I never expected that the house is this big. It looked like it can accommodate two families with ten members each. And knowing na kami lang dalawa ang titira rito, kahit siguro maghapon kaming magtagu-taguan ay hindi namin mahahanap ang isa't-isa.
"Wala na bang mas lalaki pa rito?" sarkastiko kong tanong habang inililibot ang mga mata sa loob ng sala. First time kong makita ito sa araw mismo ng paglipat namin. Zach made this as a surprise for me. Nasurpresa nga ako sa laki at garbo ng bahay.
Living room pa lang ay magarbo na talaga. At mas nadepina ang lawak nito dahil sa set ng couch at malaking flat screen TV na tanging narito. Mamimili pa raw kami ng mga gamit na gusto ko sabi ni Zach. Grabe! Iniispoil niya talaga ako!
Pinulupot ni Zach ang mga braso niya sa beywang ko at pinatong ang baba niya sa ulo ko. "Why, baby? Do you want it bigger? I can request them for extensions," sabi niya, halatang hindi nakuha ang sarkasmo sa sinabi ko.
Napabuntong hininga ako. Inalis ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin at hinarap siya. I wrapped my arms around his neck, the way he snaked his arms around my waist again.
"Masyadong malaki 'tong bahay para sa'tin, Zach. Baka mamaya pamugaran 'to ng mumu."
Ngumisi siya. "This house will be filled with our children soon."
Hindi ako nakaimik. He is really thinking of building a family with me. Very vocal naman siya roon but it still feels like it's too good to be true.
Bumalatay sa mukha niya ang pag-aalala nang hindi ko magawang sagutin iyong sinabi niya. "Baby? Please, don't tell me you have no plans on marrying me, too."
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo Zach? Kasi mahirap umasa tapos hindi naman pala mangyayari." I had already a fair share of broken promises. Pinangakuan na ako ng maraming beses pero iyong kabaliktaran ng mga pangako nila ang nangyari. I can't afford to have another broken promise.
"Seryosong-seryoso at siguradong-sigurado ako, Sunny. I am going to marry you someday. Besides, I am dating you because I plan to marry you."
"Pakakasalan mo 'ko?"
He beamed. "Yes, baby."
"Kailan? When the time is right? Ganoon ba?"
"No, Sunny. The time is always right when I am with you. Just wait for it. It's gonna happen very soon."
"Seryoso?"
"Yup.
"Timbrehan mo ako kung kailan ka magpo-propose kung ganoon!"
There's a small smile on his face. "What for? A marriage proposal should be a surprise."
"Masu-surprise pa rin naman ako. Basta sabihan mo 'ko para makapagpa-manicure naman ako." Inangat ko ang kamay ko sa ere at tinignan iyon. Tinignan din ni Zach ang kamay ko. "Para naman maganda ang kuko ko kung susuotan mo na ng engagement ring."
Tumawa siya. Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sa beywang ko pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.
"You're adorable."
"Seryoso ako, Zach! Naalala mo no'ng binigyan mo 'ko ng promise ring? Ang dugyot ng kuko ko no'n! Tangina! Ayoko ng maulit 'yon ha! Kaya sabihan mo ako kung kailangan ko na bang magpa-manicure!"
Mas lumakas ang pagkakatawa niya e hindi naman ako nagpapatawa. Seryoso ako!
"Well noted, baby," sabi niya bago ako hinalikan sa labi ko.
We spent the entire week arranging our things and purchasing furniture. Si Zach ang nagbayad sa halos lahat ng gamit. Iyong natatanging rice cooker na kinuha ko ay ayaw pa niyang bayaran ko. Handa na akong makipagtalo sa kanya hayaan lang niya akong magkaroon man lang ng ambag sa bahay niya, but knowing him, palagi niyang pinipiling tumiklop para hindi ako magalit.
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...