Akala ko buong gabi ko lang na hindi makikita si Zach kaso may shooting stint daw silang na-schedule ng maaga. Ni-request daw ng client iyong rescheduled photoshoot dahil aalis pa-abroad iyong modelo. Hinahabol daw ng kompanya iyong coverage ng model dahil baka matagalan ang balik, at hindi ma-shoot agad ang mga produktong ie-endorso. Tas sa Manila pa raw ang venue no'n
Dahil hindi naman ako iyong tipo ng girlfriend na makitid ang utak, naintindihan ko iyong paliwanag ni Zachary. Tyaka linya iyon ng trabaho niya. Also, his work exists long before I came to his life kaya bakit ko gagawing balakid ang sarili ko sa propesyon niya?
At saka kailangan ko ring rumaket dahil paubos na ang datung ko. Panay ang absent ko sa resto-bar ni Nafie. Kung hindi ko lang talaga siya pinsan ay paniguradong matagal na akong nasibat sa trabaho.
Kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko buong araw sa pagkanta sa dalawang magkasunod na kasal. Mabuti nga at ako pa rin ang tinatawag ng mga kabanda ko sa mga raket nila kahit madalas akong missing in action.
"Wow! Nakauwi na pala ang bakasyunista! Kumusta?" bungad sa akin ni Naffie pagdating ko sa resto-bar niya. Naupo ako sa sofa sa loob ng opisina niya at ginawang komportable ang sarili.
I am so freaking tired and sleepy. Diretso ang raket ko. Iyong umagang raket ko ay keri lang naman dahil kumanta lang naman ako ng ilang kanta during the reception. At saka hindi ako pinagpawisan doon dahil sa Hotel Felice ginanap iyong kasal.
Kaso wagas iyong raket ko nitong hapon. Pasayaw kasi iyon sa pamilya ng bagong kasal. Sa barangay hall ginanap iyong tugtugan at halos buong barangay ang nakipagsayawan. Dinaig pa namin ang combo sa tanghaling tapat.
"Okay lang," pagod kong sagot sa pinsan ko.
"Nice! Nakaka-motivate makinig sa kwento mo ha!" sarkastikong aniya. Napairap ako sa hangin. Pagod kasi talaga ako. Parang gusto ko munang matulog.
"Pagod kasi ako."
"Napagod ka sa mga pinaggagawa ninyo ni Zach? Ano? Magdamag kang nakipag-chukchakan sa kanya?"
Bumuga ako ng marahas na hininga dahil sa mga walang kwentang sinasabi ng pinsan ko. At saka wish ko lang na iyon nga iyong nangyari 'no?! Kung alam lang niyang hindi ako ginalaw ng gwapong 'yon sa ilang araw naming magkasama sa beach house niya.
"Hindi 'yon. Pagod ako sa mga raket ko buong araw."
"Ngayon ka lang napagod sa raket mo ah."
"Pasayaw iyong kinantahan ko nitong hapon."
"Aw! Bakit mo kasi tinanggap?"
"Hindi ako, iyong mga kabanda ko. E malay ko bang ganoon iyong tinanggap nilang raket."
"Nangangailangan kasi si Roco para roon sa asawa niyang ooperahan sa bato," tukoy niya sa drummer namin. "Kaya lahat na lang ng pwedeng raket, pinapatos niya."
"Gano'n ba... hindi ko alam," sabi ko. It's true! Hindi ko alam na kailangan na palang operahan ng asawa niya. Iyong huling beses kasi na nakwento niya iyong tungkol doon sa akin ay makukuha pa raw sa gamot iyong dinaramdam ng asawa niya.
"And guess what! Ay who pala!"
"Ano?"
"Iyong bruhang Moralde ang doctor niya!"
Kumunot ang noo ko. "Sino sa kanila?" Dalawa na kasi ang bruhang doctor na Moralde e.
"Ai hanep! Dalawa na pala silang kampon ng kadiliman 'no?! Iyong ex-future mother-in-law mo."
Napaikot ulit ang mga mata ko sa narinig ko kay Nafie. Sa kabila ng tagal ng relasyon ko kay Derrick at sa ilang ulit kong naisip na siya na ang lalaking pakakasalan ko, never tinanggap ng utak ko iyong ideyang magiging byenan ko iyong nanay niyang bruha.
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...