Chapter 32

377 18 2
                                    

Nakauwi na kami sa bahay. Hindi na ako nagtanong kung sino ang pumatay sa daddy ko dahil alam ko naman na hindi niya ako sasagutin.

Napahinto ako ng may kumatok at niluwa si Ronaldo. Lumapit siya sa amin at niyakap si Theo.

“Kamusta ka na, anak? Wala bang nangyaring masama sa'yo dito?” tanong ni Ronaldo.

“Wala po,” cold na sabi ni Theo.

Napatingin sa akin si Ronaldo at nginitian ako. Seryoso ko lang siyang tinignan.

“Ikaw, Iris. Kamusta ka na?” mahinahon niyang tanong sa akin. “Ikinalulungkot ko ang nangyari sa mama mo.”

“Dapat lang, kasi wala kang ginawa kundi magtago,” cold kong sabi sa kanya.

Wala akong pake kung nakatingin sa akin si Theo. Naiinis ako dahil nung nasa peligro si mommy nasa america siya, nagtatago.

“I'm sorry, kung alam ko lang na mangyayari 'to. Sana hindi na ako nagpunta sa america,” malungkot niyang sabi sa akin.

“Pupunta lang muna ako sa kwarto, maiwan ko muna kayo,” seryoso kong sabi sa kanya bago umalis.

•••

Napatingin ako sa pinto dahil bigla itong bumukas. Lumapit sa akin si Theo at tumabi sa akin. Nakahiga kami ngayon habang ako ay nakatuon sa cellphone ko, habang siya ay nakatingin sa akin.

“I want to see your smile,” sabi niya sa akin. Hindi lang ako nagsalita at nakatuon lang ang atensyon ko sa cellphone ko.

Kinuha niya ang cellphone kaya inis ko siyang tinignan.

“Ano ba?!”

“Ayaw kong mag focus ka sa cellphone mo. Sa akin ka lang dapat mag focus,” sabi niya sa akin.

Akmang kukunin ko na 'yong cellphone ko pero agad niya ito tinapon. I rolled my eyes.

“Matutulog na ako!” irita kong sabi sa kanya.

Tumalikod na ako at pinikit ang mata. Sana pag gising ko, masamang panaginip lang 'to lahat.

Niyakap niya naman ako dahilan para mapahinto ako.

“Papasok ka na sa school bukas. Stay away from them,” seryoso niyang sabi sa akin. Hindi lang ako nagsalita.

•••

“D-don't leave... me.... B-bakit ka lumalayo?” Minulat ko ang aking mata dahil sa narinig kong may nagsalita sa likod ko.

Napatingin ako sa kanya parang hindi yata maganda ang panaginip niya.

“Hoy gising,” cold kong sabi sa kanya.

“I-iris.... Nakikiusap ako.... W-wag... mo ako... iwan.” Napahinto ako sa kanyang sinabi. Medyo nagulat ako ng may tumulo na luha sa kanyang pisnge.

“Gumising ka, Theo.” Niyugyog ko siya at dahan dahan niya minulat ang kanyang mata at tinignan ako.

Nagulat ako ng niyakap niya ako. Biglang bumukas ang pinto dahilan para mapatingin ako sa nagbukas at napahinto ako ng makita ko si Ronaldo.

“Uhh... Nakahanda na 'yong pagkain,” nakangiti niyang sabi sa akin. Umalis na siya pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon.

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon