“Iris~ lumabas ka na, alam kong nandito ka lang~” Napatakip ako sa aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay.
Naliligo na ako ngayon sa sarili kong pawis. Nanginginig na ang katawan ko at ang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Nandito ako sa ilalim ng kama, nagtatago. I don't want him to see me. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin kung mahanap niya ako.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin. Sana lumayo na ako sa kanya, he's a monster! Pinatay niya 'yong magulang ko, pati na rin 'yong mga kaibigan ko.
Muntik pa akong mapasigaw ng makita ang ulo ng kaibigan ko na hawak na hawak niya. Tumutulo ang dugo nito at nakadilat ang kanyang mata.
“Iris! Wag mong hintayin na magalit ako! Lumabas ka diyan!” sigaw niya, dahilan para mapapikit ako. “You know na ginawa ko lang 'to para sa ating dalawa, hindi ka kailangan matakot sa akin. I promise, I won't hurt you.”
Hindi lang ako gumalaw at nakatingin lang sa mga paa niya. Tinapon niya naman ang ulo ng kaibigan ko dahilan para tumalsik ang dugo nito.
Natalsikan pa ako sa pisnge. Nanghihina na ako dahil sa takot parang mahihimatay na ako.
I-i'm scared of blood.
“As long as you behave and do what I want you to do. Hindi ka masasaktan. Now, be a good girl at lumabas ka na diyan, Iris.” Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. Nagdadalawang isip ako kung magpapakita ako or hindi. Baka saktan niya kasi ako. “I want to see your beautiful face again~ alam mo bang ilang years ako naghintay para lang makuha kita.”
Baliw ka! Hindi ako magiging iyo! Hindi ako papayag na mapunta ako sa isang halimaw na katulad mo!
“Iris, I will count to 3. Kung hindi ka pa lalabas diyan, alam mo na ang mangyayari sa'yo.” Bigla akong napahinto sa kanyang sinabi.
“1... 2... 3...” Natahimik siya, ramdam ko pa rin ang takot.
Nagulat ako ng hinila niya ang wrist ko.
“Ah! Ano ba?! Bitawan mo ako! Ayaw ko sa'yo! I hate you!” sigaw ko sa kanya.
Nagulat ako ng pumatong siya sa akin at halos hindi ako makagalaw dahil sa takot. Nakatingin lang ako sa kanya habang gulat na gulat.
Napangiti ito ng nakakaloko, “Ang tigas talaga ng ulo mo, Iris.”
“Simula palang! Ayaw ko na talaga sa'yo! Hindi na sana ako nakinig kay mommy! Sana hindi nalang ako lumapit sa'yo!” galit kong sigaw sa kanya. Kahit natatakot ako ay pinilit ko pa ring magsalita.
He laugh playfully. Nagulat ako ng hinawakan niya ang pisnge ko. M-may dugo sa kanyang kamay at sigurado akong may dugo na sa pisnge ko.
“Ilang beses mo na ako sinaktan, Iris. Deserve mo naman siguro ng punishment, hindi ba?” Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.
“Ah! Umalis ka! Layuan mo ako!” sigaw ko. Hindi ko siya maigawang itulak dahil may dugo sa damit niya.
Nakangiti lang ito ng nakakaloko na parang pinagtatawanan niya ako. Namilog ang aking mata ng hinalikan niya ang labi ko.
Mali ito! Mali itong ginagawa niya! Namilog ang aking mata na parang huhubarin na niya ang damit ko. Agad ko hinawakan ang kamay niya.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” natatakot kong tanong sa kanya.
“Don't worry, I'll be gentle.” Nagulat ako parang mas lalong lumala si Theo. Agad ko siya tinulak at agad tumakbo, ngunit agad niya nahawakan ang wrist ko.
“Bitawan mo ako!” sigaw ko sa kanya.
“Bakit ka ba parating lumalayo sa akin?!” Hinawakan niya ang pisnge ko. Sa isang iglap nagbago na naman ang ekspresyon niya. “Iris, sabi mo magkapatid tayo. Diba ikaw 'yong ate. Dapat inaalagaan mo ako.”
“Alam kong hindi kapatid ang tingin mo sa akin, Theo,” cold kong sabi sa kanya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. “A-ano ba?! Let me go! Pinatay mo na lahat! Wala ng natira sa akin! You ruined my life! Bakit napaka makasarili mo?! Can you think of me just for once?!”
“But I'm always thinking of you everyday, Iris,” inosente niyang sabi sa akin. Agad niya ako hinila dahilan para mapalapit ako sa kanya. “I always want you.”
“Hindi mo ba inisip ang nararamdaman ko?! Theo naman! Pakinggan mo naman ako!”
“Pinakinggan mo ba ako?” tanong niya dahilan para mapahinto ako. “Hindi diba? Ang damot-damot mo, Iris. Pagmamahal mo lang naman ang gusto ko.”
“Dahil iba ang pagmamahal na gusto mo at hindi ko kayang ibigay 'yon!” Hindi lang siya nagsalita. “Magkapatid tayo—”
“Tumahimik ka! Sinabi ko ng hindi na tayo kapatid! Dahil inabandona na ako ng mama mo!” inis niyang sigaw sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. “Hindi ko matatanggap na hindi tayo magkakatuluyan, Iris! Hindi ko talaga matatanggap!”
“Theo, kailangan—” naputol ang sasabihin ko ng agad niya hinawakan ang braso ko.
“Please Iris, wag mo na ako saktan. Hindi naman mahirap na mahalin ako. I will do anything para lang mahalin mo ako,” malungkot niyang sabi sa akin. Nilapit niya ang katawan niya sa akin dahilan para matigilan ako. “Gagawin ko lahat ng gusto mo. Mahalin mo lang ako, Iris.”
“I...” Hindi ko talaga kaya magpanggap. Magkapatid kami, hindi ko talaga kaya magpanggap na mahalin siya.
“Pilitin mo! Iris! Dahil hindi matatapos ang lahat ng 'to kung hindi mo ako mamahalin!” Para siyang nababaliw. Pabago-bago ang ekspresyon niya.
“Ano na bang nangyayari sa'yo, Theo?! Nasisiraan ka na ba ng bait?!” Umatras ako. “Magkapatid tayo! Pareho tayo ng ina! Sinabi ko na sa'yo na hindi tayo pwedeng magkatuluyan. Kaya kitang mahalin bilang kapatid pero hindi kita kayang mahalin in a romantic way!”
“Iris, gusto mo ba talaga akong magpatuloy sa pagpatay sa mga taong lumalapit sa'yo?” Napailing na lamang ako.
“Itigil muna 'to, Theo. Walang magbabago, hindi pa rin kita mamahalin kahit anong gawin mo,” malungkot kong saad sa kanya.
“Bakit ba napaka makasarili mo? Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, makalapit lang sa'yo.” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napaatras ako. “Naging baliw ako dahil sa'yo.”
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...