Chapter 12

498 28 4
                                    

Kaya pala sabi ni Xandra na layuan ko si Theo dahil boyfriend niya pala ito at mukhang nagselos yata siya.

Ah gets ko na. Ngumiti ako.

“Maiwan ko muna kayo,” nakangiti kong sabi sa kanila bago sinara ang pinto.

Kung saan masaya si Xandra, susuportahan ko siya. Bumaba na ako, at nakita kong nagkamalay na si Ronaldo.

“Mommy, pupunta lang po ako saglit sa bahay ng classmate ko. Doon kami gagawa ng project,” paliwanag ko sa kanya.

“Pwede bang absent ka muna bukas, anak? May emergency kasi.” Napahinto ako sa kanyang sinabi.

“Anong emergency ba 'yon?” tanong ko.

“Kailangan ko munang mailayo 'yong daddy mo. Dahil ang last na sinabi ng killer is papatayin niya raw ang daddy mo sa pagbalik niya.” Napakuyom nalang ako ng kamao.

“Pinoprotektahan mo siya, pero samantalang 'yong totoong daddy ko. Hindi? My daddy is receiving a dead threat back then, but what did you do? You do nothing,” seryoso kong sabi sa kanya.

“Iris, pagtatalunan pa ba natin 'to?” Hindi na ako nagsalita at lumabas nalang sa bahay.

Kahit rinig kong tinatawag niya ako, hindi ko na siya pinansin pa.

Napahinto ako ng may nabangga akong lalaki. Napatingin siya sa akin at ewan ko ba? Parang nag slow motion 'yong paligid.

“Ah sorry.” Hindi na ito nagsalita at nilagpasan nalang ako.

Tsk, hindi man lang nag sorry. 

•••

Napabuga ako ng hangin at akmang kakatok sa pinto pero napahinto ako ng bigla akong may narinig na sumigaw.

“Salot ka! Sana hindi ka nalang nabuhay! Wala kang kwenta!” Mama yata 'yon ni Tristan? “Mamatay ka na!”

Napaatras ako habang hindi ko maitago sa mukha ko ang pagkagulat. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napagdesisyunan na sa bintana ako dumaan.

Ng makapasok na ako sa kwarto ni Tristan ay nakita kong nakaupo siya sa sahig habang nakasandal ang likod niya sa pader at tinakpan niya ang dalawang tenga niya gamit ang kamay niya.

“Buksan mo 'tong pinto! Bwesit ka!” sigaw ng mama niya.

Agad ako lumapit sa kanya at tinakpan rin ang tenga niya.

“Don't worry, Tristan. I'm here, hindi na kita iiwan ulit.... I'm sorry, I'm really sorry,” malungkot kong sabi sa kanya.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay tumigil na sa kakasigaw ang mama niya. Akmang kakalas na ako sa pagkakayakap pero nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit.

“Pakiusap.... W-wag muna ako iwan ulit..... N-natatakot ako, Iris. Tulungan mo ako,” takot niyang sabi sa akin.

“Nandito na ako, Tristan. Hindi ka na dapat matakot pa.” Kumalas na siya sa pagkakayakap, hindi ito umiyak at nakatingin lang ito sa mata ko.

Bumaba 'yong tingin niya at huminto sa labi ko. Mga ilang segundo pa ang lumipas ay dumistansiya na siya sa akin. Nakaupo siya habang yakap na yakap ang tuhod niya.

Hindi ko inaasahan na ganyan 'yong mama niya. Akala ko pa naman ay mabait 'yong mama niya.

“Don't look at me,” cold niyang sabi sa akin.

“Bakit naman?” tanong ko. 

“Nahihiya ako, Hindi mo dapat ito nakita.” Napayuko ito. Hinaplos ko naman 'yong buhok niya.

“It's okay, Tristan. Hindi naman magbabago ang pagtingin ko sa'yo,” mahinahon kong sabi sa kanya.

Inalis na namin ang kamay namin sa pagkakahawak sa tenga niya.

“I'm sorry dahil natuklasan mo pa 'to,” sabi niya habang hindi nakatingin sa akin.

“You don't have to apologize, parati ka bang sinasaktan ng mama mo kapag wala kang bisita?” tanong ko sa kanya.

“Yes.”

“Bakit ka naman niya sinasaktan?” tanong ko sa kanya. Nakita kong napakuyom ito ng kamao. “It's okay, kung hindi mo kayang sabihin sa akin.”

“She force me to have s*x with an old woman just for money.” Halos malaglag 'yong panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat ako sa nalaman ko. Nakita kong tumulo 'yong luha niya. “Gusto ko 'yong taong papakasalan ko lang ang tanging makakahawak sa akin. Hindi ko naman ginusto 'yon, hindi ako makalaban. Wala akong sapat na lakas para labanan sila.”

“T-tristan...” Napatingin siya sa akin at parang nagpapanic ito. Hinawakan niya ang balikat ko.

“Hindi mo ako iiwan, diba?! You're the only one... I have, natatakot akong iwan mo ako, Iris.”

“Don't worry, Tristan. Hindi kita iiwan, wala naman akong planong iwan ka,” mahinahon kong sabi sa kanya.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hinayaan ko lamang siya, naintindihan ko naman siya eh.

•••

I tried my best para pumayag siyang tumira sa bahay ko ngunit ayaw niya talaga. Sabi niya mas lalo pa raw gugulo ang lahat kung titira siya sa bahay namin.

Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Theo. That cold look again. Napahinga ako ng malalim at akmang lalagpasan siya pero napahinto ako ng agad siya nagsalita.

“Saan ka pumunta?” tanong niya sa akin.

“Sa bahay ni Tristan.” Nakalimutan ko na tuloy gumawa ng project sa bahay nila.

“Bakit ka ba pumunta doon? Alam mo naman siguro na delikado ng lumabas, hindi ba?” Seryoso ko siyang tinignan.

“Tristan needs me—”

“And i need you too! Iris!” Napahinto ako sa kanyang sinabi. “How many times do i have to say this just you to understand?!”

After he said those words ay umalis na siya. Napatampal nalang ako ng noo, nakalimutan kong makikipagbati na pala ako sa kanya.

Stupid me...

•••

Kumatok ako sa pinto, hindi siya nagsalita kaya agad na ako pumasok. Nakita ko siyang nakahiga sa kama habang nakapikit ang mata.

I know he's still awake.

“Theo.” Ilang minuto ang lumipas. Hindi pa rin siya nagsalita. Napabuntong hininga nalang ako. “I'm sorry, kung nagalit kita kanina. Dahil ito kay mommy, na stress lang talaga ako. Kaya, hindi ako nakapag paalam sa'yo at kailangan ko rin kasi ng tulong ni Tristan para sa project and he needs my help too.” Pagsisinungaling ko.


Mga ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin siya nagsalita, kaya akmang aalis na ako pero napahinto ako ng agad niya hinawakan ang wrist ko. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na siya sa akin ng seryoso.

“Layuan mo si Xandra, binabalaan kita.” Nangunot ang noo ko.

“Huh? Bakit naman?” tanong ko.

“Hindi mo pa siya masyadong kilala. Wala ka pang alam sa kanya,” seryoso niyang saad sa akin. “Napakadelikado niya, Iris.”

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon