Chapter 5

759 39 3
                                    

“What are you talking about?!” Umatras ako. “I won't trust you, diba sinabi ko na sa'yo na I don't like you, kaya pwede ba?! Kung may balak kang makipagfriend sa akin, wag mo ng ituloy. Nag aaksaya ka lang ng oras!”

Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon ay iniwan ko na siya.

•••

“Grabe ka naman sa step brother mo, Iris.” I rolled my eyes.

“Wala talaga akong plano makipag close sa kanya. Nakikita ko lang 'yong mukha niya nagagalit na ako,” irita kong sabi sa kanya.

She giggled, “Kaya ka walang jowa eh. Dahil ang bilis mong mainis.”

“I don't need a boyfriend, Xandra. Kung masasaktan lang ako. Then, I don't need him,” seryoso kong sabi sa kanya.

“But I'm here, Iris. I won't hurt you,” sabi niya sa akin dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at kunot noo siyang tinignan.

“What?” Akmang magsasalita siya pero agad may nagsalita sa harapan namin.

“S-salcedo.” Napalingon kami sa babaeng tumawag sa kanya.

“Yes?” Xandra answered. 

“C-can i talk to you? N-ng tayong dalawa lang,” nahihiyang sabi nung babae.

Napatingin muna siya sa akin at tumango lang ako bago sila umalis. Syempre, dahil medyo may pagka chismosa ako, sinundan ko sila.

•••

“Salcedo! I like you!” Muntik pa akong matumba dahil sa sinabi niya.

Medyo nagulat ng kunti si Xandra pero sumeryoso rin ang tingin nito sa babae. Napatampal ako ng noo, she's a girl and she's straight. So, hindi siya pumapatol sa mga babae.

Bakit kasi mas gwapo pa siya kaysa sa ibang lalaki? Para siyang si hakken.

“Sorry but i don't fall inlove with girls, I'm straight.” Napabuga na lamang ako ng hangin.

Ouch sakit no'n.

“T-talaga ba? K-kaano-ano mo ba si Iris?” tanong niya dahilan na ikinahinto ko. Bakit nasali ako sa usapan nila? Nangunot ang noo ni Xandra.

“Bestfriend syempre, bakit mo naman natanong?” she asked.

“B-bestfriend? Are you sure?” Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? Nababaliw na ba siya?! “B-but why do i feel like the way you look at her parang inlove ka?” 

Huh?! Are you serious?! Si Xandra inlove sa akin?! Eh may crush nga 'yan na lalaki eh!

“Imahinasyon mo lang 'yan, sorry talaga pero sa lalaki lang ako nagkakagusto,” sabi niya sa babae.

Nagulat ako ng hinawakan ng babae ang braso ni Xandra ng sobrang higpit. Kitang-kita na nasasaktan na si Xandra.

“Subukan mo mahalin ako, Salcedo! You can learn to love me?! Gender doesn't matter!” Akmang lalapit ako sa kanila pero nagulat ako ng tinulak ni Xandra ang babae.

“Sorry! Pero may tao na akong mahal!” sigaw ni Xandra, dahilan para mapahinto ang babae.

Nagulat yata siya sa sinabi ni Xandra. Napailing na lamang ako. Tinakpan ng babae ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya at umiyak na ito. Nakatingin lang ng seryoso sa kanya si Xandra at tumakbo na 'yong babae.

“Pwede ka ng lumabas diyan.” Napahinto ako sa sinabi ni Xandra. “Iris.”

Napakamot ako sa batok ko at nagpakita na sa kanya. Lumapit ako sa kanya at parang bumalik na siya sa normal.

“Sorry, nawala kasi ako,” I lied. Pinitik niya naman ang noo ko. “Aray!”

“Napaka chismosa mo talaga!” Napapuot na lamang ako.

“Magparetoke ka nalang kaya, ang dami ng nababaliw na girls dahil sa'yo,” biro kong sabi sa kanya.

“Ayaw ko nga, mahal ko 'yong face ko.” I chuckled dahil sa sinabi niya.

Inakbayan ko naman siya, “Okay lang 'yan, Xandra. Kapag may boyfriend ka na, siguradong titigil na sila.”

“Sana nga,” sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.

•••

“Make sure na kahit ni isang libro wala kang nahulog, dapat nakalagay na 'yan sa desk ng principal.” Napatango ako sa sinabi ni sir.

Lumabas na ako ng building. Dalawa ang building dito. Iyung isa is senior at 'yong isa naman ay college.

“Hindi mo ba bibisitahin 'yong step brother mo?” Napalingon ako sa lalaking sumabay sa akin.

“Ikaw na naman?! Can you just leave me alone?!” Halata naman kasing playboy ito, delikado na kapag na fall ako.

“I can't.”

“At bakit naman? Don't tell me crush mo ako?” natatawa kong tanong.

“Parang ganun na nga,” sabi niya sa akin.

“Tsk, sigurado akong iyan din ang sinasabi mo sa ibang babae,” bulong ko.

“I'm just here to confirm something.” Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

“Confirm something, ano naman 'yon?” nagtataka kong tanong sa kanya.

Nginitian niya lang ako at hindi na sumagot. Ang weird talaga ng lalaking 'to.

•••

Wala 'yong principal kaya nilagay ko nalang ang mga libro sa desk niya. Sinusundan pa rin ako ng lalaking 'to. 

“Bakit mo ba ako sinusundan?” inis kong tanong sa kanya.

“Sinabi ko na sa'yo.” Napakamot nalang ako sa batok ko.

“Ano ba kasi 'yon?” inis kong sabi sa kanya.

“Gusto mo bang sumama sa akin?” tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko.

•••

I can't believe na sinundan ko siya papunta dito. Nasa 5th floor kami ng school.

“Ano bang ginagawa natin dito? Sabi ng principal, bawal daw tayo pumunta dito?!” inis kong sabi sa kanya.

Hindi lang siya nagsalita at huminto kami sa pulang pintuan na kaharap namin. Kunot noo ko siyang tinignan.

“Pasok ka.”

“Uhh… Why would i?” mataray kong tanong.

“Pumasok ka nalang,” seryoso niyang saad sa akin.

Napabuga ako ng hangin at binuksan na ang pinto. Ang dilim dito, walang ilaw. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay seryoso lang nakatingin sa akin.

“Oh tapos? Anong gagawin natin dito?” I asked.

Binuksan niya ang ilaw at may tinuro siya. Tinignan ko ang tinuro niya at nagulat ako sa nakita ko. Napatakip ako ng bibig ng makita ang lalaking nakamulat ang mata at nakaupo ito sa sahig habang nakasandal 'yong likod niya sa pader.

At 'yong kalahati niyang mukha ay wala ng balat, tanging buto nalang ito.

“W-who…. did that?” kinakabahan kong tanong.

Hindi ako makagalaw at nakatingin lang ako sa lalaking nilalangaw na. Naramdaman ko nalang ang hininga niya sa tenga ko.

“It's all because of you, Iris.” Gulat akong napatingin sa kanya.

“A-anong ibig mo sabihin?” Hindi pa rin nawawala ang seryoso niyang tingin sa akin.

Lumapit siya sa akin at napaatras ako. Hanggang sa wala na akong maatrasan, nilapit niya ang mukha niya sa akin. Bakit parang natatakot ako sa kanya?

“Hey, why did you reject him?”

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon