Chapter 5

18 3 1
                                    

"Let me drive you home, Sunny, please..." paulit-ulit na sabi noong gwapong nagmamay-ari ng upo.

Ano ba kasing pangalan nito? Ang hirap i-internalize ng description ko sa kanya. Aside kasi sa mahaba kung banggitin, literal pang mahaba iyong dini-describe nito kaya nai-imagine ko tuloy kung paano 'yon pumasok sa ano ko at kung paano ako nito winarak.

"Come on, Sunny—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla akong humarap sa kanya.

"Mister, una sa lahat, may sasakyan ako so hindi mo na ako kailangang ihatid pa. Pangalawa, yes! We fucked once at hinding–hindi na 'yon mauulit. Kaya tama na ang kakasunod sa akin, okay? Umuwi ka na lang sa inyo at matulog ka na lang."

Mula sa mukhang nagmamakaawa ay sumeryoso ang expression ng mukha niya.

"We didn't do it once. And we didn't fuck, Sun. We made love."

"Ah what-fucking-ever! Kung iniisip mong padidilig ulit ako diyan sa..." Napatingin ako sa nasa pagitan ng mga hita niya. Malaki nga talaga 'yon kahit pa nakapants siya. Ano ba kasing iniisip ko noon at bakit ko nasabing maliit 'yon e obvious na obvious namang malaki. Tsk! Kailangan ko na rin atang magpagawa ng salamin.

"Sa what?" tuloy niya. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. He already has this amused look on his face and he's biting his lower lip to hinder himself from smiling.

Pota! Ang hot!

But it's still a no for me.

"Sa upo mo, nagkakamali—"

"Wait..." he cut me off. "What did you say? Upo ko? Are you referring to my dick?"

Napaismid ako. Bakit? Hindi ba siya aware na malaki iyong kanya kaya gulat pa siyang kinompara ko iyon sa upo?

"Yes. Ano pa nga ba ang maikukumpara sa upo sa parte ng katawan mo?" sarkastiko ko sabi.

Imbes na mabwisit sa sinabi ko ay humagalpak siya sa tawa. Napailing-iling siya pagkatapos ay amused na namang nakatitig sa akin.

"Alright. Although I felt violated with your choice of vegetable—"

"Anong violated?" putol ko sa sasabihin niya. "Hoy! Ikaw nga ang nangwarak sa akin!"

"Well, I am so sorry for that. But I will take your word as a compliment."

"Ai ewan ko sa'yo. Layuan mo ako, okay?"

Umatras naman siya ng isang beses.

"Okay na ba ang layo ko?"

What the fuck? Ang pilosopo!

Inirapan ko na lang siya at nagmartsa na ako paalis. Pasado alas-dose na. 9 to 12 lang ang duty ko sa pagkanta rito pero alas-otso pa lang kanina ay inumpisahan ko na dahil request ng mga customer.

Pagod na ako. Gusto ko ng umuwi at matulog. Pero itong poging 'to ay inaaksaya pa ang oras ko.

"Hey! Where are you going?" habol niya pero dire-diretso na ako sa paglalakad papuntang parking lot ng resto.

Hindi na ako nagpaalam kay Naffie. Ite-text ko na lang siya mamaya kapag nakauwi na 'ko. Kung hindi ko makalimutan.

"Uuwi na. Umuwi ka na rin."

"Hatid na kita."

Ang kulit!

"May sasakyan nga kasi ako."

"Ipauuwi ko sa kaibigan ko 'yang sasakyan mo."

Shit! Ganitong-ganito yung nangyari nung gabing 'yon e. Ang kaibahan lang lasing na lasing ako nun. Hindi ako nakainom ngayon and I am completely sober kahit pa nakakalasing yung kagwapuhan niya.

Until the Sun Falls  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon