[Warning: SPG]
---
"Saan mo 'ko dadalhin?" pilit kong tanong kay pogi. Abala siya sa pag-aayos ng seatbelt ko.
Nakapikit lamang ako pero gising na gising ang sistema ko dahil sa presensya ng gwapong nilalang na 'to. Naiinitan nga ako kahit pa parang naka-full blast ang aircon ng sasakyan niya.
Tas ang bango niya. Sarap singhutin ng kingina!
Pero sino ba kasi siya? At bakit alam niya ang pangalan ko? Tyaka sabi niya iuuwi niya ako. Alam din ba niya apartment ko?
"Home," he answered me.
Shit! Isang salita lang iyong sinabi niya pero parang lumihis iyong panty ko sa ganda ng boses niya! Ang perpekto naman physically ng lalaking 'to. Wala man lang kapintasan. Kahit nga kilikili mabango. Nagawa ko iyong singhutin kanina nang buhat niya 'ko.
But I believe walang lalaki sa mundong 'to who has it all. Meron at merong kapintasan ang poging 'to sigurado ako. Baka nga maliit tutots nito e. Kailangan kong malaman para maprove ko kung iyon nga ang kapintasan niya. Pero paano? Tatanungin ko ba?
Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng pintuan sa gilid ko at ang mabilis niyang pag-ikot at pag-upo sa driver's seat. He revved the engine to life then the car started to move.
Wait! Fucking shit! Iyong sasakyan ko pala?!
"My car was left in the club," I told him. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Hilong-hilo talaga ako. Kahit nakapikit ako'y umiikot ang pakiramdam ko.
"I already asked my friend to bring it to my condo."
Damn it! Gusto kong dakmain vocal chords niya at iuuwi ko na lang talaga sa apartment ko att pagsasalitain ko siya magdamag!
Pero teka nga... condo? Sa condo ba niya punta namin?
"Saan mo ako dadalhin?" parang sirang plakang tanong ko. Baka anong gawin sa akin ng poging 'to. Aware akong ang gwapo niya pero tangina! Hindi naman ako pokpok na bumibigay na lang agad basta gwapo. May rules din akong sinusunod bago ko ibuka itong flower ko 'no! Kaya kung sakaling magtake advantage talaga siya sa kalagayan ko, sasakalin ko siya hanggang sa makakaya ko!
"In my condo."
"May apartment ako. Doon mo 'ko iuwi."
"Tomorrow."
Ay tangina! Sarap na sarap ako sa boses niya pero di ko gusto ang ideya niyang sa condo niya ako iuuwi! Kung hindi lang ako ganito kalasing ay paniguradong nasapok ko na ang gwapong 'to.
Huminto ang sasakyan niya. Hindi ko lang alam kung saan. Pero dahil mabilis lang ang naging byahe ay paniguradong malapit lang ang condo niya sa Hilton. But I wanted to know where this is. Solarco at Oregon ang malalaking condo towers na malapit sa Hilton e.
Pinipilit kong ibukas ang mga mata ko pero umiikot talaga ang paningin ko.
"Gusto kong umuwi sa apartment ko," sabi ko kahit na abala na siya sa pag-alis ng seatbelt ko.
"Bukas na. Besides, it's already late. Iuuwi kita sa Urdaneta bukas. I promise."
Ai shutaness! Alam niya kung taga saan ako? Huwag niyang sabihing stalker ko siya? Mali pala! Pogi siya kaya admirer dapat. Pang hindi usong mukha lang ang salitang stalker.
Inalalayan niya ako sa pagbaba sa sasakyan niya. Nakapulupot ang braso niya sa bewang ko habang hawak niya ang isang braso ko. Kulang na lang talaga'y kaladkarin na lang niya ako dahil ni halos hindi ko na mabuhat ang mga binti ko.
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...