"Uso talaga ngayon yung ubo, sipon, lagnat, niloko, iniwan, pinagpalit... ay sorry, Naf!" wala sa sariling sabi ko habang ipinagbabalat ng mansanas ang pinsan kong sawi sa pag-ibig.
She phoned me this early morning and begged me to come over her house. Iyak siya ng iyak kanina habang kausap ko siya sa cellphone. Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. Basta ang gets ko lang ay puntahan ko siya rito dahil brokenhearted siya.
Kaya naman kahit nakapulupot pa si Zach sa katawan ko at pareho pa kaming antok na antok dahil sa lahat ng ginawa namin no'ng nagdaang gabi, pinilit naming bumangon—ako para pumunta rito at si Zach para ipagmaneho ako.
"Alam kong mahal niya ako pero tangina! Mas mahal niya iyong nanay niya para iyon ang paniwalaan niya!" sabi niya habang humahagulgol.
Pulang-pula na ang mga mata niya dahil kanina pa siya umiiyak. Apparently, her foreigner boyfriend broke up with her just this morning. At sa video call pa siya binreak dahil nasa abroad iyong jowa niya.
At base sa pagkakaintindi ko sa kwento niya pagdating ko rito kanina, very blatant ang pagpapakita ng nanay no'ng lalaki na ayaw talaga sa kanya nito. At ang malala, ginawan siya ng issue para lang hiwalayan siya ng lalaki.
Tangina! Kung ganoong wala naman palang tiwala sa kanya 'yong lalaki e 'di pakawalan niya! Magsama sila ng bagtit niyang nanay. Mga peste!
Pero syempre, hindi ko iyon pwedeng sabihin sa pinsan ko. Hindi pa sa ngayon dahil nagluluksa pa siya sa namatay niyang pag-ibig.
"Nagmakaawa ako sa kanya, Yella. Kasi nga mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko. Kaso sabi niya hindi na raw niya ako mahal pagkatapos ng ginawa ko raw na gawa-gawa lang naman ng nanay niya. Wala na raw akong lugar sa puso niya," hagulgol niya ulit. Nagkalat na ang tissue sa kama niya. Nagtabi na nga ako ng plastic bag sa kanya para roon niya ilagay iyong mga pinagsisingahan niya kaso hindi siya nakinig. Napipilitan tuloy akong pulutin ang mga iyon para sa kanya. Hay! Nakakalimutan talaga ng isang tao ang proper hygiene kapag nasawi sa pag-ibig. Parang ako lang noon. Halos hindi ako maligo dahil sa pag-iyak. "Gusto ko sanang sabihin na, 'kung wala na akong lugar diyan sa puso mo, kahit sa atay na lang,' kaso hindi ko ma-express sa English."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling matawa. Tangina talaga nitong si Naffie kapag na-brokenhearted, kung anu-anong pinagsasabi. Pero mas okay na siyang ganyan kaysa sa aking naglalasing ng todo kapag nasasaktan. Kaya tuloy nagawa kong makipag-one night stand noong huling nasawi ako sa hindi ko man lang kilala.
Uy wait! Blessing kaya 'yon sa akin! Kung hindi ako broken no'n dun sa tanginang Humphrey na 'yon, hindi ko makikilala ang Zach ko. Napangiti ako kung gaano talaga ako kaswerte sa boyfriend ko.
I looked at the promise ring he gave me. It sparkles around my ring finger. At hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin iyong mga katagang binitawan niya no'ng sinusuot niya ito sa'kin.
I giggled at the memory. Pero mabilis kong inawat ang sarili ko dahil ang bastos naman na nagluluksa ang pinsan ko rito tas kinikilig pa ako.
"Hindi ko tuloy alam kung paano ko ipapaliwanag kila mama at papa kung bakit wala na kami ni Jackson," ngawa ulit niya.
Inabutan ko siya ng panibagong tissue roll dahil ubos na iyong binigay ko kanina. Baka mamaya iyong kumot na niya ang singahan niya e. Wala akong oras maglaba ng kumot 'no. Idi-date ko pa ang jowa ko mamaya bago pumasok sa trabaho. Pero magbubukas kay ng resto-bar itong pinsan ko kung ganitong sawing-sawi siya?
"Akala ko ba hindi mo sasabihin sa kanilang may jowa ka hangga't hindi mo nase-secure na ikakasal na talaga kayo?" Matagal na silang engaged ni Jackson kaso parang hanggang doon lang naman ata ang lahat sa kanila.
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...