Chapter 15

530 30 2
                                    

Pilit kong tinatanggal ang tali sa kamay at paa ko. Ngunit ang higpit ng pagkakatali niya, hindi ko matanggal.

Biglang bumukas ang pinto kaya umupo ako ng maayos. He smiled when he looked at me.

“Hinahanap ka na nila,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Pakawalan muna ako dito, Xion! You can't do this to me?! Alam mong hinahanap ko pa 'yong pumatay sa daddy ko! Kaya pwede ba?! Stop being so selfish!” galit kong sigaw sa kanya.

“Pwede bang kalimutan mo nalang 'yan?” cold niyang tanong sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. He asked me to forget that?! Hindi ba siya nag iisip?! “Stay here forever, Iris. Kaya kitang alagaan ng ako lang mag isa, kalimutan mo na 'yan. Sigurado akong mahihirapan ka once na mahanap mo na 'yong killer.”

Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi, “Kilala mo kung sino ang killer?”

He smirked. Tumabi siya sa akin, at mapaglaro lang akong tinignan.

“I promise—”

“I know you won't keep your promise, Iris,” seryoso niyang sabi sa akin.

“Then, anong kailangan kong gawin para sabihin mo sa akin kung sino ang killer?” Hindi lang ito nagsalita at napakagat nalang ako ng labi. “Geez! Bakit hindi niyo nalang sabihin sa akin?!”

“Niyo? So it means may isa pa na nakakaalam? May hindi ka pa sinasabi sa akin, Iris,” seryoso niyang sabi sa akin.

Napaiwas ako ng tingin. Papatayin niya ba si Clave kapag sinabi ko sa kanya?

Hindi niya pwedeng malaman.

“Bakit ba hindi mo kayang sabihin sa akin, Xion?”

“Naawa lang ako sa kanya. Once na malaman mo kung sino ang pumatay sa papa mo. Siguradong pagsisihan mo na nalaman mo,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Naawa?” Napatingin ako sa kanya. “Sa akin ba, Xion? Naawa ka ba sa akin?! Ang sabi mo tutulungan mo ako! Ang sabi—”

“Humans can lie, Iris.” Natahimik ako sa kanyang sinabi. “Oh, muntik ko ng makalimutan. Halimaw na pala ako.”

“At proud ka pa talaga?!” inis kong sabi sa kanya.

“Of course, dahil ikaw 'yong dahilan kung bakit ako naging halimaw.” Napaiwas ito ng tingin. “You're the reason why I'm a killer.”

“Please stop this, Xion. Bago pa huli ang lahat,” alala kong sabi sa kanya.

“Huli na ang lahat para sa akin, kung wala ka na sa tabi ko, Iris. All i need is you. Wala na akong ibang hinihiling pa, can you please give me want i want? I promise, I will love you for the rest of my life.” Napalunok ako ng laway. Kahit naman tumanggi ako, hindi niya pa rin tatanggapin ang katotohanan na hindi ko siya mamahalin. “You can learn to love me, Iris.”

“You know that may kailangan pa akong asikasuhin at wala akong planong magka boyfriend, dahil kailangan ko pang hanapin ang pumatay sa daddy ko,” sabi ko sa kanya. “Please, Xion. Leave me alone.”

Nagulat ako ng agad niya ako tinulak at napahiga ako sa kama. Sa isang iglap ang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

“But I don't want to leave you alone, Iris. Gusto kitang makita araw-araw, hindi ko kakayanin na hindi kita makita. Alam mo bang parati kitang tinitigan habang natutulog ka? Hindi nga ako natutulog para lang makita kita,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Baliw ka na!” sigaw ko sa kanya.

“Kasalanan mo,” seryoso niyang sabi sa akin.

“What?” Bakit naman kasalanan ko?

“I was alone back then. You left me alone! Just because I'm a boy! Hindi ka na lumapit sa akin!” Napahawak siya sa dibdib niya habang malungkot akong tinignan. “You're my first love, pero ikaw rin ang unang nanakit sa puso ko. I want to hate you dahil sinaktan mo ako, pero hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin. Hindi kita kayang kamuhian.”

“I-i'm sorry—”

“Bakit ka nagso-sorry? Kahit magpanggap ka nalang na mahal mo ako. Ayos na sa akin 'yon.” Hinawakan niya 'yong kamay ko. “I really love you so much, Iris. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Alam mo bang parati nalang akong binabangungot. Iiwan mo raw ako, sasama ka raw sa ibang lalaki. I swear, Iris. I will kill them all. Papatayin ko ang sino mang lumapit sa'yo! Lalaban ako, Iris. Para sa ating dalawa.”

“Sinisira mo lang 'yong buhay mo, Xion,” alala kong sabi sa kanya.

“Kung kailangan kong sirain ang buhay ko para lang maging akin ka, Gagawin ko,” seryoso niyang sabi sa akin. Akmang magsasalita ako pero agad niya ako inunahan. “Walang saysay ang buhay ko kung hindi ka magiging akin, Iris.”

Nilapit niya naman ang mukha niya sa akin.

“So pwede bang wag mo ako iwan?”

“Alam mo naman—”

“Mababaliw ako, Iris. Wag mong hintayin na mas lalo akong mabaliw,” seryoso niyang sabi sa akin. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay. Ikaw lang 'yong mahal ko. Ikaw lang 'yong iniisip ko, kaya pakiusap. Mahalin mo ako.”

“Hindi ko talaga kaya, Xion. Friend lang talaga ang turing ko sa'yo. Ayaw kong magpanggap. Mas lalo ka lang masasaktan kung magpapanggap ako,” alala kong sabi sa kanya.

“Lahat ginawa ko na! Ano pa bang kailangan kong gawin ha?! Takot ako! Takot na takot! I already killed many people just for you!” Napasabunot siya sa buhok niya. “Pero may umaagaw pa rin sa'yo.”

“Do you think kung magpanggap ako na gusto kita?! Magiging masaya ka?! Sa tingin mo ba magiging masaya ka na makita akong nagpapanggap na mahal ka?!” sigaw kong tanong sa kanya.

Umalis siya sa pagkakapatong sa akin at napaupo ako.

“Stop! Ayaw kong marinig 'yan?!” sigaw niya. Tinakpan niya naman ang tenga niya gamit ang dalawang kamay niya, dahilan para mapahinto ako.

Parang tuluyan na nga siyang nabaliw. Hindi siya nagsalita at lumabas na sa kwarto. Nagulat ako ng biglang nag ring ang cellphone ko.

Shit! Kailangan kong humingi ng tulong. Gumalaw ako at napahiga ako sa sahig. Lumabas 'yong cellphone ko sa bulsa at sinubukan ko lahat ng aking makakaya para mapindot 'yong green button.

At ng mapindot ko ito ay agad ako nagsalita.

“Tulungan mo ako, n-nasa bahay ako ni X-xandra—” naputol ang sasabihin ko ng agad tinapakan ni Xion ang cellphone ko.

Nanginginig 'yong buong katawan ko sa takot. Katapusan ko na ba?

“Sinusubukan mo talaga ako... Iris.”

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon