Chapter 8

662 35 5
                                    

“Oh... okay?” Umupo ako sa tabi niya at may nilagay siya na earphone sa tenga ko and he played the song 'Say you won't let go'

“Napapansin kong mahilig ka sa music, do you know how to sing?” I asked.

“No, I only play instrument.” Napatingin siya sa akin. “Ikaw, marunong ka ba kumanta?”

“Hindi, baka umulan pag kumanta ako?” He chuckled dahil sa sinabi ko. “Bakit mo pala gusto akong makasama, Tristan?”

Akala ko hindi siya mahilig makipaghalubilo sa mga tao. Napaiwas ito ng tingin and i saw his ears turning into red.

“I just want to see you.… Hindi ko alam, pero parati na kitang hinahanap.” Napahinto ako sa kanyang sinabi. “Siguro, dahil ikaw lang 'yong nandyan para sa akin at ikaw lang 'yong taong lumapit sa akin with a good intention.”

“Chaka nga pala, bakit parati kang nagsusuot ng jacket? Hindi ka ba naiinitan?” He stunned.

Napangiti ito, pero bakit parang may mali sa ngiti niya?

“Wag munang pansinin ito,” mahinahon niyang sabi sa akin.

Ang weird lang kasi, parati ko rin siyang nakikitang walang energy at parang mahihimatay na ito. At 'yong boses niya, medyo mahina.

“Nag alala lang ako sa'yo.” Hinawakan ko naman 'yong likod niya. “Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. Whenever you want.” 

He nod, “Hey Iris.… Can you promise me?”

“Promise what?”

“That no matter what happened, you won't leave me... Alam mo bang ikaw lang 'yong meron ako,” sabi niya. He looked at me dahilan para mapahinto ako. “Naramdaman ko ang hindi ko pa naramdaman dati dahil sa'yo, Iris. Pinasaya mo ako kahit sa kunting oras.”

I smiled, “Hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap. But I'll try as best as i can to not leave you and i don't have a reason to leave you, so don't worry.”

“Pero paano kung malaman mo ang rason kung bakit kailangan mo akong iwan?”

“Huh?”

“Paano kung may nalaman kang hindi maganda tungkol sa akin?” tanong niya. “What if you find out that I'm a bad person, Iris? What will you do? Hindi mo pa rin ba ako iiwan? Mananatili ka pa rin ba sa akin?” 

“Ano bang klasing tanong niyan?” Napahinga lang ito ng malalim.

“Hindi muna kailangan sagutin. Alam ko na ang sagot mo,” sabi niya sa akin.

Napangiti ako, “Wag mong isipin na iiwan kita, Tristan. Alam mo bang gustong-gusto kita.”

Nagulat siya sa sinabi ko at nakita kong namumula na ang pisnge at tenga niya. Nangunot ang noo ko, ayos lang ba siya?

Tumayo siya, at sinundan ko lang siya ng tingin.

“M-may pupuntahan pa pala ako,” mahina niyang sabi sa akin.

Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na siya tumakbo. Anong nangyari do'n? Napatingin ako sa cellphone na naiwan niya. Napabuga na lamang ako ng hangin.

“Naiwan pa niya 'yong cellphone niya.” Kinuha ko ito at lumabas na.

Pumunta na lamang ako ng classroom. Hindi na ako pumunta ng library, baka kasi mag ring na 'yong bell, lagot talaga ako kay sir kapag na-late akong pumasok sa klasi niya. 

•••

Nag stretching naman ako at nagsimula na kaming maglakad.

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon