Chapter 9

17 2 0
                                    

I was still in the dining area when Zachary arrived. Hindi ko alam kung gaano ako katagal kumain. Basta ang alam ko, nakabalik na siya galing bayan ay naroon pa rin akong kumakain.

"Ang bilis mo naman!" sabi ko pa kahit na aware naman akong ako 'yong kanina pa rito sa hapag-kainan.

Umiling siya pagkatapos ay lumapit sa'kin. "I was out for more than an hour. Mabagal ka lang kumain," aniya at naglapag ng ilang brown paper bags sa upuan. Kumunot naman ang noo ko nang iwan niya roon ang mga 'yon at nagtungo sa may refrigerator para ilagay ang mga gulay at karneng pinamili niya.

"Para saan naman ang mga 'to?" tanong ko at inabot iyong isang paper bag. Binuksan ko iyon at mga bikini ang naroon!

"Those are for you. Wala kang damit na dala."

Oo nga pala. Kaya nga itong suot ko ay kahapon pa. Feeling ko ang baho-baho ko na. Nakakahiya naman dito sa gwapong kasama ko. Palaging fresh. Samantalang ako ngarag na nga, amoy pawis pa.

"Pero bakit parang puro bikini naman ata 'to?" tanong ko. Puro ganoon lang kasi ang naroon sa paper bag. "Don't tell me magbibikini lang ako rito?" Inabot ko 'yong isa pang paper bag. Tinignan lang ako saglit ni Zach bago pinagpatuloy ang ginagawa.

Naroon pala sa isang paper bag ang ilang shirts at shorts. Okay. Sabi ko nga. Wala na lang akong sinabi.

"Do you want to take a dip at this hour?"tanong niyang nang makita niyang hawak ko na iyong ibang damit na pinamili niya.

"Hindi ba mainit?" Bumaling ako sa bintana sa may kusina. Mataas pa ang araw kaya medto masakit pa rin siguro sa balat 'yon.

Wala namang kaso sa akin kung mangitim ako. Pero madali kasi akong magka-migraine kapag nababad ako sa araw.

"Not really. Pero ikaw? If you want it later then let's just swim later this afternoon," he suggested. Tumango na lamang ako dahil mukhang better idea naman iyon.

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Siya naman ay naghahanap na ata ng maluluto mula sa refrigerator.

"Magluluto ka na ulit?" tanong ko nang ilabas niya ang isang pack ng ground beef. Ang aga pa masyado para sa pagluluto ng kakainin mamayang dinner.

Tapos na akong kumain kaya dinala ko na 'yong mga ginamit ko sa sink para mahugasan. Nakakahiya naman kung iiwan ko na lang dun ang mga 'yon. Nakikain na nga lang ako, 'di pa ba ako maghuhugas?

"I am just going to thaw it for later," sagot niya at nilagay iyon sa isang maliit na planggana at nilagyan ng tubig.

Halos magkadikit ang mga balikat namin dahil sa pagkuha niya ng tubig sa may sink faucet. Gusto kong lumayo dahil nakakahiyang maamoy niya ako e ang baho ko na nga. Kaso nakakaakit ang amoy niya! Pasimple na nga lang akong sumisinghot. He smells mint and musk. Lalaking-lalaki pero hindi masakit sa ilong. Basta ang bango niya talaga.

"Anong lulutuin mo mamaya," tanong ko na para bang isa akong patay gutom na kakakain lang e inaalam na ang kakainin sa hapunan.

"Creamy Beef and Mushroom Stroganoff," sagot niya.

Ano raw?

"Yayamanin naman ang pagkaing 'yan. Ano 'yan? May sabaw ba 'yan?" kuryosong tanong ko. Dahil ang totoo, I never heard of that food in my 30 years of existence.

Pero ang lalaking hamog ay tinawanan lang ako!

"Bakit ka natatawa? Tinatawanan mo kaignorantehan ko? E sa hindi nga ako pamilyar diyan sa lulutin mo e! Hindi ako mayaman katulad mo kaya pasensya ha?!" mahabang litanya ko. At halos ingudngod ko sa mukha niya iyong bumubulang sponge dahil medyo nainsulto ako!

Until the Sun Falls  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon