Dalawa

166 5 0
                                    

Inilalahad ng ginang ang otsenta pesos sa dalaga bilang kapalit ng paglalabada nito.
"O heto."

Dismayadong tinanggap na lang ni Veron ang iniaabot ng ginang na otsenta pesos. Limang malalaking basket ng labahan ang nilabhan niya lahat, isama na ang pagbanlaw at pagsampay, pati na rin ang pag-aalaga niya ng dalawa nitong anak at ang kapalit ay isang daan lang. Dati naman ay nasa 150 pesos ang ibinibigay nito lalo na at siya pa ang pinagbabantay ng 2 nitong maliliit na anak.

Napansin ng ginang ang pananahimik ni Veron. Ni hindi man lang nagawang magpasalamat sa natanggap na pera.

"Hindi ka magpapasalamat?" anang ginang.

"Salamat po, tiya Del," aniya.

Tumango naman ang ginang at pumasok na sa loob ng bahay. Tinanaw pa niya ang pagbuhat nito sa tatlong taong gulang na anak na lalaki. Sisinghot-singhot ang bata at ang ipinampunas sa sipon ng bata ng ginang ay ang mismong suot nitong damit. Kaya naman pala ang lalagkit ng mga damit ng mga bata pagkalaba niya at madudulas. Hindi man lang ito naglalaan ng bimpo para pamunas ng sipon.

Tiningnan niya ulit sa kamay ang P80 at napailing na lang. "Hays"," dismayado niyang usal. "Sige na nga salamat na."

Nakakapagtaka naman dati ay nasa 150 pesos o minsan ay 160 ang ibinigay nito sa kanya. Siguro ay naghihirap na rin sila sa paghahanap ng perang panustos. Ibinulsa na lang ni Veron ang pera at naglakad na paalis. Hindi pa siya nangangalahati sa lalakarin pauwi ay nakasalubong na niya ang isa sa sa mga tsismosang kapitbhay na si Edna. Hindi na ito nag-aaral at inaalagaan na lang ang dalawang anak sa edad na diseotso.

Lalampasan na sana niya ang babae pero tinawag siya nito. "Veron!" Hindi na nga niya ito papansinin pero ito na mismo ang lumapit sa kanya. "Yong nanay mo, may nabingwit na namang foreigner," tatawa-tawa nitong balita sa kanya. Para namang masusurpresa pa siya sa balita nito.

Hindi na lang siya nagsalita at di na talaga ito pagtutunan ng pansin pero may idinugtong pa ito. "Ikaw, kailan ka makakabingwit?"

Tumawa pa lalo si Edna na nagpadagdag lang sa inis niya. Wala nang ginawa ang mga tao sa paligid niya kundi husgahan siya at ang ina niya.

"Ikaw kailan ka titigil kaka-tsismis mo?" Sinamaan niya ng tingin ang babae.  "Baka gusto mong manahimik habambuhay?"

Kusa naman itong nakaramdam ng hiya at lumayo na sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Veron. Napaka-tsismosa ng mga tao. Kung may exam lang ng tungkol sa buhay niya, sigurado siyang mape-perfect nila sa pagmamagaling. Tingin nila sa mga sarili nila ay malilinis na tao pero hindi naman.

Pagkabukas ng pinto ng bahay ay bumungad sa kanya ang nakakalat sa sahig na sandals ng kanyang ina. Pinulot niya ang mga ito at binalik sa lalagyan sa ilalim ng mesa. Inayos na lang niya ang mga sandals dahil kapag nakita ng ina niyang hawak o pinapakialaman niya ang mga sandals nito, magagalit na naman 'yon sa kanya.

Pagkatayo ay  bumukas ulit ang pinto. Iniluwa nito ang kanyang Tiya Kara. Bitbit ng ginang ang mga basket na wala nang laman at sa ulo ay may nakalagay pang bilao. Pati ang apron nito ay suot pa. Ang kanyang tiya ang kasa-kasama nila ng kanyang ina sa bahay. Tumanda na lang dalaga ang ginang dahil sakit lang daw sa ulo ang pag-aalaga ng anak.

Pawis na pawis si Kara, nanlalagkit ang buong katawan. Di niya na ito pinag-aksayahan ng oras at tutungo na sana sa kanyang kuwarto. Hindi pa man siya nakakarating sa kuwarto ay tinawag  din siya nito.

"Veron! Ang nanay mo, nasaan?"

"Di ko po alam," walang gana niyang sagot kahit alam niyang nasa kuwarto na rin nito ang ina. Siguradong napagod ito sa pakikipagbakbakan sa isang foreigner at kailangan magpahinga.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon