“Bitawan mo ako! Nasasaktan ako, Xion!” sigaw ko habang hilang-hila niya ako.
Ng makapasok na kami sa basement ay agad niya nilock ang pinto. Binitawan na niya ako at tinali na naman 'yong paa at kamay ko.
Nakaupo ako sa sahig habang masama siyang tinignan.
“Don't look at me like that, sweetie. It's your fault for trying to escape,” sabi niya. Tumalungko ito para mapantayan ako. “Tandaan mo, Iris. Hindi ako titigil hanggang sa hindi kita magiging akin.”
“Ibalik mo 'yong dating Xandra na nakilala ko!” sigaw ko.
“Tumahimik ka! She doesn't exist!” sigaw niya na dahilan ng ikinahinto ko. “It was all just an act! Just accept the fact that I'm a boy, Iris! Hindi naman talaga ako magpapanggap kung mahilig ka makipagkaibigan sa mga lalaki noon!”
“I'm sorry! Please! Just let me go! Walang magbabago, Xion! You're just making things worse!” sigaw ko sa kanya. He stunned dahilan para mapatikom ako ng bibig.
Napatingin ako sa kanya ng hindi siya nagsalita. Nagulat ako ng hinawakan niya ang baba ko at hinalikan ako. Nakamulat lang ang mata niya at blangko lang akong tinignan habang hinahalikan niya ako.
Hindi ko siya matulak dahil nakatali 'yong kamay ko. Nagulat ako ng kinagat niya 'yong labi ko.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay tumigil na siya. Hinabol ko naman 'yong hininga ko.
“Hindi lang 'yan ang maaabot mo, kapag sinubukan mo pang tumakas,” seryoso niyang sabi sa akin.
Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya. Rinig kong nilock niya ang pinto.
Xion is really a man.
•••
Bumukas na ang pinto at napahinto ako at tinignan siya. May dala siyang mga bag at nilagay ito sa tabi. Nilock na niya ang pinto at lumapit sa akin.
Tumalungko siya at napaatras ako kunti. Natatakot ako sa kanya, hindi na siya 'yong dating kaibigan na nakilala ko. I can't imagine seeing him like this.
“I'm sorry,” he said. Akmang hahawakan niya 'yong labi ko pero agad ako umiwas. “If hindi ka lang nagtangkang tumakas kanina. Hindi sana mangyayari 'to.”
Napaiwas ako ng tingin, “Sigurado ako kapag ikaw 'yong magiging boyfriend ko, hindi tayo magtatagal.”
Napahinto siya dahil sa sinabi ko.
“Iris, wala namang mangyayaring masama sa'yo, kung hindi mo ako iiwan.” Sinamaan ko siya ng tingin.
“So, kasalanan ko pa?” He giggled.
“Wala akong pake kung hindi mo ako mamahalin ngayon,” nakangiti niyang sabi sa akin. Seryoso ko lang siyang tinignan. “If i kill your mom, mamahalin mo na ako ng ikaw lang 'yong nagdesisyon.”
Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.
“Wag mong saktan 'yong mommy ko! Papatayin kita!” inis kong sigaw sa kanya.
Hinawakan niya naman ang ulo ko at nilapit ang mukha niya sa akin. Napakuyom nalang ako ng kamao.
“Diba sinabi ko na sa'yo na hindi kita hahayaan na patayin ako,” seryoso niyang saad sa akin. Napaatras naman ako. “Hindi ako papayag na mamatay ako, Iris. Hanggang sa hindi kita nakukuha.”
Umupo siya sa sahig at tinignan ako. Hindi ako komportable.
“Stop looking at me,” seryoso kong sabi sa kanya.
“I can't help it, gusto kong nakikita kita,” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Ano bang meron sa akin na nagustuhan mo?” tanong ko.
“Pinaniwala mo ako no'n na mahal mo ako.” Napahinto ako sa kanyang sinabi. “Nung hindi mo pa ako iniwan, nahulog na ako sa'yo.”
“Huh?” Ano bang pinagsasabi nito?
“Ikaw lang 'yong lumapit sa akin. Ikaw lang 'yong nakausap ko, nakasama, at ikaw lang 'yong taong kaya akong patawanin.... Akala ko mahal mo ako dahil ang sabi mo mahal mo ako,” cold niyang sabi sa akin. Sumeryoso ang tingin niya dahilan para mapahinto ako. “Pero pinapaasa mo lang pala ako, Iris... Akala mo babae ako. Kaya nilapitan mo ako, pero nung nalaman mong lalaki ako. Bigla mo nalang akong iniwan.”
Uhh... Ang sabi kasi ni daddy dati. Wag raw ako makipag friends sa mga lalaki. Dahil hindi lahat ng lalaki ay mabuti meron na nagpapanggap na mabuti kaya i should not trust boys.
Naintindihan ko naman si daddy, dahil pinoprotektahan niya lang ako.
“I'm sorry, kung ano man 'yong nagawa ko dati. Sana mapatawad mo ako,” malungkot kong sabi sa kanya.
“It's too late, Iris. Mahal na kita... Hindi muna kailangan mag sorry. Wala naman rin magbabago kahit na mag sorry ka, ang gawin mo nalang ngayon is mahalin ako,” seryoso niyang sabi sa akin.
“Sinabi ko na sa'yo—”
“Hindi mo pa nga nasubukan eh!” sigaw niya dahilan para mapahinto ako. Napatawa ito. “Ano naman ang pake mo kung masaktan mo ako? Sinaktan mo na ako dati pa, ilang taon muna akong sinaktan! Tapos ngayon ka pa mag alala na baka masaktan mo ako?! You already hurt me so much!”
Hindi lang ako nagsalita at umiwas nalang ng tingin. Kailan pa ba sila darating? Mahahanap ba nila ako?
“Hey Iris, look at me.” Hindi lang ako tumingin sa kanya. “Bakit hindi mo kayang tumingin sa akin? Bigyan mo naman ako ng pansin, I want your love. I need you, Iris.”
Nagulat ako ng biglang nasira ang pinto at nakita ko si Theo.
“T-theo?”
“P-paano mo kami nahanap?” tanong ni Xion.
“Diba sinabi ko na sa'yo na layuan mo si Iris,” seryosong sabi ni Theo.
“Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi mo nga kayang lumayo sa kanya! You love her so much, right?!” Napahinto ako sa kanyang sinabi. Tumawa naman siya. “Pero hindi kayo pwedeng magkatuluyan dahil kapatid mo na siya hahahaha!”
“I will take Iris away from you.” Napahinto si Xion sa sinabi ni Theo. Napatampal nalang ako ng noo.
Bakit niya agad sinabi 'yon? Napahinto ako ng may kinuha si Xion na kutsilyo sa bag niya.
“Diba sinabi ko na sa'yo na kapag hindi ka pa sumuko kay Iris, papatayin kita,” seryosong sabi ni Xion at tumayo. “Gusto mo talagang mamatay, Theo. Fine! Your wish is my command.”
“Sa tingin mo hindi kita kayang patayin?” Napatingin sa akin si Theo. “I can kill you just for her.”
Napalunok ako ng laway. Mukhang hindi nga sila nagbibiro. A-anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...