"So kilala mo na 'tong pinsan ko noon pa? Wala ba kayong relasyon nito?"
"Wala pa."
"Wala... pa?"
Nagising ako sa pag-uusap ng kung sino sa malapit sa akin. Hindi naman gaanong malakas ang boses nila pero parehong pamilyar sa akin ang boses.
"She's awake."
Binuksan ko ang mga mata ko at ang gwapong mukha nitong admirer ko ang bumungad sa akin. Bukas iyong ilaw sa kwarto ko. Madilim din sa labas. Gabi pa siguro? O baka madaling araw? Hindi ako sigurado.
Inangkin ko na siyang admirer dahil kung hindi ay ano ba dapat ang itaawag? Pinag-aksayahan niya ako ng oras buong gabi para mabantayan ako. If he's not an admirer then I don't know what is.
"How are you feeling?" tanong niya. Halata pa rin ang pag-aalala sa boses niya. Nilapat niya ang kanyang kamay sa noo ko pero mabilis siyang siniksik ng pinsan kong si Naffie kaya napaatras siya.
"Hoy, babae! Bakit bigla kang nagkasakit ha? 'Di ba hindi ka sakitin?" singhal niya habang marahas niyang nilapat ang kamay sa noo ko.
Gusto kong singhalan ang pinsan ko ngunit nanghihina pa ako. Pasalamat talaga 'tong babaeng 'to at bedridden pa ako.
"Hey! You should be careful!" sabi ni pogi at inalis ang kamay ni Naf sa noo ko.
"Ai wow! May knight in shining armor ang malandi!" angil ng pinsan ko. She's really eyeing me. Lumapit pa siya sa akin para mabulungan ako. "Iyong totoo Sunny, saan mo napulot 'tong lalaking 'to? Ito ba yung ka-sex mo noong isang gabi?"
Kinurot ko nga sa kili-kili 'tong pinsan ko. Wala akong lakas para magpaliwanag. Gusto ko pang matulog. Hinang-hina pa talaga ako.
"I think we should let her rest more. Besides, it's still early."
Naniningkit ang mga mata ng pinsan kong nakatitig sa admirer ko. Pagkatapos ay ngumiti.
Puta talaga 'tong pinsan kong 'to. Lakas maka-bipolar.
"Sige. Ikaw na muna bahala kay Sunny, ha. Brokenhearted pa 'to kaya paki-alagaan ng maigi. Huwag kang mag-alala, hindi 'to nagpapakamatay. Papatay pwede pa."
"Tumahimik ka nga, Naf," nanghihina kong sabi. Kung anu-anong pinagsasabi niya. Pati pagiging broken ko pinangangalandakan pa sa hindi namin kilala.
"Don't worry. Aalagaan ko siya," seryosong-seryosong sagot naman nung pogi.
Pumikit na lang ako ulit. Medyo nahihilo pa ako at hindi ako sigurado kung nilalagnat pa ba ako. Pero ramdam ko pa ring nilalamig ako.
Hindi ko alam kung anong oras umalis si Naffie pero nagising akong sobrang maliwanag na sa labas. Tyaka mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon kompara kanina. Pinilit kong bumangon pero mabilis akong dinalo nung pogi.
Teka! Bakit narito pa 'to? Hindi pa siya sumabay kay Naf sa pag-alis?
"How are you feeling?" tanong niya. May inabot siyang gamot sa side table at bottled water.
"Ano pang ginagawa mo rito?" tanong ko.
Kasi syempre kahit mala-Adonis ang kagwapuhan niya hindi ko pa rin siya kilala. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya at wala akong planong tanungin iyon. Mamaya isipin niya interesado ako sa kanya. Ganda ko lang 'no!
Tyaka malay ko ba kung serial killer pala 'to tas nagpapanggap lang na mabait at maalaga tas mai-in love ako sa kanya kaya hindi na niya itutuloy ang balak niyang pagpatay sa akin kaya mas pipiliin na lang niyang iwan akong mag-isa? E di kawawa naman ako?
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...