He smirked, “Tignan nalang natin.”
Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay tumingin siya sa akin at kinindatan ako bago umalis.
Nagulat ako ng hinila ako ni Clave at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Hindi ko siya maigawang itulak dahil ramdam kong wala siyang gagawin na masama sa akin.
“Damn it! Bakit ayaw mong makinig sa akin?! Alam mo bang hindi ako makatulog sa gabi, iniisip ka! Diba sinabi ko na sa'yo na lumayo ka kay Luca!” inis niyang sabi sa akin.
“I-i'm sorry, hindi ko naman kasi siya maiiwasan. May gagawin kasi siya na hindi ko kayang iwasan.” Kagaya nalang kanina. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya, halatang nag alala ito sa akin. “Don't worry too much, Clave. Hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto niyang mangyari.”
•••
Bumalik na ako sa bahay at napahinga ng malalim. Nilagay ko ang paper bag sa lamesa at nag stretching. Napahinto ako ng lumapit sa akin si Theo.
Napakunot ang noo ko ng inaamoy niya 'yong leeg ko.
“What the heck?!” Agad ako napaatras. “Are you out of your mind?!”
“You smell like Clave. Naaamoy ko ang pabango niya sa'yo,” cold niyang sabi sa akin. “Akala ko ba kasama mo si Luca?”
“Eh kasi—”
“Malandi.”
“What did you say?” naiinis kong tanong.
“Am I not enough?! Bakit kailangan mo pa ng ibang lalaki?! Hindi pa ba ako sapat para sa'yo! Ilang ulit muna akong sinaktan?!” sigaw niya.
“Hoy! Hindi kaya ako nakikipaglandi! Kasalanan ko bang lapit ng lapit si Luca sa akin?!” inis kong sabi sa kanya.
“Kung ganun! Wag kang lumabas para hindi sila makalapit sa'yo!” inis niyang sabi sa akin.
“What?” Hindi ko pwede gawin 'yon. Paano nalang ang pag aaral ko? Siguradong babalik ako sa first year college pag tumigil ako ngayon.
“I promise.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Tuturuan kita sa mga lesson ng college. Basta dito ka nalang.”
Paano naman niya gagawin 'yon? Eh hindi pa nga siya nag college.
“Ayaw ko, hindi naman ako nakikipaglandi sa kanila, Theo. Bakit ba big deal na sa'yo 'yon?!” inis kong tanong sa kanya.
“Dahil mahal kita! Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung paano ka mailalayo sa kanila?!” sigaw niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. “Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko para lang mapalapit sa'yo! You always don't pay attention to me! Bakit?! Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin ako nagustuhan?!”
What the—
“Nababaliw ka na ba?! Magkapatid na tayo! Hindi mo ako pwedeng magustuhan!” sigaw ko.
“You said that before,” sabi niya habang nakayuko. Hindi ko makita 'yong mata niya dahil natatakpan ito ng bangs niya. “Ang sabi mo, hindi kita dapat magustuhan dati. Why? Why am i not allowed to love you, Iris?”
Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Ano bang pinagsasabi nito? Nagulat nalang ako ng bigla kong narealize ang sinabi niya.
“I-ikaw? Ikaw ang binasted ko dati?!” Napatakip nalang ako ng bibig dahil sa gulat. “No... way.”
“You already hurt me so much.” Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ito sa dibdib niya. “Just for once. Can you heal me? Can you give me the love that i want from you?”
“Hindi tayo pwede magkatuluyan,” seryoso kong sabi sa kanya.
Biglang sumeryoso ang tingin niya sa akin dahilan para mapahinto ako.
“Sinabi mo na 'yan dati. Ang sabi mo dati, hindi tayo pwede magkatuluyan dahil kailangan mo pa mag aral pero ngayon.... Hindi mo na ako pwede makatuluyan dahil kapatid na tayo! Ano pa bang dahilan ha?!” galit niyang sigaw. Nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. “Even if it's hurts so much seeing you with another guy. I still want you, kahit na parati mo akong sinasaktan.”
“P-pero Theo, hindi tama 'to,” alala kong sabi sa kanya.
Nagulat ako ng humigpit ang pagkakayakap niya sa akin, halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.
“Masama bang mahalin ka? Hindi ko naman kasalanan na naging ganito ako, I'm so inlove with you, Iris. So please.... Wag mo na akong saktan, mas lalo akong mababaliw.”
Tinulak ko siya, “Wala akong pake kung mahal mo ako. Dahil kahit kailan, Theo. Hinding-hindi kita mamahalin.”
Parang natigilan ito dahil sa sinabi ko. Hindi ko na hinayaan na magsalita siya at tumalikod nalang.
•••
Habang nag dra-drawing ako at nakasandal ako sa puno ay biglang may tumabi sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.
“Anong dinadrawing mo?” tanong niya sa akin.
“Anong kailangan mo?” tanong ko.
“Wala lang, gusto lang kita tignan,” nakangiti niyang sabi sa akin.
I rolled my eyes, “Alam kong may kailangan ka. Sinabi ko na sa'yo—”
“Hindi na ako nandito para agawin ka dahil kay Clave.” Napahinto ako at napatingin sa kanya. “Ikaw ang kailangan ko at wala ng iba, interesado ako sa'yo.”
“Lumayo ka sa akin,” seryoso kong sabi at umiwas ng tingin.
“Why?”
“Hindi mo alam, may palihim na nakatingin sa akin. Pwede ka nilang patayin,” ani ko.
He giggled, “Nag alala ka ba sa akin? Don't worry, hindi ako mamamatay.”
Napahinga ako ng malalim.
“Mas mabuti pang mag drawing ka nalang para may gagawin ka naman,” sabi ko at binigay sa kanya ang drawing book.
Ngumiti ito at kinuha ang ballpen ko. Tumingin na ako sa mga taong naglalakad.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay binigay na niya sa akin ang drawing book.
“Mauna na ako sa'yo, Iris. See you next time,” nakangiti niyang sabi sa akin bago umalis.
Napatingin ako sa drinawing niya at napahinto ako ng mapagtanto kong drinawing niya ako. Hindi ko akalain na marunong pala siya mag drawing.
Napangiti na lamang ako at tumayo na. Akmang aalis ako pero agad nag vibrate ang cellphone ko.
Agad ko ito tinignan at natigilan ako ng makita ang message ng unknown number.
'I killed him, ginawa ko 'to para sa ating dalawa. I won't reveal myself to you. But i swear, I'm gonna make you mine even if it turns me into a monster.... Kahit anong mangyari hindi mo pwedeng malaman ang totoo.'
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...