Dalawampu't Dalawa

42 1 0
                                    

Lily


Tiningnan ko ang anak kong nakahiga, mahimbing nang natutulog sa hospital bed. Pakiramdam ko, napakawalang kuwenta kong ina. 'Yong panahong dapat ay nasa tabi niya ako para naiwasan sana niya maging bayolente at muntik pang saktan sarili niya, sana nandoon ako pero wala e. Nasa trabaho ako. Naghahanapbuhay para may panggastos sa gamutin ng sugat niya.

"Take care of her po, tita".

Napatingin ako sa lalaking nagsalita at nagdala raw ng anak ko dito sa ospital. Sinakay raw nila sa isang van na pagmamay-ari ng binatang ito. Kung hindi raw dahil sa kanya, baka napaano na si Veron.

"Tita?" tinaasan ko ng kilay ang lalaking ito. Ano ba siya ng anak ko?

"Sino ka ba?" tanong ko pa. Gusto ko lang naman malaman.

Siniko ako ni ate Kara at mahinang binulong sa'kin na ", Umayos ka naman, Lily. Bawasan mo kasungitan mo".

Masyado na yata ako masungit. Tiningnan ko ulit ang binatang kumakamot sa batok niya at kita kong sinusulyapan niya ang nagpapahinga nang si Veron. Wag niya sabihing gusto niya rin anak ko? Ganda naman ng anak ko.

"Ako po si Drew Oliver", pagpapakilala ng binatang siguro mga 2 taon din ang tanda kay Veron. Kaedaran lang yata to ni Carl, ang pumanaw na kaibigan ni Veron.

"Kaibigan po ako ni Carl". Nanamlay ang boses niya. "Nanghihinayang po ako sa buhay ng kaibigan ko at ayoko lang din pati si Veron, mawala".

"Ehem. Ehem", kunwaring umuubo ang isa pang kaibigan ni Veron na si Patricia. Ngumingiti-ngiti pa. "Ehem", pag-ulit niya pa.

"Close kayo?" tanong ko sa Drew na 'to. Hindi ko gaanong kilala ang anak ko pero ang alam ko, di naman siya palakaibigan sa mga lalaki o mali lang ako ng naiisip.

Siniko na naman ako ni Ate Kara. "Yang kasungitan mo, Lily".

Katwiran ko naman ", Nagtatanong lang ako, ate. Masama ba magtanong?"

"Hindi po gaano pero marami po akong atraso sa anak ninyo".

Nagtaray na lang nang kusa ang mukha ko. "Marami kang atraso sa anak ko?"

Pilit niyang tinatago ang kaba pero kita ko 'yon. "Ah kasi po--"

"Naku hijo, pagpasensyahan mo na 'to si Lily. Salamat sa pag-aalala mo sa pamangkin ko".

Nakangiti pang nagpapasalamat si Ate Kara. Nginitian ko na rin siya para magpasalamat. "Salamat", tipid kong sabi. Dami pala atraso nito sa anak ko. Kung anu-ano man yon, dapat bumawi nga siya.

"Tita, gusto ko pong makatulong sa inyo", hirit pa ng binatang ito. Pinopormahan yata nito ang anak ko a. Lakas ng loob tawagin akong tita.

May iniaabot siyang sobre sa'kin ngayon. "Heto po".

Hindi ko ito inaabot kaya si Ate Kara na ang nag-abot. "Para saan ito?" tanong niya sa kanya.

"Tulong financial po sa bayarin dito sa ospital pati na rin ang gamutan ni Veron sa sugat niya", nakangiti niyang sabi. Kinuha ko ang sobre at nakita ko kung gaano karami ang laman nito. Siguro nasa 30k ito pero bakit napaka-galante naman nito sa pera. Gano'n siguro siya kayaman.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon