Chapter 27

365 25 3
                                    

6:40 na ng gabi. Masama ko lang siyang tinignan habang nililinis niya ang paligid.

“Take a bath, magluluto na muna ako,” sabi niya sa akin. Tumalikod na siya.

“Tsk.” Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatanggi sa kanya para kasing totoo ang sinasabi niya.

Napahinto siya sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako para akong naestatwa ng seryoso siyang tumingin sa akin.

“May pupuntahan pala ako mamaya,” seryoso niyang sabi sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Hindi muna kailangan malaman.”

“Bawal.” Tinignan niya lang ako. Napapuot naman ako. “Are you going to leave me here? I don't want you to leave.”

Napaiwas ito ng tingin at dahan-dahan namula ang kanyang pisnge.

“Don't say that again,” sabi niya sa akin at tumalikod na.

Nakita kong namumula ang kanyang tenga. Napahinga nalang ako ng malalim.

“Babalik rin ako,” sabi niya sa akin.

“Pwedeng sumama?” tanong ko.

Sumeryoso naman 'yong tingin niya sa akin.

“Hindi pwede.”

“Hala bakit? Ang unfair naman!” Nagulat ako ng sa isang iglap ay agad siya nakalapit sa akin at ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

“I'm not weak, Iris. I'm stronger than you think, hindi ako mapapanatag kapag may mangyaring masama sa'yo.” Tumingin siya sa akin at hinawakan ang pisnge ko. “You're precious to me. I don't want to hurt you. So please, obey me.”

•••

Napahinto ako sa ginagawa ko ng biglang may kumatok sa pinto. Ang aga niya ngang umuwi. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

“Theo, may binili ka ba—” pinutol ko na ang sasabihin ko ng marealize kong hindi ito si Theo. “Tristan? Anong ginagawa mo dito?”

“Si Theo pala 'yong hanap mo, hindi ako,” malungkot niyang sabi sa akin.

“No, akala ko kasi si Theo. Umalis kasi siya kanina at hindi ko inaasahan na bibisitahin mo pala ako rito,” nakangiti kong sabi habang napakamot sa batok.

“I miss you so much, bakit ba minsan nalang tayo nag uusap?” tanong niya sa akin.

“Ah si Theo kasi—” Nagulat ako ng niyakap niya ako.

“I want to see you so badly. Gusto kong magkasama tayo araw-araw,” malungkot niyang sabi sa akin.

“T-tristan?”

“Feeling ko lalayo ka na sa akin balang araw. I don't want you to leave me, I want you mine and mine only. Ayaw kong nakikitang kasama mo si Theo. Minsan nagseselos na ako dahil parati mo nalang siyang nakakasama.”

“Tristan, kapatid ko si Theo. Hindi mangyayari ang iniisip mo.” Hinaplos ko 'yong buhok niya, para siyang bunsong kapatid ko.

•••

“Here's your coffee,” nakangiti kong sabi sa kanya at nilagay ang coffee sa lamesa.

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon