Teka, narinig niya ang sinabi ni Theo sa akin? Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko halatang nagpapanic ito.
“Iiwan mo ba ako, Iris?” Napangiti ako sa kanyang tanong.
“Of course not.” Tinapik ko 'yong balikat niya at parang natigilan ito sa aking sinabi. “Hindi kita iiwan, Tristan. Wala namang pruweba si Theo na ikaw ang pumatay sa daddy ko. At saka, hindi mo naman kayang gawin 'yon.”
Binitawan na niya ang kamay ko. Kita kong napalunok ito ng laway.
“K-kailangan ko ng umuwi.” Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay tumalikod na siya.
“Ingat!” Kumaway naman ako sa kanya kahit na hindi siya nakatingin.
Ng tuluyan na siyang makalabas sa bahay ko ay agad sumeryoso ang tingin ko.
Iba ang kinikilos ni Tristan. Gusto kong maniwala na hindi siya 'yong killer, kaya kailangan kong makasigurado na hindi talaga totoo ang sinabi ni Theo.
•••
“Sigurado ka bang papasok ka ngayon sa school?” tanong sa akin ni Clave.
Seryoso ko lang siyang tinignan, “Oo, ano naman ang gagawin ko sa bahay. Tumunganga?”
He chuckled. Napairap na lamang ako, parati niya lang akong pinagtatawanan.
“Wag mong kalimutan ha.” Napakunot ang noo ko.
“Na ano?” May nakalimutan ba ako.
“Kailangan mo pa akong turuan kung paano magmahal.” Napahinto ako sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi. Shit! I almost forgot.
“P-pwedeng kalimutan nalang natin 'yan—”
“Bawal munang bawiin ang sinabi mo, Iris,” nakangiti niyang sabi sa akin.
Napailing nalang ako, bigla siyang huminto sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako. Nasa harapan ko siya kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya. Kunot noo naman akong pumunta sa harapan niya.
“Hoy! Bakit ka huminto?” Ayaw ba niyang pumasok sa school?
Napahinto ako ng may napansin ako sa mga mata niya, parang natatakot ito. Ngayon ko lang nakitang ganito si Clave. Napatingin ako sa lalaking tinignan niya.
He have dark brown hair and orange eyes. Matangkad ito, mas matangkad pa siya kaysa kay Clave. Mapayat rin siya at normal lang ang kaputian ng kanyang balat.
Gwapo siya pero mas gwapo si Clave. Nakatingin ito kay Clave at parang hindi niya ako nakikita.
“So, nandito ka lang pala all this time,” seryosong sabi niya.
Sino ba 'to?
“B-bakit ka nandito? Diba sinabi ko na sa'yo na ayaw ko na!” galit na sigaw ni Clave may halong takot ito. Nababaguhan lang ako, ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito.
Napahinto ako ng napatingin sa akin ang lalaki. Napangiti ito ng nakakaloko.
“Girlfriend mo?” tanong niya.
“Ah hi—” naputol ang sasabihin ko ng agad hinawakan ni Clave ang kamay ko.
“Hindi muna siya kailangan sagutin,” cold niyang sabi sa akin at hinila na ako papalayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Roman d'amour(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...