Wakas

73 1 0
                                    

Matapos ang siyam na taon. . .

Masyadong tahimik ang paligid. Nililipad ang pinagupitan kong buhok dahil sa lakas ng hangin. Pakiramdam ko ay niyayakap ako ng hangin at sinasabing magiging maayos din ang lahat. Sana at sana nga mas maging maayos pa.

Sa veranda kung saan ako nakaupo ngayon at tinatanaw ang paghangin ng mga puno, kita ko ang maaliwalas na paligid. Sumasayaw ang mga puno at may mga huni ng ibon akong naririnig. Nandito kami ngayon sa resthouse na nabili ko sa Baguio. Tinaas ko ang paa ko at ipinatong sa upuan. Kinuha ko na ang kapeng nasa ibabaw ng mesa ko at sinimsim ito.

Kinuha ko na ang phone ko at kita ko ang larawan namin ng boyfriend ko. Masaya akong nakangiti rito. Sobrang saya kong tingnan dito. Sa totoo, kaya? Gano'n din?

"Nandito ka lang pala, Veron." Napalingon ako sa boses ni mama. Bitbit niya ang isang tray na may lamang mga biscuits.

"Kain na, nak." Lumapit si mama at binaba na ang tray. Kumuha siya ng isang biscuit at kinagat ito habang ako, nakatingin lang sa pagsayaw ng mga puno. Sana ganito na lang lagi. Tahimik. Masaya. Walang nanggugulo, walang problema.

Tumunog ang mesage ringtone ng cellphone ko pero di ko na muna pinansin. Gusto ko muna namnamin ang ganitong paligid. Kalmado lang. Wala akong iisiping kung anu-ano pero may naiisip pa rin ako. Madami.

"Ang lalim ng iniisip mo a?"

Tiningnan ko ang nagsasalitang si mama. Matapos ang lahat ng nangyari, napapaisip pa rin ako bakit nangyari lahat ng 'yon.

"Iniisip mo ba flight mo, nak?"

Oo nga pala. Flight ko na naman sa sunod na Huwebes papuntang Thailand. Nagbakasyon lang ako rito pero babalik ulit ako do'n para magturo sa mga elementaryang kabataan.

Kumuha na rin ako ng biscuit at sinawsaw sa kape. "Mami-miss ko 'to." Nilinga ko ang paligid ko para tingnan ulit ang paligid na meron ako ngayon. Ilang araw na lang ako dito dahil aalis na naman ako.

"Kaya nga ginawa naming memorable ang araw na to."

Nangunot ang noo ko. Ibig sabihin, may iba pang nandito na pupunta?

Tumingin si mama sa pinto at nakita ko nga sila. Sina Tiya Kara, Patricia, Shaun at Adril na may mga dalang lobo, cake, softdrinks at may bluetooth speaker pa si Adril. Si Tiya Kara naman, may microphone pa.

Napangiti ako at napatayo na. Mabilis kong sinalubong si Pat at mahigpit siyang niyakap. Matagal na rin kaming hindi nakapagkita. Na-miss ko siya nang sobra rin. Ang daming taon na ang dumaan pero heto kami, magkaibigan pa rin at sina Shaun, naging kaibigan ko na rin. Naniniwala akong dahil yon kay Carl.

"Wahh!" napahiyaw pa si Pat sabay yakap sa'kin.

"I missed you, Ron," sobrang higpit din ng yakap sa'kin ni Pat.

Bumitiw na ako sa pagkakayakap at tiningnan ang mukha niya. Mas lalo siyang pumuti, tumaba ang pisngi at may sunglasses pa. Mukha lang balikbayan. Isa pa, single pa rin siya. Masyadong outgoing si Pat at gusto niyang unahin lagi sarili niya. Sa taray niyang ito, talagang natatakot mga lalaking manligaw sa kanya.

Hinawakan niya ang pisngi ko. Nagtatalon pa at niyakap ulit ako. "Ang ganda-ganda mo, Veron."

Namula ako sa sinabi niya at natawa. Natuto na rin akong alagaan ang sarili ko, ang pangangatawan, kalusugan at balat kaya heto siguro, mukha na akong maganda sa paningin nila.

"Bolera ka talaga." Hahampasin ko sana siya pero natigilan ako nang maalala kong ito ang naging ugali ko noon. Pinakita ko pa rin sila ang ngiti ko. Ayoko sanang mahalata nilang apektado pa rin ako sa pagkawala niya. Kahit yata mamatay ako, hindi ko siya makakalimutan.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon