“Hey! Ano ba?! Nasasaktan na ako!” inis kong sabi sa kanya.
Ng tuluyan na kaming makapasok sa school ay agad niya ako binitawan at umuna ng maglakad. Ano bang nangyari sa kanya? Weirdo.
Napailing na lamang ako and this time, binasa ko 'yong letter.
'It hurts when you can't remember me, the day you smile at me and look at me. The day you said I'm your ideal boy, I'm so happy that i could die happily. I want to hear that again, sweetie. And i will make it happen.'
I stunned dahil sa ramdam kong takot. This is why i don't want to read the letter he send me. Ang creepy lang kasi.
•••
“Iris, do you think isa sa kanila 'yong secret admirer mo?” bulong sa akin ni Xandra.
“What? Sino?”
“Kung sa akin lang, mukhang si Tristan.” Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
“Do you mean the blue green hair? As in 'yong the cute one?” Napatingin ako sa lalaking nangangalang Tristan na ngayon ay nakatingin sa akin dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
“Yes, since nung nasa loob tayo ng bus, kanina pa siya tingin ng tingin sa'yo. Baka siya 'yong secret admirer mo? O na love at first sight siya?”
He is Tristan de Chavez 17 year old. He have blue green hair and emerald eyes.
“Baka sa iba talaga siya nakatingin?” Napairap nalang si Xandra sa sinabi ko.
“I swear sa'yo talaga siya nakatingin,” walang gana niyang sabi sa akin.
“Kung ganun, wala akong pake.” Napabuga nalang ito ng hangin dahil sa sinabi ko.
“Kaya nag suicide 'yong lalaking nireject mo nung high school ka pa. Siguro kapag binasted mo 'yan, baka magpakamatay rin niyan?” I rolled my eyes at napailing. “Ang harsh mo kasi.”
“Duh, hindi pa nga sure kung nagsuicide nga 'yon. Wag ka ngang maniwala agad sa chismis,” irita kong sabi sa kanya.
“Oh baka 'yong nag confess sa'yo noon ay 'yong secret admirer mo? Diba nung nireject mo siya, doon rin 'yong time na may nagbibigay sa'yo ng love letter,” ani niya sa akin.
Napatingin ako kay Tristan na ngayon ay hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at umiwas ng tingin.
•••
“Xandra, sabay na tayo—” naputol ang sasabihin ko ng biglang may asungot na sumabat.
“Sabay na tayo,” cold na sabi ni Theo.
“Ayaw ko, mas gusto ko kay Xandra,” mataray kong sabi sa kanya.
“Iris!” Namilog ang aking mata ng bigla siyang sumigaw. Eh kung sampalin kaya kita diyan! Napahinga ito ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. “Makinig ka nalang sa akin.”
Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na niya ako hinila.
“Hey! Wait lang! Hoy!”
Madami na ngang babaeng nagyaya sa kanya mag lunch, tapos ako pa ang gusto niyang makasama. Did he really think i accept him as my step brother?! Ha! No way!
Bakit ba kasi pumayag ang principal na pumasok siya sa school na 'to?!
•••
Umupo na kami sa upuan habang nakapuot ako. Geez! Iyung ibang girls nakatingin na sa amin, porket gwapo siya! Ang bilis na niyang maging famous.
Inistalk ko 'yong facebook account niya, grabe naka 1 million likes siya sa isang araw! Samantalang ako 100 likes lang?!
“Ito na 'yong food.” Napakunot ang noo kong tinignan ang tatlong girls na nakatingin lang kay Theo na parang hindi ako nag e-exist sa paningin nila.
Nilapit ko kunti ang mukha ko kay Theo, “Sino sila?”
“Thanks.” He smiled.
Infernes! Mas lalo siyang gumwapo pag nakangiti. Kinuha na niya ito at kinilig naman 'yong tatlong girls.
“Call us when you need something,” malanding sabi nung isa sabay kindat bago umalis.
“They are just one of my fans,” simple niyang sagot.
“Oh, may fans ka na pala agad.” Napangiwi na lamang ako ng may taong pinicturan si Theo pero parang wala lang kay Theo 'yon.
Napahinto ako ng kumuha siya ng french fries at nilapit ito sa bibig ko.
“Open your mouth,” cold niyang sabi.
“Huh—” Agad niya naman nilagay ang isang french fries sa bibig ko and he smirked.
Kinain ko na lamang 'to. Nakatingin lang ito sa akin na parang may gusto itong sabihin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay habang nag e-enjoy akong kumain ng french fries.
“What?” I asked. “You know what, if wala kang balak kainin 'yong pagkain mo. Ako nalang ang kakain—”
Naputol ang sasabihin ko ng sinamaan ako ng tingin ng tatlong girls. Sabi ko nga hindi na ako kakain.
“Stay away from her.” Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.
“Pardon?”
“Narinig mo ang sinabi ko,” sabi niya at sumimsim ng juice.
“Sino? Si Xandra—” Sinamaan ko siya ng tingin. “Seriously?! She's my one and only bestfriend.”
“Don't trust anyone, Iris. Except me,” seryoso niyang saad sa akin.
I don't trust you and I will never trust you. I rolled my eyes.
“Hindi ako magtitiwala sa'yo.”
“Wag mo ako subukan,” seryoso niyang ani sa akin.
Padabog akong tumayo at nilapit ang mukha ko sa kanya, “Wag mo rin ako subukan. You know that I really don't like you, Theo.”
Para siyang napahinto sa aking sinabi. Nawala 'yong seryoso niyang tingin at parang hindi inaasahan ang sasabihin ko.
Agad na ako umalis, nawalan na ako ng ganang kumain.
•••
Napakunot ang noo ko ng may narinig akong tunog ng lyre. Woah! Ang ganda. Sinundan ko ang tunog na 'yon at napahinto ako ng nanggaling ito sa classroom namin.
And i saw Tristan playing the lyre. He looks like an angel. I wonder kung may girlfriend na siya? Baka pwedeng umapply?
Joke lang— nagulat ako ng tumingin siya sa kinaroroonan ko at muntik pa akong mapasigaw ng may humila sa akin at pinaupo niya ako upang hindi kami makita ni Tristan.
“Clave?” He put his index finger to his lips and smile playfully.
Shit! Hindi na ako nagtataka kung maraming babaeng naghahabol sa kanya. He is Clave Villaruel, iyung naka light brown hair.
Para siyang doll, a handsome doll.
“May gusto ka ba kay Tristan?” he asked.
Pati 'yong boses niya. Shit! Nakakaakit!
“Anong pake mo?” seryoso kong sabi.
I act like his charm doesn't affect me, pero unti-unti na akong naaakit. Tumalikod na ako at akmang aalis pero nagulat ako ng niyakap niya ako.
“Hindi ka pa rin nagbago, Iris. Kagaya ka pa rin ng dati. That's why I like you.”
W-what?
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...