Tatlo

141 4 0
                                    

Dala ang bag sa likod at suot ang unipormeng pang-eskuwela, eksayted na sumigaw na si Pat sa bahay nina Veron.

"Veron! Yoho!"

Unang tawag pero walang sumasagot kaya inulit niya pa. "Veron?"

"Veron Padilla! Veron!"

Paulit-ulit niyang sinigaw ang pangalan nito pero walang sumasagot. Saan kaya nagpunta yon? Ano'ng oras na, mahuhuli na siya sa klase.

Baka naman pumasok na siya at nauna pa sa'kin.

Dahil sa isiping yon, sinulyapan na lang niya ulit ang bahay nina Veron. May geyt ito sa labas na pininturahan ng gray pero medyo naluluma at kinakalawang na. May dalawang palapag ito na parehong napinturahan ng kulay gray at ilang bahagi ay itim gaya ng bintana. Sarado ang pinto nila at nagkalat din sa bakuran nito ang mga dahon. May mga upos pa ng sigarilyo.

Paalis na siya nang may makitang babaing nakatingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay pero di pa niya nalalampasan, tinawag na siya nito.

"Hoy!" sigaw ng babaing nakapusod ang buhok, may bitbit na anak, medyo di naman katangkaran at may hitsura rin kahit papaano. Sa hitsura nito ay mukhang 19 anyos lang.

Tiningnan lang niya ang babae bago sinagot, "Bakit mo ako hino-hoy? Kilala ba kita?"

Tumikhim ang babae at tiningnan si Pat mula ulo hanggang paa. "Ikaw yong minsan nakikita kong bumibisita diyan at kasama ni Veron, di ba?" usisa ng babae.

"Napaka-pakialamera naman pala ng kapitbahay ni Veron," sa isip-isip ni Pat.

Naiinis niyang tinanong ang tsismosang babae. "At bakit naman?"

Nagsimulang umiyak ang bata kaya hinele-hele nito ang anak habang di inaalis ang tingin sa kanya. "Alam mo bang minsan, may inuuwing lalaki sa kanila ang nanay ni Veron?"

Hindi na pinatuloy pa ni Pat ang sasabihin ng babae at hinarang nito ang sunod na sasabihin tungkol sa kaibigan niya.

"Alam mo ate, pasensya na pero di tayo close," mataray niyang sabi. Inirapan niya ito at iniwan na. Padabog pa niya itong iniwan. "Ang martir naman kasi ng kaibigan ko. Sabi ko umalis na siya sa kanila e."

"Pakialamera ng buhay ng iba ang babaing 'yon," pagkausap na lang ni Pat sa sarili habang minamadali na ang paglalakad.

Hindi pa siya nakakalayo nang tuluyan. Sa paglalakad, isang bahay na naman ang nadaanan niya, ang bahay nina Carl at ng pamilya niya. Rinig sa labas ang pagkalabog ng mga gamit sa loob at may mga nagsisigawan pa. May umiiyak pang mga bata. Gumilid siya para makiusyoso nang patago at para pakinggan ang nangyayari sa loob.

"Gago kang bata ka! Hindi ko alam saan mo namana pagiging ganyan mo! At kailan ka pa natuto mag-adik, ha?"

Pagkatapos nito ay sunud-sunod na naman ang pagkalabog ng mga gamit sa loob na para bang nagbabasag ng mga gamit o hinahagis. Nasesermunan yata si Carl ng nanay niya. Boses-babae ang sumisigaw at sino pa ba ang nanenermon nang ganito kundi mga nanay. Nakikinig sa pagsigawan si Pat sa labas ng bahay ni Carl. Patagong inaalam ang isyu nito. Marahil ay nalaman ng magulang niya ang nangyaring pag-aadik nito sa loob mismo ng skul nila.

Palabas ng pinto si Carl habang nangangatwiran. Suot nito ay puting sando at green na shorts. Pakamot-kamot pa ng ulong mukhang bagong gising.

"Sabi ko na sa inyo wala akong kasalanan e!" pasigaw na rin na depensa ni Carl sa sarili. "Sige na! Adik na kung adik! Bahala kayo!"

Palabas na rin ng pinto ang nanay ni Carl. Galit na galit na ang hitsura nito. Halos pumutok na ang mga litid sa leeg kakasigaw masermonan lang ang anak.

"Talagang sumasagot ka pa ah! Ayaw mo pa aminin kasalanan mong bata ka? Lumayas ka!"

Mas lalo pang itinago ni Pat ang sarili. Dahan-dahan siyang naglakad paatras para makaalis na dahil kailangan na niya pumasok ngayon.

Si Carl naman ay paalis na para iwan ang bahay dahil pinapalayas na rin siya ng kanyang nanay.

"Opo ma, ito na lalayas na para wala na kayong problema," sagot niya na lang. Sa sitwasyon nito ay nagagawa pa niyang gumamit ng 'opo' bilang paggalang sa mala-dinosaur na nanay.

"Yan tama! Wag ka na babalik kahit kailan! Wala akong anak na adik! Layas!"

Napakamot sa batok si Carl habang iniisip kung saan tatambay at pahuhupain ang inis na nararamdaman sa magulang. Kahit kailan ay di nila siya pinakinggan. Katwiran ng mga ito ay sila ang magulang kaya dapat silang respetuhin at pakinggan lahat ng oras kahit pa siya ang dapat pakinggan lalo na sa panahon ngayong nadawit ang kanyang pangalan.

~~~~~~~~~

Hinihingal na nakaabot si Pat sa room nila. Sakto at wala pang titser kundi mga kaklase pa lang niyang nagkukuwentuhan at nagdadaldalan. Pagkaupo sa upuan ay nilapitan agad siya ng mga kaklase.

"Ano'ng oras na pasok mo, Pat? Haha late ka na a," anang isa.

Umupo sa mesa ni Pat ang isa at sinundan ang sabi ng nauna. "Oo nga, lagi ka naman maaga pumasok saka pinagpapawisan ka. Sa'n ka galing?"

Kumuha siya ng bimpo sa loob ng bag at pinawisan ang pawis na tumatagaktak.

"Absent si Veron? Wala pa rin siya."

"Oo nga. Absent na naman. Baka mamaya, kung anu-ano na niraraket ng kaibigan mo, Patricia," tatawa-tawang asal ng isa.

"Kaya nga ako na-late. Galing ako sa kanila para sabay sana kami papasok e wala naman sumasagot," pagkukuwento niya sa mga ito.

Nagkatinginan ang mga ito at may ibinulong sa isa. Pagkatapos ng bulungan ay ibinulong din nito kay Pat ang sinabi.

"Baka mag-pokpok na rin kaibigan mo," bulong nito sa kanya.

Naapektuhan siya sa sinabi nito at mabilis na pinrotektahan ang pangalan ng kaibigan.

"Alam ninyo, kung may balak mag-pokpok kaibigan ko, dapat noon pa. Mas mukha pa nga kayong mga pokpok kaysa sa kanya," asar niyang reklamo sa mga kaklaseng wala na rin ibang ginawa kundi pag-usapan ang iba.

"Joke lang e," saad nila at nagtawanan pa.

"Ito seryoso na, si Carl di ba kaibigan ni Veron?" usisa na naman. Naririndi na siya nang tuluyan sa mga uri ng tanungan ng mga ito.

"Baka mamaya, nag-adik na lang din si Veron gaya ng ginawa ni Carl."

Sabay na naghalakhakan ang tatlo na siyang ikinainis niya.

"Wala rin kayo magandang dulot e. Alis nga!" Pinaalis na lang niya ang isa sa kanilang nakaupo sa mesa niya. Pati naman ang mga ito walang magandang ginawa kundi pagsalitaan nang nakatalikod ang kaibigan niya.

"Pakibigay naman kay Veron, Pat".

Iniaabot sa kanya ni Carl ang isang papel. Taka niya itong tiningnan. Noong patakbo na siya para umalis sa bahay nina Carl, nakita siya ni Carl at tinawag.

Binasa niya ang nasa papel. Napaka-espesyal naman ni Veron para kay Carl kung gano'n. May sulat pa.

"Nakita kitang umiiyak kahapon habang naglalakad. Sorry, Ron. May problema rin ako sa bahay. Pati sa school nga, minsan ayoko na pumasok dahil galit na sa'kin sina Drew. Kasalanan ko naman e pero ginawa ko lang ang tama. Ayoko na sa kanila. Umalis na ako, Ron gaya ng sabi mo."

-Carl

Mabilis na nilukot ni Pat ang sulat. Nakaramdam siya ng konsensiya kaya inayos niya ulit ito at pinlantsa gamit ang kamay saka inilagay ulit sa loob ng bag.

"Gano'n ba ka-importante ang sulat na 'yon? Saka ano kaya tinutukoy niyang ginawa ang tama? Wag ko na bigay sa kanya. Ginawa pa akong messenger ng mga 'to."

Napanguso siya at nakaramdam ng inis. Si Veron na pinaka-matalik niyang kaibigan, balak pa yata mas kuhanin ang loob ng Carl na 'to. Kung minsan, di na nga niya nakakasama si Veron dahil puro na si Carl, nakuha pa nitong gumawa ng sulat at nautusan pa siyang iabot sa kanya.

"Magsama kayo," sabi pa niya.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon