Chapter 39

402 25 2
                                    

“Nandito na po tayo,” mahinahon kong sabi sa kanya. Hindi lang siya nagsalita at pinagmasdan lang ang paligid. “Sige maiwan ko na kayo.”

Baka mag japanese pa ito ulit at hindi ko na naman maintindihan. Aalis na sana ako pero napahinto ako ng mahina niyang hinila ang tela ng damit ko.

“Can you stay for a little bit?” he asked. Napatingin na naman siya sa paligid. “Hindi ko kasi kabisado ang lugar na 'to. What if I get lost?”

“Ano kasi....” Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na sa aking mga mata. Bakit kasi sobrang gwapo niya?! Hindi ako makatanggi. “M-may oras pa naman ako.”

Napangiti naman ito at pumasok na sa book store. Mukhang mahilig siya sa libro. Mahilig rin sa libro si Theo.

Kinuha niya ang libro na about love. Napakunot ang noo ko.

“May babae ka bang nagugustuhan?” tanong ko sa kanya.

“Yes.” Owws~ I'm sure cute 'yon na japanese girl.

“By the way, bakit ka pala nandito sa pilipinas?” tanong ko sa kanya. 

“May hinahanap lang ako,” sabi niya sa akin.

“Iyung babae ba na nagustuhan mo ang hinahanap mo?” tanong ko sa kanya. Napatango naman siya.

“Nahanap ko na siya.” Napatingin siya sa akin. “At masaya ako na nasa mabuting kalagayan siya.”

“Ang swerte naman ng nagugustuhan mo,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“She didn't want me.” Napahinto ako sa kanyang sinabi.

Bulag ba 'yong babae na 'yon?! Bakit niya nireject ang lalaki na 'to?! Lahat siguro ng pinapangarap sa mga babae ay nasa kanya na.

“Bakit naman?” tanong ko.

“Dahil hindi niya ako mahal,” nakangiti niyang sabi sa akin. Umupo siya sa upuan na malapit lang sa book shelf at binuksan ang libro. “By the way, What's your name?”

“I'm Iris Atienza,” nakangiti kong pagpapakilala sa kanya.

“Iris,” banggit niya sa pangalan ko dahilan para mapahinto. He looked at me and he gave me a warm smile. “I'm Rio Suzuki it was nice meeting you, Iris.”

Napangalumbaba ako at napabuga ng hangin habang nakatingin sa itaas.

“Gusto ko rin pumunta ng japan,” sabi ko.

He chuckled, “Pwede ka naman sumama sa akin.”

Napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako at binaling niya ulit ang tingin niya sa libro.

Napatingin ako sa mga libro at napahinto ako ng may nakita akong isang libro. Kinuha ko ito. Sabi ni mommy favorite daw ito ni Theo.

Napatingin ako sa kanya at napahinto ako ng nakatingin pala siya sa akin.

“Gusto mo 'yan?” tanong niya sa akin.

“Ah hindi.” Binalik ko na 'yong libro sa book shelf. “Favorite ng bunsong kapatid ko.”

Umupo na ako sa upuan, “Little brother? May kapatid ka pala?”

“Oo.”

“Nasaan na siya ngayon?” he asked. Napahinto ako sa kanyang tanong. “Ayos lang kung hindi mo kayang sabihin.”

Napahinga nalang ako ng malalim at napahinto ako ng maramdaman ko ang titig niya sa akin.

“B-bakit pala marunong kang magtagalog? Diba taga japan ka?” tanong ko sa kanya. Napahinto naman siya sa tanong ko pero agad rin ito ngumiti.

“I was here nung nag aaral pa ako. Kaya natuto akong magsalita ng tagalog,” sabi niya sa akin. Napatango na lamang ako. 

Napahinto ako ng biglang tumunog ang tiyan ko. Shit! Nakalimutan kong kumain kanina. He giggled.

“Hehehe nakalimutan ko kasing kumain kanina,” nahihiya kong sabi sa kanya.

“Don't worry. Kakain tayo ako na 'yong manglilibre,” nakangiti niyang sabi sa akin at kinuha ang mga libro na pinili niya at binayaran ito.

Sinundan ko naman siya, “Hindi mo naman kailangan. May pera naman ako.”

“Think of it as a gratitude for not leaving me here,” mahinahon niyang sabi sa akin. Napangiti na lamang ako.

Hindi ko na pinansin ang matang nakatingin sa akin. Hindi ko man siya nakikita pero alam kong may nakatingin sa akin.

•••

Kinain ko na ang hamburger at kanina ko pa napapansin na pinagmamasdan niya ako. Tumingin ako sa kanya dahilan para magtama ang mata naming dalawa.

“Rio?” Para siyang nabalik sa realidad ng tinawag ko ang pangalan niya.

“Ah sorry.” Nakapangalumbaba siya habang nakatingin pa rin siya sa akin. “Ngayon ko lang napansin na kamukha mo 'yong taong sobrang mahal ko.”

“As in kamukha talaga?” tanong ko. Napatango naman ito. “Hindi ko akalain na may kamukha pala ako.”

He smiled at kinain nalang niya ang hamburger niya.

•••

“Sige aalis na ako,” pamamaalam ko sa kanya.

“Sana magkita pa tayo ulit,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napakamot naman siya sa batok niya at napaiwas ng tingin na parang nahihiya ito. “At pasensiya na rin sa abala.”

“Ayos lang, ang saya mo nga kasama,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Bye Iris.”

“Bye.”

After we said goodbye to each other ay umuwi na ako. Napahinto ako ng makita si Tristan na natutulog sa sofa. Habang may mga pagkain sa lamesa.

Naghintay ba siya sa akin? Lumapit naman ako sa kanya at inayos ang kumot na nakabalot sa katawan niya.

Napakunot ang noo ko ng bigla itong nagsalita. 

“W-wag.... Wag!” sigaw niya at napaupo. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

“T-tristan, ayos ka lang?” alala kong tanong sa kanya.

“Y-yes.” Rinig ko ang paghinga niya. Ano kayang napanaginipan niya at nagkaganyan siya?

“Kukuha lang ako ng tubig.” Agad na ako umalis. Pagbalik ko ay nakita ko siyang nakahawak sa kanyang noo habang nakayuko. Nakaupo siya sa sofa at halatang malalim ang iniisip nito.

Napansin niya yata 'yong presensiya ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

“Iris,” banggit niya sa pangalan ko.

“Ito oh, inumin mo,” sabi ko at lumapit sa kanya at binigay ang baso na may laman na tubig.

Tinanggap niya naman ito at ininum. Hinaplos ko naman ang likod niya.

“Ayos ka na ba?” alala kong tanong sa kanya.

“Oo, salamat,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Ano bang napanaginipan mo?” tanong ko sa kanya.

“B-buhay raw si Theo at bumalik raw siya para kunin ka,” malungkot niyang sabi sa akin. Nanginginig ang kamay niya halatang natatakot ito. “Kung lumipat nalang kaya tayo ng bahay?”

“Tristan, patay na si Theo. Wala na siya kaya imposibleng bumalik siya dito,” sabi ko sa kanya.

“Sana nga patay na siya, Iris. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nakuha ka na naman niya ulit sa akin.”

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon