Anim ( Ikalawang Bahagi )

100 3 0
                                    

Natatawa pa rin ako nang ibaba ako ni Carl sa lilim ng isang puno.

"Wala na sila?" paniniguro niya pa. Tiningnan niya rin ang pinanggalingan namin. Kung nahuli kami ng mga tanod na 'yon, dagdag-problema pa kaya salamat na rin talaga at nakatakas kami.

"Wala na haha. Galing mo tumakbo kahit ang bigat ko". Tiningnan ko ang paa kong humahapdi kanina. Hindi na rin gaanong mahapdi ngayon. Napaka-boy scout kasi ng kaibigan ko, biruin may dala-dala pala siyang first aid kit sa bag.

"Kumusta pakiramdam mo?" Umupo siya sa tabi ko at isinandal ang ulo sa puno.

"Ayos na rin", sagot ko na lang. "Hindi na mahapdi".

"Nalaglag yong band aid do'n." Naalala pa pala niya yong band aid. "Ikaw kasi e", paninisi niya pa.

"Kasalanan ko pa? Ikaw 'tong nakaisip bumisita sa sementeryo ng gabi e".

Hindi na sumagot si Carl. Inakbayan niya na lang ako. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang na nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ako makagalaw. Ayoko rin muna gumalaw at isturbohin ang pagpapahinga niya sa balikat ko.

"Puwede naman siguro magpahinga sa'yo, Veron di ba?" tanong niya. Nakakagulat talaga mga pinagsasabi niya sa'kin ngayon.

"Puwede naman, Carl." Hinawakan ko ang ulo niya at marahang hinaplos ang kanyang buhok. "Pahinga ka lang diyan".

"Pagod na pagod na ako sa buhay, Ron", pagsisimula na naman ni Carl.

May mga mangilan-ngilan pa ring sasakyan ang dumadaan sa harap namin. 'Yon ang nagsisilbi naming ilaw dahil walang ilaw sa kinauupuan namin ngayon. Nasa gilid kami ng kalsada na mayroong itinalaga para sa pahingahan. Ang malaking puno na 'to ang sandalan at may upuang gawa sa semento na kasya ang pitong tao. Sa oras na 'to, ako muna ang magiging pahinga ni Carl.

"Nakakapagod mabuhay, Veron. Buti na lang nandiyan ka para may dahilan pa rin akong mabuhay".

Hindi ko mapigilang maluha. Napakababaw ng mga luha ko pagdating sa pakiramdam na nagkakaroon naman kahit papaano ng saysay ang buhay ko. Isa na si Carl sa nagpaparamdam nito sa'kin. Hindi ako nagsasalita. Gusto ko lang pakinggan mga sasabihin niya dahil alam ko ring hirap na hirap na siya sa mga nangyayari sa kanya.

"Kung puwede sana . . . wag na akong umuwi basta kasama kita".

Napalunok ako sa mga sinasabi ng kaibigan ko. Hindi naman siya lasing ngayon, hindi amoy-alak pero dahil siguro sa kapaguran, nasasabi niya ang mga gusto niyang sabihin. Masuwerte ako at may kaibigan akong gaya ni Carl. Ako rin naman, ayoko nang umuwi lalo na't hindi tahanan ang pakiramdam ko tuwing umuuwi ako sa amin. Ang tahanan. . ngayon ko ito nararamdaman kasama si Carl.

Isang patak ng luha ang tumulo galing sa kaliwang mata ko. Masakit. Mahirap. Masaklap isiping nabubuhay na lang ako dahil 'yon ang dapat. Kung ako ang isa sa pinaghuhugutan ng lakas ni Carl para lumaban, gayun din gagawin ko sa kanya.

"Tahan na". Pinahid niya ang luha sa mata ko gamit ang palad niya. Sumunod nito ay ang pagyakap niya sa beywang ko. Nasa katinuan naman siya pero bakit niya ginagawa ito. . .

"C-Carl, uwi na tayo. Kailangan na natin magpahinga", bigla kong sabi. Inalis ko rin ang kamay niya sa pagkakayakap sa'kin. Ayokong maging ganito kami kalapit sa isa't isa. Ayokong husgahan din ng ibang tao si Carl dahil kilala ako ng mga tao bilang 'anak ng isang puta' at gano'n din ang tingin sa'kin ng iba, isang babaing nagtitinda rin ng laman. Ayoko lang madamay siya.

Tumayo na ako, hinawakan ang kamay niya't hinila siya para makatayo na. "Hali ka na", aya ko.

Tumayo na rin siya sa tabi ko pero alam kong pagod na siya at ayaw na magsalita. Naiintindihan ko siya ngayon. Gusto ko lang maramdaman niyang nandito ako para sa kanya. Humawak ako sa braso niya para makakuha ng lakas dahil susubukan kong maglakad kahit may sugat sa paa. Hindi natitinag si Carl. Nakatayo lang habang tinitingnan ang ginagawa ko.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon