain mo 'yon? Ka-apelido pa niya ang putanginang first ex jowa ko?

"Is that all, ma'am?" tanong ng waiter.

Tumango ako bilang tugon at binalik na ang menu book sa kanya. Pero hindi pa niya ito tinanggap at tinawag pa ang kanyang manager at pinakita rito ang hawak na note.

"Pork Tonkatsu at Red Velvet Cream Cheese Milktea lang po order niyo, ma'am?" tanong noong manager kaya tumango ako. "Baka gusto niyong dagdagan pa? Like yung Pesto, ma'am? Or Cheesy Fries?" Best sellers po namin ang mga 'yon."

Umiling akong muli at ngumiti. "Okay na sa'kin yung order ko."

Napipilitang ngumiti iyong manager bago sila nagtinginan nung waiter sa isa't-isa bago bumaling muli sa akin.

"Masarap po ang mga 'yon, ma'am. Subukan niyo po."

Umiling ako. Medyo naguguluhan na sa gusto nilang mangyari. "Okay na yung dalawa," sabi ko.

"Pero kasi ma'am..." the manager trailed off.

"Baka hindi ko rin po kasi maubos kung idagdag ko pa 'yong dalawa," paliwanag ko.

Dahil hello? Alam ko namang may mga pagkakataong ang takaw ko pero ngayon, alam kong hindi ko mauubos iyong mga sina-suggest nilang pagkain dahil parang maliit lang ang megabyte ng tiyan ko ngayong araw.

"Pwede niyo pong i-take out, ma'am." Determinado talaga sila.

Ngumiti ako. "Walang kakain niyan sa bahay."

Bumuntong-hininga iyong manager. "Kasi ma'am... bilin po kasi ni Sir Zach na busugin kayo."

Napamaang ako sa narinig. Ilang segundo ang lumipas bago ako nakabawi.

"Mabubusog naman ako sa order ko." Iyong lalaking 'yon! Goal ata niyang patabain ako e.

"Sige na po, ma'am. Dagdagan niyo pa po. Kahit iyong Cheesy Fries na lang," pilit niya.

Ako naman ang bumuntong-hininga. Medyo nakukulitan na ako sa kanya pero kailangn ko naman silang intindihin. They're just doing their job.

"Si Zach ba may-ari ng restaurant na 'to?" ''Di ko na napigilang itanong pa. Kasi parang absolute iyong utos niya rito sa manager kung ano man iyon. Halata sa mukha ng dalawa ang kaba kung sakaling iyong dalawa nga lang ang inorder ko.

Ngumiti lang iyong manager. Hindi na ako nag-usisa pa. Pumayag na lang ako sa additional Cheesy Fries pero for take-out na lang iyon. Ipapasalubong ko na lang kay Naffie pagpasok ko sa trabaho mamaya.

I ate my lunch in peace. And I honestly enjoyed it. Alam ko ng masarap ang pagkain dito dahil hindi ko naman first time kumain dito. Pero mas lalong sumarap lang iyong pagkain dahil nga libre.

Until the Sun Falls  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon