Umupo ako sa kama at nginitian siya. Napakunot naman 'yong noo niya.
“Don't worry, Theo. Support ko kayo ni Xandra.” Napaupo siya at seryoso lang akong tinignan.
“Ano naman 'yang pumasok sa isip mo?” Tinapik ko 'yong balikat niya.
“Stay strong sa inyong dalawa.” Napahinga ako ng malalim. “Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa matanda—”
“Paano mo nalaman?” tanong niya sa akin.
Hindi ba halata?
“From now on, magpapakabait na ako sa'yo. I will treat you as my real brother—”
“No, hindi pwede,” cold niyang sabi sa akin.
“Galit ka ba? Dahil sa pagtrato ko sa'yo dati? Sorry na, okay? Promise, hindi na mauulit,” mahinahon kong sabi sa kanya.
“Pero ayaw ko maging ate kita,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.
“Kung ayaw mo ako maging ate, bakit mo hinayaang magkatuluyan si Ronaldo at 'yong mommy ko?” Hindi lang ito nagsalita at cold lang akong tinignan. Napahinga nalang ako ng malalim. Kumalma ka lang, Iris. Nandito ka para makipagbati sa batang 'to. “Ayaw mo bang maka close ako? Ayaw mo ba talaga sa akin?”
“Gusto kita, Iris. Gustong gusto.” Napakurap ako sa sinabi niya. Bakit parang iba 'yong meaning na 'yon?
“Iyan naman pala eh. Magbati nalang tayo para wala ng problema,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Nakita kong napabuga ito ng hangin. Ng hindi na siya nakatingin sa akin ay sumeryoso ang tingin ko sa kanya.
Isa siya sa pinagdududahan ko.
“I will accept this.... Sa ngayon,” seryoso niyang sabi sa akin.
•••
“Iris! Let me explain!” Napahinto ako sa pagkain ko ng french fries.
“Don't worry, Xandra. Hindi naman ako magagalit. I will support you, kung saan ka masaya, masaya na rin ako,” masigla kong sabi sa kanya.
Napayuko ito, “Kung saan ako masaya?”
“Yep, so wag ka na mag alala diyan.” Tinapik ko 'yong balikat niya. “Congrats, may boyfriend ka na. Naunahan mo pa ako.”
“I-iris, m-may sasabihin sana ako sa'yo,” kinakabahan niyang sabi sa akin.
“Huh? Ano naman 'yon?” tanong ko.
“I—”
“Iris.”
“Clave?” He smiled.
“Can we talk? Just the two of us?” Napatingin muna ako kay Xandra na ngayon ay cold lang na nakatingin kay Clave.
•••
“Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya habang naka cross arm.
“Naka decide ka na ba?” tanong niya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.
Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?
Dahan-dahan namilog ang aking mata ng mapagtanto ko ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...