Akmang tatakbo ako palayo sa kanya pero agad niya ako hinila at tinakpan niya ang ilong ko gamit ang panyo. May nilagay siya sa panyo dahilan ng ikadahan-dahan kong pagkahilo.
•••
Minulat ko ang aking mata at napagtanto kong nasa isang silid ako na hindi pamilyar.
Muntik pa akong mapasigaw ng makita ko siya sa harapan ko na nakatingin sa akin.
“Nasaan ako?!” tanong ko sa kanya.
“Hindi muna kailangan malaman pa.”
“Pakawalan mo ako! Hayop ka! Napakasama mo! Anong ginawa ko sa'yo?! Para patayin mo 'yong mga magulang ko!” inis kong tanong sa kanya. Nagpupumiglas ako pero ang higpit ng pagkakatali niya sa kamay at paa ko. Nakaupo ako sa upuan habang kaharap ko siya. “Hindi ka man lang naawa kay mommy! Tunay mo siyang ina!”
Napahinto siya sa sinabi ko, “What did you say? Sino ang nagsabi sa'yo niyan?”
Hindi lang ako nagsalita at umiwas ng tingin.
“Sabihin mo sa akin. Sino nagsabi sa'yo niyan, Iris?!”
“Wala!” inis kong sabi sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya na ngayon ay galit na nakatingin sa akin.
“Kapag nalaman ko kung sino ang nagsabi sa'yo niyan. Mamamatay talaga siya sa akin,” seryoso niyang sabi sa akin.
“Hindi ka ba nakokonsensiya sa mga taong binawian mo ng buhay?!” inis kong sigaw sa kanya.
“Bakit naman ako makokonsensiya? They deserved it. Hadlang sila sa kasiyahan ko.” Lumapit siya sa akin. Gusto kong umatras pero hindi ko magawa. “I just want to love you pero bakit ang daming hadlang sa ating dalawa? Bakit hindi nila ako hinayaan na maging masaya?”
“Sinabi ko na sa'yo, hindi nga tayo pwedeng magkatuluyan. Lalo na't totoo kitang kapatid! Magkadugo tayo, Theo!”
“Shut up! I don't want to be your brother! Inabandona na ako ng parents mo, Iris! Kaya hindi na kita kapatid! You will never be my sister!”
“Hindi mawawala ang katotohanan na tunay kitang kapatid! Hindi ko alam kung bakit ka inabandona ng parents natin. But you're still my brother! Mali 'to... Mali na minahal mo ako, Theo.” Dumistansiya na siya sa akin at walang emosyon niya lang akong tinignan.
“Pwede naman tayo magkatuluyan kahit na magkapatid tayo.” Napahinto ako sa kanyang sinabi. “Iyung iba nga diyan. Meron ng anak.”
Napangiwi ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang narealize na nakakatakot pala magmahal.
“Wag mo ako ikumpara sa kanila. Dahil hindi ako kagaya nila,” seryoso kong sabi sa kanya.
“Kahit pa anong sabihin mo. Ipipilit ko pa rin ang sarili ko sa'yo,” sabi niya sa akin habang blangko ang kanyang ekspresyon na nakatingin sa akin.
“Masasaktan ka lang lalo,” cold kong saad sa kanya.
“Wala akong pake. Basta makuha lang kita, kahit pa hindi ka masaya sa piling ko,” sabi niya bago tumalikod.
“Makasarili ka! You're a monster! Pakawalan mo ako dito!” sigaw ko. Inis ko siyang tinignan. “You're the worst! Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang ako lumapit sa'yo! I hate you!”
Hindi na siya nagsalita at umalis na lang. Tumulo na 'yong luha ko. Hindi ko alam kung paano makakalabas dito. Walang tutulong sa akin, kaya kailangan kong mag isip ng paraan para makatakas.
•••
Bumukas na ang pinto at nakita kong may dala-dala siyang pagkain.
“Kumain ka na, alam kong nagugutom ka.”
“Paano ako makakain? Eh nakatali ako?!” inis kong tanong sa kanya.
“I'll feed you.” I rolled my eyes.
“Busog pa ako, baka may lason pa 'yan.” Actually, gutom na gutom na talaga ako. Kanina pa ako natatakam dito.
“Hindi ba pwedeng mahalin mo nalang ako?” Napahinto ako at tinignan siya sa mata. Kahit blangko lang ang ekspresyon niya, I can see the sadness in his eyes. “Kahit magpanggap ka lang.”
Hindi lang ako nagsalita at umiwas lang ng tingin. Kinain ko nalang 'yong pagkain. Ayaw ko ng lumala pa ang lahat.
Ng tapos na akong kumain ay pinainom niya ako ng tubig. Aalis na sana siya pero agad ako nagsalita.
“Masaya ka ba?” Napahinto siya sa sinabi ko. “Masaya ka bang nandito ako nakatali? Masaya ka bang pinipilit mo akong mahalin ka?”
Tumingin siya sa akin, “Anong gusto mong gawin ko? Hindi kita kayang pakawalan. You have no idea how much I love you.”
“Anong gusto mong gawin ko?! Magpanggap ako na mahalin ka! Do you want me to look like a bad person here?!” inis kong tanong sa kanya. Nagpupumiglas ako pero hindi pa rin lumuluwag ang tali. “Mali ito! Mali 'tong ginagawa mo! I'm sure! Hindi ka magtatagumpay sa plano mo!”
“Mas matalino pa ako sa'yo, Iris.”
“What?”
“Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa plano ko. Hindi ka makakatakas sa akin, kahit ano pa ang gawin mo.” Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya.
Kinuha niya 'yong cellphone ko para hindi ako makahingi ng tulong.
•••
Mga ilang minuto ang lumipas ay bumalik siya. Tinanggal na niya ang tali sa kamay at paa ko. Hindi pa siya nakapagsalita ay agad na ako tumakbo.
Akmang bubuksan ko na ang pinto para makalabas na ako sa bahay na 'to pero ayaw mabukas. Sinubukan ko rin buksan ang mga bintana at iba pa na pwedeng daan palabas dito sa bahay pero ayaw talaga mabukas.
“Nilock ko lahat, kaya wag ka na mag aksaya ng oras na makatakas dito,” cold niyang sabi sa akin.
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin siya sa akin habang nakaupo sa sofa. Halatang kalmado ito.
“Why are you doing this to me?! Ano ba ang kasalanan ko sa'yo para gawin mo 'to sa akin?!” inis kong tanong sa kanya.
“Wala naman akong ginawang masama,” cold niyang sabi sa akin. Napairap na lamang ako dahil sa sinabi niya.
“Iyung pagpatay sa mommy at daddy ko! Hindi ba 'yon masama?!” inis kong tanong sa kanya. “Akala ko ba matalino ka?!”
“Ginawa ko 'yon dahil takot akong malaman mo ang totoo. Hindi ko naman kasalanan na minahal kita,” sabi niya sa akin habang blangko ang ekspresyon niya.
Nilahad niya sa akin ang kutsilyo dahilan para mapahinto ako.
“What—”
“Gusto mo akong patayin diba?” Hindi lang ako nagsalita. “If I die, matatapos na ang problema mo. Gusto mong patayin ang pumatay sa mga magulang mo, hindi ba?”
“Ano bang pinagsasabi mo?! Nababaliw ka na ba!”
“Tandaan mo, Iris. Habang nabubuhay ako. Hindi ka magkakaroon ng kalayaan.”
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...