Chapter 20

456 26 3
                                    

I can't believe naniwala agad ako sa kanya. Matamlay ko lang siyang tinignan. Nagulat ako ng hinawakan niya 'yong kamay ko.

Siguradong mapapagalitan ako ni Clave kapag nakita niya kaming dalawa. He said na lumayo ako sa kanya.

But now.... Nakipagdate ako sa lalaking 'to.

“Wag ka mag alala, wala si Clave dito.” Napatingin siya sa akin. “Don't think of him when you're with me. Think only me, Iris.”

Ng hindi na siya nakatingin ay palihim akong napairap. Magkapatid nga kayo ni Clave.

Well, ikaw naman 'yong nag imbita sa akin. Napangiti ako ng nakakaloko at tinuro 'yong shop.

“Luca! Punta tayo sa shop na 'yon! May gusto akong bilhin!” Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa at hinila nalang siya.

Ng tuluyan na kaming makapasok sa shop ay kumuha ako ng mga damit, bag, sandal, make up at iba pa at pumunta sa cashier.

“31,789 pesos po lahat.” Napatingin ako kay Luca.

“Can you pay this for me?” Nag puppy eyes naman ako at ngumiti naman siya, dahilan para ma dismaya ako.

Binigay na niya sa cashier ang pera niya. Hindi man lang siya nagdadalawang isip na ibigay ang pera niya.

Pagkatapos niya bayaran ang pinamili ko ay kinuha na niya ang paper bag at hinawakan ang kamay ko bago kami umalis.

•••

Napahinto siya dahilan para mapahinto rin ako. Napatingin siya sa akin.

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya.

“Ikaw.” Napahinto siya sa sinabi ko. “Anong gusto mong kainin?”

He chuckled, “Inulit mo lang 'yong tanong ko.”

Nagsimula na siyang maglakad at huminto kami sa isang restaurant. Umupo na kami at binigay na ng waiter ang menu.

“Isang halo-halo and macaroni salad,” sabi ko sa waiter.

“Pareho lang rin sa kanya.” Napatango na 'yong waiter at binigay na namin sa kanya ang menu bago siya umalis.

Sumeryoso ang tingin ko kay Luca, “Anong kailangan mo kay Clave?”

“Diba sinabi ko na sa'yo na ako lang dapat ang isipin mo,” seryoso niyang sabi sa akin.

“I can't help it. Sobrang nag alala ako sa kanya. Kaibigan ko rin siya,” sabi ko sa kanya.

“Kaibigan? Diba girlfriend ka niya?” I rolled my eyes.

“Hindi niya nga ako girlfriend,” irita kong sabi sa kanya.

He giggled, “Gusto ko lang siyang bumalik sa bahay namin.”

Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Alam kong masamang mangialam, pero gusto ko talaga malaman kung ano ang dahilan.

“Bakit ba siya umalis?” tanong ko sa kanya.

“You have to kiss me on the lips if I tell you,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napaiwas nalang ako ng tingin at napabuga nalang ng hangin. He giggled. “Ang cute mo talaga, Iris. It makes me want to hug and never let you go.”

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon