Labing-anim

33 1 0
                                    


Veron

Alas dose na ng tanghali ngayon. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang hinihintay si Carl. Sabi niya, sabay kaming uuwi. Si Pat naman ay nauna nang umuwi dahil may pupuntahan daw.
Sabi ng mga teachers, may meeting daw sila kaya kailangan half day lang ang pasok namin.

"Hoy!" Nanggugulat na naman siya. Kung may sakit lang ako sa puso, baka inatake na ako.

Nilingon ko ang Carl na 'yon at nakitang may hawak siyang artificial rose. Para sa'kin kaya ito?

"Hindi 'to para sa'yo", sabi niya at ngingisi-ngisi pa.

Inismiran ko siya at nauna nang maglakad. "Hindi ko naman sinabing para sa'kin 'yan".

Sinundan niya rin ang paghakbang ko ng mga paa. Tumabi pa siya sa'kin habang sabay na kaming naglalakad.

"Joke lang e. Para sa'yo 'to". Bigla niyang inabot sa'kin yong rose habang naglalakad pero inirapan ko lang siya. Kunwari nagtatampo ako.

"Para sa'yo mo mukha mo", inis ko pang sabi sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ayaw mo?" tanong niya. "Sige ka, ipapamigay ko
'to".

Napahinto ako sa paglalakad. Tiningnan ko siya. "Edi pamigay mo".

"Sino may gusto ng bulaklak?" sigaw niya sa kalsada habang naglalakad kasabay ko. Napaka-sira niya talaga.

"Ayaw ng girlfriend ko e!" dugtong niya pa. At kailan niya pa ako naging girlfriend? Kapal naman, ang advance niya mag-isip.

"Sige na nga", hinablot ko na sa kanya ang bulaklak at kunwari naiinis pa rin habang bitbit ko ito sa kamay.

"Sina Drew," simula ni Carl. "Nasa rehab na sila ngayon", dugtong niya pa.

Balita ko noon, kahit nasa rehab daw sila, itutuloy pa rin nila ang pag-aaral. Sabi pa ni Carl no'n, makaka-attend pa rin sila ng graduation sa oras na magbago na silang tatlo.

"Tumahimik na school natin no'ng umalis sila", malungkot ang boses niyang saad. Alam kong nalulungkot siya kasi may pinagsamahan silang magkakaibigan.

"Mabuti nga".

"May aaminin ako, Ron", sabi niya pa. Sobrang bagal namin maglakad. Para bang may prusisyon ngayon. Ganito kami maglakad ni Carl kapag may napag-uusapan.

Inusisa ko siya. "Ano 'yon?"

Matagal bago siya nakasagot. Nakakakaba naman kung anuman ang sasabihin niya. Tiningnan ko siya sa gilid ko at napansin ko ang pananamlay niya. Mayamaya pa, umubo si Carl kaya kinutuban na ako. Sinalat ko siya sa leeg niya. Ang init niya.

"Nilalagnat ka, Carl", sabi ko pa sa kanya.

Pinilit niyang ngumiti kahit pa mukhang hindi niya kaya.

"Ako nagsumbong kina Drew." Nanlaki ang mga mata ko pero noon pa, may kutob na akong siya nga ang nagsumbong.

"Kaya traydor tingin nila sa akin no'n, di ba? Tapos tinatanggi ko pa".

Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Baka mamaya bigla rin siyang matumba dahil nilalagnat siya. Hinawakan ko siya sa braso niya bilang alalay sakaling mawalan siya ng lakas. Di ko alam bakit ang oa ko pero nag-aalala lang ako sa kanya.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon