Chapter 9

607 39 4
                                    

Hindi ako makapagsalita, hindi ako makagalaw. Sobrang natatakot ako. Gusto kong humingi ng tulong, ngunit wala akong lakas para sumigaw.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.

“You have no idea how much i love you, Iris. I wish i can hug you forever~ I don't want to let you go~” Hindi pamilyar ang boses niya pero bakit sinabi ni Clave na nakakasama ko raw 'yong secret admirer ko.

“K-kilala ba kita?” kinakabahan kong tanong sa kanya.

“Someday, I will introduce myself to you, sweetie... But not now~ Geez, I don't want to let you go right now. But i have to... Wait for me my love~ don't fall inlove with other guy, because you can only fall for me~” malandi niyang sabi sa akin.

“I... I can't fall—” naputol ang sasabihin ko ng agad niya nilagay ang hintuturo niya sa labi ko.

“I don't take rejection, Iris. Alam mo 'yon.” Mas lalo akong natakot ng biglang sumeryoso ang tono ng pananalita niya. “I promise... If you love me, gagawin ko ang lahat ng gusto mong ipagawa sa akin. I will be a good boy just for you.”

“But what if hindi kita kayang mahalin?” seryoso kong tanong sa kanya.

“I swear, Iris. Hindi ka magiging masaya. I won't let you have a happy life.” I stunned.

“How could you.” He giggled.

“I can't wait to see you again, sweetie and when that day comes~ I won't let you escape.” Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at agad ko siya tinignan pero nawala na siya.

Napatingin ako sa paligid. Clave said na kasama ko raw ang secret admirer ko araw-araw. So, I'm sure, nag usap na kami pero bakit hindi pamilyar ang boses niya?

Parang hindi ko pa siya nakausap dati? Napaupo ako sa sahig habang hinahabol ang hininga ko. Bigla nalang nanlabo ang paningin ko and everything went black.

•••

Minulat ko ang mata ko at mga ilang segundo ang lumipas ay napagtanto kong nasa kwarto na ako.

Napaupo ako at napahawak sa ulo ko. I stunned when i saw 3 boys sitting in a chair while the 2 of them looking at me with a worried look while Theo is looking at me seriously.

“Clave, Tristan? Anong ginagawa niyo dito?” nagtataka kong tanong.

“Nakita ko kasing nahimatay ka—”

“Sinundan mo ba siya, Tristan?” mapaglaro na tanong ni Clave. “Ang weird lang kasi, dahil si Iris lang naman 'yong ka close mo. Kung ako ang nasa posisyon mo, siguro nagkagusto na ako sa kanya or obsessed na ako sa kanya.”

Nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Tristan, “Ikaw, paano mo nalaman na nahimatay si Iris?”

He giggled. Uhh, kakagising ko lang. Bakit ganito na agad ang bumungad sa akin?

“Nalaman niyo ng ayos na si Iris. Pwede na kayong umalis,” cold na sabi ni Theo habang hindi siya nakatingin sa kanila.

“Hindi pa ako aalis. Iris wants me here.” Hinawakan ni Clave ang kamay ko at nakita kong napatingin si Theo sa kamay naming magkahawak.

“Can you let go of my sister's hand?” Hindi pa rin nawawala ang seryoso sa pananalita niya. Blangko lang ang kanyang emosyon na tinignan ang kamay namin.

“Bakit naman? Ang sarap kaya sa feeling na mahawakan ang kamay ng crush mo.” Napahinto si Tristan sa sinabi ni Clave.

“C-crush mo?”

“Ayaw kong—” naputol ang sasabihin ni Theo ng agad sumabat si Clave.

“Why? Ikaw lang ba dapat ang pwedeng humawak sa kanya?” mapaglaro na tanong ni Clave. Tahimik lang si Theo at blangko lang ang ekspresyon na tinignan si Clave. “Oh, pwede bang manligaw sa kapatid mo?~”

“No! Hindi pwede!” sigaw ni Tristan dahilan para mapatingin kami lahat sa kanya.

“Bakit? Natatakot ka ba na kunin ko siya sa'yo?” Napailing nalang ako sa tanong ni Clave. He just making things worse.

Akmang magsasalita ako pero napahinto ako ng biglang may kumatok sa pinto at niluwa si mommy.

“Gising ka na pala, anak.” Lumapit siya sa akin at natahimik ang tatlo. Hinaplos niya naman ang buhok ko.

“T-takot po ba si Iris sa dugo?” tanong ni Tristan.

“Yes, since her father died. Takot na siya sa dugo,” malungkot na sabi ni mommy.

“Don't worry, tita. I can protect your daughter for the rest of my life,” nakangiting sabi ni Clave.

“You don't have to protect her,” cold na saad sa kanya ni Theo. “I can protect her by myself.”

“Oh really? Then where are you when Iris collapsed? Mabuti nalang at nakita siya ni Tristan,” nakangiting sabi ni Clave.

Nakita kong napakuyom ng kamao si Theo at masamang tinignan si Clave. Mukhang napansin yata ni mommy.

Tumikhim naman si mommy, “Nagugutom na ba kayo? Nakahanda na 'yong pagkain sa ibaba.”

“Ah… guys, kain na tayo.” Tumayo na ako. Lumapit naman sa akin si Tristan. Halata sa mukha niya na nag alala ito.

“Ayos ka na ba talaga, Iris? Baka gusto mo pang magpahinga muna?” Napangiti ako.

“Oo, ayos lang ako. Wag ka na mag alala.” Napamewang ako. “Malakas kaya ako.”

“Aww~ ang sweet naman, wag mo naman ako paselosin, Iris. Ang sama mo,” nakapuot na sabi ni Clave.

Napangiwi nalang ako sa inasta niya.

•••

Ng tapos na kami kumain ay hinatid ko na si Clave at Tristan sa labas. Umuna na si Clave at nanatili si Tristan dahil may sasabihin pa siya sa akin.

“Iris…”

“Yes?”

“I know we're just friends... But, you're mine, Iris. Ayaw kong makipagkaibigan ka sa iba, gusto ko akin ka lang... Ayaw kong ipahiram ka sa iba,” seryoso niyang sabi sa akin.

“Umm…”

Niyakap niya naman ako.

“I'm sorry, If I'm selfish. Natatakot lang ako na baka iwan mo ako.” Naintindihan ko naman siya, dahil wala na siyang ibang friends kundi ako lang. 

I smiled, “Wala kang dapat ipag alala, Tristan. Hindi kita iiwan, you're my bestfriend after all.”

Kumalas na siya sa pagkakayakap at nagulat ako ng hinalikan niya ako sa pisnge, he smiled warmly bago umalis.

“What.… was... that?” Napahawak ako sa pisnge ko. 

“Ang tigas talaga ng ulo mo, Iris.” Napahinto ako ng marinig ko ang boses na 'yon.

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon