Labingtatlo

34 1 0
                                    

Veron

Ang daming pasyenteng maya't mayang isinusugod kaya gumigilid ako para padaanin sila. Maririnig sa paligid ang mga iyakan ng mga namatayan, may mga nagdarasal pang wag muna sila iwan ng mga mahal nila. Mayroon pa nga natataranta at di alam ang gagawin kasunod sa mga isinusugod na tao.

Napatingin ako sa nakabenda kong pulsuhan sa kanang kamay. Kung natuluyan na lang sana ako, iiyak din kaya at sasabihin ni mamang sana nanatili muna ako? Kung namatay na lang sana ako, tahimik na siguro buhay ko.

"Ipaampon ko na lang kaya 'yang batang 'yan".

Hanggang ngayon sobrang sakit sa'kin ng mga sinabi ni mama. Lalo na nang sabihin niyang hindi niya ako anak. Itinatanggi niyang sa kanya ako nanggaling. Bakit gano'n siya? Bakit parang tuta ang tingin niya sa'kin na basta-basta na lang puwede ipamigay.

Nasa isang linggo na rin akong hindi nakakapasok. Tinatamad na rin ako mag-aral. Nawawalan na ako ng ganang lumaban pero may inaalala ako-si Carl. Kumusta na kaya siya? Mula nang araw na tinangka kung bawiin ang buhay na 'to, hindi ko na siya nakita. Akala ko matatapos na problema ko. Akala ko sagot sa problema ko ang pagpapakamatay. Nakakahiya ako.

Sabi ng doktor, mild hemophilia lang daw ang mayroon ako. May mga treatments daw na ginagawa para rito pero ang alam ko, wala kaming pera. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako nananatili sa malungkot na lugar na 'to. Gusto ko nang umuwi sa totoong tahanan ko, kay Carl.

Napahinto ako sa paglalakad dahil parang kilala ko ang lalaking nakaupo sa waiting area, nagse-cellphone lang siya. Ano kaya ginagawa ni Drew dito? Tinakpan ko ang kamay ko. Baka makita niya at isipin nga niyang naglaslas ako. 'Yon naman ang totoo pero may parte sa'king di ko matanggap na sinubukan kong patayin ang sarili ko.

Binaba na niya ang cellphone niya at tumayo. Pagkatayo niya ay nagtama ang paningin naming dalawa. Nakakahiya rin dahil pinagsasampal ko siya no'n, tinadyakan at pinagsusuntok. Nakakahiya. Tapos sinabi ko pang mamatay na siya pero bandang huli, ako rin sumubok gawin yon sa sarili ko.

"Veron?"

Mag-sorry na kaya ako sa ginawa ko. Para naman kung sakaling mawala na ako nang tuluyan, may nagawa naman akong tama.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya pa. Teka, ano idadahilan ko sa kanya? Magsisinungaling na naman ako.

"Ah", luminga-linga ako sa paligid. "Wala naman, nasugatan lang ako kaya ako nandito ako".

"Malaki ba sugat mo? Ayos ka na? Saan banda?" sunud-sunod niyang tanong. Nakakapagtaka. Bakit niya ako pinapakialaman. Hindi naman kami magkaibigan.

"Pagaling na rin", sabi ko na lang. Baka kung ano na naman pinaplano niya. Hinding-hindi niya ako magiging biktima.

Mas lumapit pa siya sa'kin. Gaya nang araw na nabangga ko siya sa bar, ganitong-ganito 'yon. Ganito kalapit. Sa tangkad niya ay tinitingala ko pa siya pero hindi siya ang iniisip kong nandito kundi si Carl.

"Sabi ni Carl", simula niya. Ano kaya sinabi ni Carl sa kanya. "Ilang araw ka na raw absent", dugtong niya. "Carl's worrying about you".

Paano kapag nalaman ni Carl na hindi ako lumaban para sa buhay ko? Nagpadala ako sa emosyon at galit ko kaya ko nagawa yon? Baka--

"Wag mong sabihin sa kanya", bigla kong nasabi sa kanya. Hindi ko balak sabihin nang literal 'yon. Nasa isip ko lang pero nasabi ko na. "Na ano?"

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon