Labimpito

33 2 0
                                    


Carl

"Magpagaling ka, ha?" ani Veron habang pinupunasan ang mukha at leeg ko ng basang bimpo. Nakaratay ako ngayon sa higaan niya habang siya, katabi ko.

"Kapag dumating ang mama mo, hindi ba siya magagalit sa'yo na nagpapasok ka ng lalaki sa bahay ninyo?"

Hininto niya ang pagpunas sa noo ko. Umupo na siya katabi ko. "Hindi syempre, gusto lang kita alagaan. Sabi mo nga ayaw mo muna sa inyo".

Napangiti ako. Kahit pa may sakit ako, makita ko lang siyang kasama ko, masaya na ako. Kita ko pang nasa ibabaw ng mesa niya ang rosas na binili ko para sa kanya kanina.

"Iingatan ko yan", sabi niya. Nakita niya palang tinitingnan ko ang bigay ko sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko. Ang bigat sa pakiramdam, parang gusto nang bumagsak nang tuluyan ng mga talukap ng mata ko.

Tumayo na siya at pinindot ang electric fan nila para umikot ito. Nakatutok lang kasi sa akin kanina.

"Pahinga ka lang diyan, Carl". Nakangiti siyang tumayo at iniwan na muna ako.

Bumuntong-hininga ako. Sinasariwa ko sa isipan ko ang lahat ng nangyari aa bahay namin. Hindi ko alam bakit pa ako nagtitiis sa kanila. Siguro ay iniisip ko kapakanan ng mga kapatid ko.

Narinig ko ang mga boses ng taong nag-uusap sa labas ng kuwarto ni Veron. Siguro, dumating na ang kanyang mama. Rinig ko rin ang boses ni Veron na nakikipag-usap sa isang tao. Mayamaya pa, punasok ulit siya sa kuwarto niyang abot-langit ang ngiti. Ang saya-saya tingnan ni Veron.

Tumabi siya sa'kin at umupo saka kinumutan niya rin ako.

"Nandiyan si mama", simula niya. "Sinabi kong nandito ka kasi ayaw mo pa umuwi sa inyo. Sabi lang niya, di ka raw puwede magpagabi dito".

Totoo nga yatang nagkaayos na sila ng mama niya. Nakakainggit lang. Sana ako rin. .

"Carl, naalala mo no'ng nag-bike ka, umangkas ako sa'yo tapos sumemplang tayo?"

Naalala ko 'yon. Hiniram ko lang ang bisikleta na
'yon para maiangkas si Veron kasi di pa raw siya nakakaangkas sa bisikleta buong buhay niya.

"Sorry, puro galos nga nakuha natin do'n".

Natawa lang siya at sinabayan ko na siya sa pagtawa niya. Pakiramdam ko, wala akong sakit kasi nandito na ang gamot ko, si Veron.

"Ay!" May bigla yata siyang naalala. "May ginawa akong listahan para sa'yo".

Nangunot ang noo ko. "Ano'ng listahan?"

May kinuha siya sa kanyang drawer at sinimulan niyang basahin ang nakasulat dito.

"Para kay Carl".

"Gusto mo ba marinig?" tanong niya. Kahit ano naman sabihin niya, basta marinig ko lang boses niya, masaya na ako.

"Oo naman".

"Mga rason kung bakit ko nagustuhan si Carl." Napangiti na naman ako. Bakit ang dali sa kanyang pangitiin at pasayahin ako.

"Mabait, masipag, maalalahanin, mapagmahal, responsable, mataas ang pangarap sa buhay, laging nandiyan para sa'kin". Hininto niya muna ang pagbabasa at tiningnan ako.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon