Agad bumukas ang pinto at agad lumapit sa akin si Theo.
“What happened?” tanong niya.
Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Agad ko siya niyakap at humagulgol na sa pag iyak.
“Si mommy! Pinatay si mommy!” sigaw ko.
Niyakap niya naman ako pabalik, “Shhh calm yourself first, Iris. Aayusin ko 'to.”
Kumalas ako sa pagkakayakap. Hindi ko na pinansin ang pag flashback ng nangyari kay daddy.
“A-anong gagawin ko, Theo?! Wala na si mommy at wala na rin si daddy! Anong gagawin ko?!” Nakita kong nag alala na ito. Hinila niya ako at niyakap ulit, ramdam ko ang kamay niyang nakahawak sa likod ng ulo ko at 'yong isang kamay niya ay hinahaplos ang likod ko.
“Nandito lang ako, Iris. Hinding-hindi kita iiwan. I promise, aalagaan kita,” alala niyang sabi sa akin.
Kumalas na ako sa pagkakayakap at tumayo. Muntik pa akong matumba, mabuti nalang at nagawa ko pang ayusin ang pagtayo ko.
“K-kailangan kong mahanap 'yong pumatay sa mga magulang ko!” Akmang aalis ako pero agad niya hinarangan ang dinadaanan ko. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Alis! Umalis ka! Papatayin ko 'yong halimaw na 'yon!”
“Wag kang padalos-dalos, Iris! Dahil hindi mo matatalo ang killer na 'yon! Kung hindi ka mag iisip ng paraan!” sigaw niya sa akin. Napaupo ako sa sahig.
“Hindi ko pwedeng hayaan na unti-unti niyang patayin ang mga taong mahal ko—” Wait? Binantaan ako noon ni Luca na kapag hindi ako makipag date sa kanya. Papatayin niya 'yong mga taong mahal ko?
“Iris, what's wrong?” alala niyang tanong.
“W-wala.” Wala akong pake kung kapatid niya si Clave. Kapag nalaman ko na siya 'yong pumatay sa mommy ko. Papatayin ko talaga siya.
Why are they doing this to me?! Damn it!
•••
“Hindi muna ako kailangan ihatid pa,” sabi ko sa kanya.
“Sinisigurado ko lang na ligtas ka,” sabi niya sa akin. Hinawakan niya 'yong balikat ko. “Umuwi ka kaagad, okay? Wag na wag kang lalapit sa kanila.”
Napatango ako. Napahinto ako ng agad niya ako hinalikan sa noo, bago umalis.
Ng mahimasmasan na ako ay agad ko hinanap si Luca, at ng makita ko siya na kausap si Clave ay agad ko siya hinila.
Ng makalayo-layo na kami ay binitawan ko siya.
“Iris, what's wrong?” natatawa niyang tanong. “Are you going to confess your feelings to me?”
“Wala akong panahon makipagbiro sa'yo. Tell me, ikaw ba ang pumatay sa mommy ko?!” Napahinto siya sa aking tanong.
“Oh, so ginawa na niya.” He chuckled at napailing pa ito. “Hindi ako makapaniwala.”
“K-kilala mo ang killer?” kinakabahan kong tanong.
“Kahit na alam ko, I won't tell you.” Aalis na sana siya pero agad ko hinawakan ang kamay niya.
“Pakiusap, sabihin mo sa akin kung sino ang killer! Nakikiusap ako sa'yo!” Nagulat ako ng agad may humila sa akin.
“What are you doing? Diba sinabi ko na sa'yo na lumayo ka sa kanya,” cold na sabi ni Clave.
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...