"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko kay Zach pagkatapos naming mag-shower ng sabay.
I think showering together isn't a good idea lalo na kapag may pupuntahan kami. Inabot ba naman kami ng siyam-siyam dahil sobrang kulit niya. Kung saan-saan niya ako hinahawakan at kung saan-saan siya pumipisil, tuloy nag-standing ovation kami sa loob ng banyo ng ilang ulit.
"Secret," sagot niya habang pinapaulanan niya ako ng halik sa leeg. Nakaharap kami sa vanity mirror sa kwarto ko. Inaayos ko iyong off-shoulder dress ko. Tinataas ko iyon kaso panay naman ang baba ni Zach dahil sa kakahalik niya.
"Ang daming arte ha," sabi ko sa kanya. Pinasadahan ko ng isang beses pa ang sarili sa salamin bago ko siya hinarap. I smiled at him.
"Hi!" bulong ko sa kanya. Ngumiti siya sa'kin, pinulupot iyong mga braso niya sa beywang ko.
"Hi, baby," bati niya pabalik.
I giggled. I snaked my arms around his neck, and I smelled his neck.
"Bakit ang bango niyo po?"
"Because of perfume?" naaaliw niyang tugon pagkatapos ay binigyan niya ako ng mababaw na halik.
Pero hindi lang dahil sa pabango kaya siya mabango. He smells really good with or without perfume at gustong-gusto ko talaga iyong amoy niya. Ang bango-bango niya sa lahat ng oras.
At ang isa pang nakakapagtaka, pamilyar din iyong amoy niya sa'kin. Parang kilala na siya ng ilong ko. Ang weird lang talaga no'ng familiarity pero hindi lang naman siya siguro ang gumagamit ng pabangong gamit niya. Kaso iba pa rin talaga kapag iyong pabango lang ang amoy. There's really something in his personal scent and his perfume combined that smells really familiar.
"E bakit ang gwapo niyo po?" tanong ko ulit. Ang gwapo kasi talaga niya. He looks exquisitely casual in his short-sleeve navy blue polo and black maong pants.
Madalas akong nagpapasalamat sa Panginoon ngayon na binigyan niya ako ng napakagwapong jowa. Tas ang gentleman pa at super bait. Masarap at magaling pa sa kama. Shit! Lahat na ata nasa kanya.
Kaya tuwing naaalala ko kung paano ko iniyakan iyong mga ex ko, kinakahiya ko ang sarili ko. Hindi deserving ang mga gunggong na 'yon na iyakan. Walang-wala silang panama kay Zachary.
Malawak siyang ngumiti. He leans again and he kisses me deeply. "Because I have you," bulong niya sa labi ko. "E ikaw? Bakit ang ganda mo?"
Natawa ako kasi duh?! Kailangan pa bang i-explain 'yan?
"In born e," mayabang na sabi ko. Natawa siya kaya kinurot ko siya sa baba ng kili-kili niya. He just flinches. Akala ko ay gagantihan niya ako kaso sinunggaban niya ako ng halik. Kaya imbes na umalis na kami at magpunta sa kung saang sekretong lugar na sinasabi niya ay nagtagal pa kami dahil nauwi ang lahat sa kama.
"Ang sweet naman ng baby ko. May pa-candlelight dinner under the moon and stars," sambit ko nang hinila niya ang upuan upang makaupo ako.
Ginala ko ang mga mata ko sa paligid. Nasa rooftop kami ng isang restaurant. It looks like a garden here dahil napapalibutan kami ng mga iba't-ibang klase ng bulaklak. May maliit na gazebo sa pinaka-gitna at doon naka-setup ang table and chairs namin.
He obviously rented the whole place. May nagpi-play pa ng violin sa pinakaharap ng roof top floor. Everything here looks and feels romantic. Mas lalo tuloy akong nai-in love sa boyfriend ko.
Zachary is raising the bar so high. Wala akong maipintas sa kanya. He's destroying every other man in my eyes.
Lord, please lang, sana talaga siya na! Kung hindi pa rin siya ang end game ko... putcha! Ipipilit ko talaga!
BINABASA MO ANG
Until the Sun Falls (Completed)
RomanceSunshine Yella Bautista knows that the best things in life, like falling in love, often happens when she least expects it. But she's almost 30. Yet she's always ghosted that's why she builds a wall to guard her heart. But when the man who was a part...