Chapter 20

23 1 0
                                    

"I've never seen this kind of engagement ring, Yella! Like ever!" my cousin, Naffie, almost shrieked. She sounded freakingly happy when I told her about the unexpected proposal I initiated, and ended up Zach proposing to me, but I could see the sadness in her eyes.

Hindi ko tuloy alam kung tama ba iyong naging desisyon kong ipaalam ito sa kanya. Lalo na at kaka-break lang ng long engagement nila ng ex-boyfriend niya. Nagi-guilty ako.

Na-excite kasi talaga akong ipaalam sa kanya dahil sobrang saya ko. I could share it with my friends, alright but Naffie is not just a friend, she is a family. And I want to share this kind of happiness with my family.

"Hindi ko rin in-expect 'to. Pero masaya ako, Naf. Sobrang saya ko."

Nag-angat siya ng tingin sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko kung nasaan iyong singsing.

"Masaya rin ako para sa'yo, Yella." I know that she is. And I am hoping that she can find her happiness, too soon enough. She deserves it. Sobrang bait niya, hindi lang bilang pinsan pero bilang kaibigan din. That's why many people around her cherish her so much.

I sighed a deep breath and then I looked at my engagement ring. "Okay lang naman na maging ganito kasaya, diba Naf?"

"Oo naman. Bakit? May problema ba?"

Umiling ako. "Wala naman. Pero... naging sobrang saya ko na rin kasi noon. Tapos biglang bumagsak ako sa matinding kalungkutan."

Hindi lang miminsang nangyari iyon sa'kin. Iyong ang saya-saya ko at akala ko wala na iyong katapusan, tapos biglang kinuha iyong kasiyahang iyon sa'kin. Ang ipinalit ay sakit at kalungkutan.

"Paranoid ka na naman. Hindi porke't nagawa ng ibang pasayahin ka then saktan ka eventually, lahat na ng tao ay ganoon na ang gagawin sa'yo."

"But the people I loved already did it to me." Dad and mom has started it. At hanggang ngayon, iyong sakit na dinulot nila ay narito pa rin. Tapos iyong mga lalaking minahal ko ng buong-buo. Sinaktan at iniwan lang din ako kalaunan.

"Then ibahin mo si Zachary, Yella. Nakikita mo naman siguro kung paano ka sambahin no'ng tao ang bawat yapak mo?"

Nakikita ko 'yon. At nararamdaman ko rin kung gaano niya ako pinakatinatangi. Kahit ilang buwan pa lang ang relasyon namin, he already made me feel that he has been committed to me for so many years. Parang ilang taon na ang tinagal ng relasyon namin dahil sa effort at pagmamahal na binibigay niya sa'kin.

"Nakikita ko 'yon, Naf."

"O'! Nakikita mo naman pala e." Naf sighed a deep breath. She gently squeezed my hand she's holding. "Stop overthinking, okay. What worries you now is only in your head. And don't allow that to go down here." Tinuro niya ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "Dahil kapag umabot diyan ang kanegahang iniisip mo, maaapektuhan ang pakikitungo mo sa kanya. And you know Zach doesn't deserve that."

Tumango ako. I couldn't agree more. Zach deserves my whole love. Tama si Naffie. I should stop overthinking dahil hindi iyon makakatulong sa relasyon namin.

"So... napag-usapan niyo na kung saan at kailan kayo ikakasal?" lihis ni Naffie sa usapan.

"Hindi pa. Gusto muna niya talagang makikilala ko ang tatay niya then siguro by then, saka kami makaka-proceed sa plano ng kasal."

"Kainggit naman! Sana all!"

"Huwag ka ngang mainggit. Darating din 'yong iyo. Magtiwala ka lang."

Her mood was darkened a bit. Mas naging apparent ang lungkot sa kanya. Hindi ko rin tuloy mapigilang malungkot din para sa kanya.

Until the Sun Falls  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon