Napangiti ito ng nakakaloko, “Bakit nakatayo ka lang diyan? Diba gusto mo naman patayin ako.”
“Paano mo nalaman?” tanong ko sa kanyang habang blangko ang ekspresyon.
“Pinagmamasdan kita parati, Iris. Hindi ko makakayang hindi kita makita sa isang araw. Do you know how much I suffered because of you?!” Napahinto ako dahil sa biglaan niyang pagsigaw. “Araw-araw nasasaktan ako. Bakit? Bakit hindi ako pwedeng maging masaya?! Ikaw lang 'yong tanging hinihiling ko! Pero bakit hadlang si tadhana sa akin?! Damn it! Bakit kailangan pa naging kapatid kita?!”
“Wala ka ng magagawa, Theo. Marami pang ibang babae diyan. Alam kong kapag binigyan muna ng pansin ang iba, sigurado akong makaka move on ka rin sa akin,” alala kong sabi sa kanya.
“Do you know how many years I have been waiting for you?! Alam mo ba na gustong-gusto ko na pansinin mo ako?! But you didn't pay attention to me!” Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nakatingin lang ako sa kanya. Lumapit siya sa akin. “You ruined me, Iris. Ikaw ang dahilan kaya nasira ang buhay ko!”
“Tumahimik ka!” sigaw ko. Tinulak ko naman siya. “Hindi pa ba sapat na pinatay mo ang mommy at daddy ko?! Baliw ka! Paano mo 'to nagawa sa mommy natin?!”
Agad niya hinawakan ang dalawang wrist ko.
“Kalimutan mo na sila. Love me, Iris. At sisiguraduhin kong magiging masaya ang buhay mo,” sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko. “Pinapangako ko. Hindi na ako papatay, if mamahalin muna ako.”
“I can't love you. Hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo!” sigaw ko at dumistansiya.
Blangko lang ang ekspresyon niya pero parang nasaktan ito sa sinabi ko. Agad na ako tumakbo papalayo sa kanya.
Wala akong pake kung saan ako dalhin ng paa ko. Makalayo lang ako sa kanya.
•••
Napahinto ako at hinabol ang hininga ko. Pumasok ako sa isang silid at napagtanto kong kwarto ito. Nilock ko ang pinto at nilibot ang paningin ko sa paligid.
Binuksan ko ang tv at nakinig sa balita. Napahinto ako sa nakita ko. S-si Luca? Patay na?
Halos hindi ako makagalaw sa posisyon ko. Pinutulan daw ng kamay.
“Theo! Ang sama mo!” sigaw ko.
Pinatay ko na ang tv. Wala man lang bintana dito para makatakas ako. Napahinto ako ng biglang may kumatok sa pinto.
“Lumabas ka diyan,” cold niyang sabi sa akin.
“Ayaw ko! Mas mabuting dito nalang ako at mamatay! Kaysa sa makasama kang hayop ka!” inis kong sabi sa kanya.
“Bakit hindi mo ako na aappreciate?” Napahinto ako sa kanyang sinabi. “Bakit? Bakit parati mo nalang akong tinutulak palayo? Ginawa ko na ang lahat, Iris. Wala akong pake kung makapatay ako. Makuha lang kita.”
“Sinabi ko na sa'yo! Hindi tayo pwede!”
“Kalimutan nalang natin 'yan! Parati ka nalang nagdadahilan! Kahit anong lapit ko sa'yo! Parati kang tumatakbo palayo! Kahit nung hindi mo pa alam na totoong magkapatid tayo!” inis niyang sigaw sa akin. “Do you know how much lonely i am?! When you ignore me?!”
“Kaya ka lang naman nasasaktan dahil pinipilit mo 'yong sarili mo sa akin! Sa pinapakita mo ngayon! Mas lalong hindi kita magugustuhan!” inis kong sigaw sa kanya.
Tumahimik siya dahilan para mapahinto ako. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nagulat ako ng biglang nasira ang pinto. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at takot nakita ko siyang blangko lang nakatingin sa akin.
Habang nakahawak ng lagari.
“Dahil sa'yo kinamumuhian ko na rin ang sarili ko.” Palapit siya ng palapit at hindi na ako umatras, dahil alam ko naman na wala akong takas. “Kinamumuhian ko na naging kapatid kita?!”
Agad ko siya sinampal, “Kahit na hindi mo gustong maging kapatid mo ako?! Dahil hindi tayo pwede magkatuluyan! Wala ka ng magagawa! Iyun ang katotohanan at hinding-hindi magbabago 'yon!”
“Magbabago 'yon. Diba sinabi ko na sa'yo, gagawin ko ang lahat,” sabi niya sa akin. Napaiwas siya ng tingin. “Bukas babalik na tayo sa bahay natin. Uuwi na si dad at kapag nalaman kong nagsumbong ka. Binabalaan kita, Iris. May mamamatay kapag nagsumbong ka.”
“Halimaw kang gago ka! Sa tingin mo tama 'yong pumatay?!”
“Wala akong pake kung nakagawa ako ng masama.” Hinawakan niya ang pisnge ko. “Kung iyan lang ang paraan para makuha kita. Gagawin ko.”
“Hindi mo ba ako naintindihan?! Hindi ako mapapasayo!” inis kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng tinapat niya ang lagari sa akin. “A-anong gagawin mo?!”
“Hindi ko gustong matakot ka ng tuluyan pero kung ito lang ang paraan, I'm sorry.” Paatras ako ng paatras at palapit siya ng palapit sa akin. “Wala kang ibang pagpipilian, kailangan mong pilitin na mahalin ako... Dahil kapag hindi mo gagawin... I will kill you.”
“Sabi mo mahal mo ako?! Pero bakit may balak kang patayin ako?!”
“Mahal kita kaya hindi ko makakaya na makita kang masaya sa iba. Hindi ako papayag na maagaw ka nila sa akin,” sabi niya sa akin.
“Kaya ka lang naman obsessed sa akin dahil hindi nangyayari ang gusto mo!” Lumapit ako sa kanya at cold lang siyang nakatingin sa akin. “Hindi mo talaga ako mahal, Theo. Temporary lang 'yan. Kapag nakahanap ka na ng ibang babae na mamahalin mo. Makakalimutan muna ako, kagaya ni mommy.”
“Nagkakamali ka, Iris. Sadyang nagmahal lang talaga kami ng sobra.” Hinaplos niya ang buhok ko. “Hindi mo dapat sila pinapakawalan, kasi minsan ka lang makakahanap ng lalaking sobrang magmahal.”
“Hindi mo ako naintindihan. If magpapatuloy ka, siguradong masisira ang buhay nating dalawa,” alala kong sabi sa kanya.
“Nasira na ang buhay ko,” cold niyang sabi sa akin. Napahinto ako sa kanyang sinabi. “Since the day you reject me. Hindi ko na nagawang maging masaya. Since the day na lumayo ka sa akin parang gusto ko ng mamatay pero hindi ako sumuko. Kahit pa na ikinagagalit mo. Wala na akong pake.”
“You never listen to me,” cold kong sabi sa kanya.
“I don't like your answer.” Hinawakan niya ang kamay ko. “I promise, if pumayag ka na magkatuluyan tayo. Magiging mapayapa ang buhay mo. Titigil na ako sa pagpatay.”
“Hindi ko magugustuhan ang taong pumatay sa daddy ko!” inis kong sabi sa kanya.
“Oo inaamin ko. Ako ang pumatay sa nanay mo pero hindi ako ang pumatay sa tatay mo.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...