Walo

54 1 0
                                    


Veron

"You may now go to your perspective groups", utos ni ma'am Semil sa amin sa subject niyang World Religion. Katatapos lang namin magbilangan ng 1 to 6 kaya masaya kong nilingon si Pat habang umaasang kapareho ko siya ng group number na 3. Siya lang ang kaibigan ko sa loob ng room. Minsan, kapag nahihiwalay ako sa kanya, pakiramdam ko, mag-isa lang ako.

"Pat!" masigla kong tawag sa kanya pero di niya ako pinansin. Parang wala lang siya narinig hanggang sa may nangalabit sa braso ko. Si Melanie pala kasama si Tiff. Tiningnan ko ulit si Pat pero ang saya-saya niya sa mga kaklase namin. Nakakalungkot lang na kabaligtaran ko siya. Kung ano'ng pagiging palakaibigan niya, siya namang pagiging malayo ko sa mga tao.

"Number 3 ka di ba?" tanong ni Melanie sa'kin. Si Tiff ay katabi niya habang nagseselpon at pangiti-ngiti sa kausap do'n. May ka-chat yata siya.

Nilingon ko ulit si Pat. Naghahalakhakan na sila ngayon. Mga kagrupo niya rin yata mga katawanan niya.

"Hayaan mo na si Pat diyan", rinig kong sabi ni Melanie. "Saka kahit kanino mo idikit yan, magiging kaibigan niya, di ba?"

Pinariringgan niya siguro ako dahil alam din nilang mahilig ako dumistansiya sa kanila. Alam kong mag-bestfriend sila ni Tiff. Nakakatuwa lang. Silang mag-bestfriend ay magkasama. Kami ni Pat, hindi.

"Sa bahay tayo nina Tiff mamaya pagkauwian. Doon natin gawin sa kanila. Ano g ba?" Nakakagulat naman. Sabi ni ma'am sa sunod na linggo pa naman daw ang pasahan. Marami pa kaming araw pero baka iniisip nilang mas maaga matapos, mas maganda kaya tumango na lang ako. "Sige. . pero puwede ba ako sa kanila?"

Baka kasi mamaya, bawal pala ako sa bahay nina Tiff. Alam kong may kaya sila at baka nakakahiya.

"Oo naman, di ba Tiff?" Siniko niya siya. Saka lang din ihininto ni Tiff ang pagseselpon nang sikuhin siya ni Melanie. Nawala ang ngiti sa labi ni Tiff at tumangu-tango rin. "Oo naman. Ano ka ba, ako lang 'to."

Hindi maganda pakiramdam ko sa kanila pero dahil groupings naman 'to, sige na. Bahala na.

"Sabay-sabay na tayo a. May inaasikaso lang ako", paalam ni Tiff habang ngumingiti pa rin sa kanyang selpon.

Tumunog na ang bell na ang ibig sabihin ay uwian na. Wala na rin si ma'am sa harap kaya nagkakagulo na ang iba. Nilapitan ko ulit si Pat. Nag-aayos na siya ng gamit para sa uwian. "Sabay na tayo labas, Pat", masaya kong sabi sa kanya pero parang wala siyang naririnig.

"Gagawin na namin pinapagawa ni ma'am," cold niyang sagot sa'kin. Di man lang niya ako magawang tapunan ng tingin. Isa-isa niyang nilalagay sa loob ng bag ang mga notbok at bolpen. Nakatayo lang ako sa harap niya. Ang sakit naman. Dati, ako ang hinihintay niyang umuwi at nagmamadali pa pero ngayon, mukhang ayaw na niya sa'kin. Hihintayin ko na lang siyang makalabas at iwan ako kaysa siya ang iwan ko.

Pagkaligpit ay di niya pa rin ako tinitingnan at kinakausap. "Tara na!" aya niya sa mga kasama niya kaninang nagtatawanan. Ang sasaya nilang tingnan. Tapos ako--

Si Pat lang ang kaibigan ko sa room na 'to. Si Carl ay sa ibang section 'yon pero wala akong magawa kundi sundan na lang siya ng tingin kasama ng mga kaklase namin.

"Hayaan mo na siya", sabi ng isang boses sa gilid ko. Si Melanie pala ulit. Ikinawit niya ang kamay niya sa braso ko at hinila na ako palabas. Hindi naman kami magkaibigan para hawakan niya ako pero baka ganito lang ginagawa ng mga pala-kaibigang tao.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon