Labing-apat ( Ikalawang Bahagi )

27 1 0
                                    

Veron

"I'm sorry again", paghingi na naman ng pasensya ni Drew sa'kin. Ilang beses na siya nagso-sorry. Napapaniwala na niya akong magbabago na talaga siya.

Mula rito sa kinatatayuan ko, natatanaw ko sina Pat, Shaun, Adril at Carl na nagtatawanan habang si Pat, inaaral maggitara. Sabi sa'kin kanina ni Drew, gusto niya raw akong makausap kaya lumayo muna ako sa kanila para makausap siya.

"Kalimutan na natin 'yon", sabi ko na lang. Siguro ramdam na niyang nasaktan niya ako sa mga sinabi niya noon.

"Kumusta na pisngi mong pinagsasampal ko?" natatawa kong tanong at tiningnan ang pisngi niya. Maputi ang kanyang balat sa mukha, walang katigya-tigyawat at halatang alagang-alaga.

"It's fine". Hinawakan niya rin ang pisngi niya at tumingin kina Carl.

"He loves you so much," dugtong niya pa. Alam ko naman siguro noon pa pero pilit ko lang tinatanggi kasi takot akong mahusgahan nila.

Tumikhim ako. Si Carl masayang tumatawa kasama mga kaibigan niya. Si Pat din nakikitawa. Mukhang close na sila. Sabagay, napaka-friendly niyang tao. Di ko nga aakalaing ang dating sinasabihan niyang mga adik, nakakatawanan niya ngayon.

"Veron, sorry". Naiiyak na lumapit siya sa'kin at may binigay pang chocolate. Kakapasok ko lang kanina nang iabot niya 'yon.

"Nagtatampo lang naman ako kasi--lagi na kayo magkasama ng Carl na 'yan".

Nagulat ako dahil bigla niya pa akong niyakap. Sweet naman siya kahit minsan, maldita at sobrang taray. Nagtatampo lang pala siya. Sana sinuyo ko na lang.

"Noong nalaman ko kay Tiya Kara na naglaslas ka pala at na-ospital ka, grabe iyak ko", madaldal niya pang kuwento.

Natawa pa ako. Ano nga ba naisip ko nang oras na 'yon? Bakit ako nagpadala sa bumubulong sa'kin na dapat na lang akong mamatay.

"Akala ko mamamatay ka na." Tinawanan ko lang siya. "Paano kung patay na pala ako ngayon?" biro ko pa.

Hinampas niya ako sa braso. Manghahampas nga rin pala siya pag dala ng emosyon.

"Hindi ko kaya 'no? Saka alam mo ba, si Carl balisang-balisa 'yon. Alalang-alala siya na baka may masama na raw nangyari sa'yo".

Dahil sa sinabi niya, mas lalo akong nabuhayan ng loob na lumaban kasama si Carl. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko dahil may nagmamahal pa pala sa'kin. Kahit gaano kahirap, lalaban ako.

"Lumaban tayo pareho sa malupit na mundong 'to".

Araw-araw ko aalalahanin ang mga sinabi ni Carl. Lalaban kami.

"Veron", banggit na naman ni Drew sa pangalan ko. Tiningnan ko siya at hinintay ang isasagot niya.

"Thank you". Bakit siya nagpapasalamat sa'kin?

"Ahmm. . ." taka ko siyang tiningnan. "Para saan?"

"Dahil sa'yo", ani niya at ngumiti, "may mga natutunan ako".

Natutunan? Wala naman akong ginawa maliban sa pinagsasaktan siya noon.

"Ano naman ang mga 'yon?" usisa ko na rin. Gusto kong malaman kung ano ang itinuro ko. Wala naman e.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon